Chapter 1

3.9K 145 8
                                    

SEASON OF CHANGE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SEASON OF CHANGE

SA GITNA ng malakas na buhos ng ulan, ang pag-dagundong ng mga kulog at ang pagsagitsit ng mga kidlat, ako ay napatingala.

Tag-ulan na naman.

Ibig sabihin, araw at gabi, sila ay maglilibot at mamamayani. Sila ay maghahari.

Panahon na naman ng delubyo. Ang delubyo na uubos sa lahi namin. Ang delubyo na papawi sa amin dito sa mundo.

Dinama ko ang bawat patak ng ulan sa aking katawan at mukha. Napapaisip kung ano ang dapat kong gawin ngayong tag-ulan na naman.

Hindi ako pwedeng mahuli. Hindi ako pwedeng maging pagkain. Ngunit paano ako makakatakas dito? Paano ako makakaalis sa lugar na 'to kung ganito rin naman ang sitwasyon sa ibang lugar?

Napabuntong hininga ako.

Kung hindi lamang ginawa ang proyektong iyon, hindi sana ganito ang sitwasyon ngayon. Ang dapat na masaya ay naging malungkot. Ang dapat na buhay pa ay nakabaon na sa lupa na walang hustisya. Nang dahil sa isang proyekto; nang dahil sa pagpapakilala nila sa tao ng ibang uri ng nilalang: ang mga bampira tila gumuho ang mundo ng mga tao.

Bigla kong naalala ang mga pangyayari, labindalawang taon na ang nakalipas. Anim na taong gulang lamang ako noong makilala ko siya  ngunit tandang-tanda ko pa ang mga pangyayari.

Napadaan ako noon sa office ni Mommy at hindi ko sinasadyang marinig ang kaniyang sinasabi sa masiglang boses na tila ba nanalo siya sa lotto.

"Tama ka. He's our hope! Kung ipakikilala natin siya sa publiko, surely the hematology department will rise to the top! If we can introduce his blood as royal cure for the blood diseases, no one will suffer anymore. He's the hope of mankind," rinig kong sabi niya.

Hindi ko naiwasang buksan ng kaunti ang pinto ng kanyang office dahil sa sinabi nitong "hope" daw ng mga tao.

Hinding hindi ko malilimutan ang mukha ng lalaking tinutukoy noon ni Mommy. Isa itong lalaking siguro ay nasa labing-anim na taong gulang na napakaputi ng balat na tila ba'y walang dumadaloy na dugo sa kanyang katawan at ang mapula niyang labi at mga mata. Napansin ko rin ang kaniyang buhok na namumuti; parang walang buhay.

Hindi ko inakala na siya rin ang magsisimula ng rebolusyon. Siya ang ugat ng pagbabago ng estado ng mga tao ngayon sa mundo.

Nag-igting ang mga panga ko nang may isang memorya pa akong naalala.

Isang taon matapos na ipakikilala ni Mommy ang lalaking may maputlang balat, mapulang mga mata at labi, at may namumuting mga buhok sa publiko bilang cure sa mga blood disease.

"Mom?" binuksan ko ang pinto ng kanyang laboratoryo dahil may katagalan na akong naghahanap sa kaniya noon. Sasabihin ko sana na hindi ko mahanap ang alaga kong aso.

Evil Red (A Vampire Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon