Chapter 6

1.8K 82 1
                                    

VICIOUS CRIME

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

VICIOUS CRIME

"Theta, are you really serious?"

Napalingon ako kay Lycan nang makitang nasa tabi ko na siya. Kanina pa nito tinatanong kung sigurado ba ako sa gagawin ko.

"Lycan if you don't want to get involve, don't come," matalim ang ibinigay kong tingin sa kaniya.

Napaiwas lamang siya ng tingin at hindi na nagsalita pa.

Nahagilap naman ng paningin ko si Sen na nakatingin lang sa shop na tatangkain naming pagnakawan.

"What exactly do we need here?" Nagulat ako nang mapatingin ito sa akin kaya di ko naiwasang umiwas ng tingin.

"Clothes. We need clothes especially yours," I flinched as I look over his naked upper body.

"I don't need it," he shrugged that left my mouth hung open.

Napahinto ako at humarap sa kaniya.

"You do. Having someone naked with you is very eye catching, dude," umirap ako but in a not-so-offensive way.

"Okay," yun lang ang sinabi niya.

Tumigil na ako sa paglalakad ng ilang hakbang na lang ang layo ko sa boutique.

Alam kong head-on ang ginagawa kong pagnanakaw ngunit sa mga oras na 'to kailangan na namin maisagawa ang unang misyon.

Hindi na ako makapaghintay na humalo sa mga mamamayan ng court na 'to.

"Is there any surveillance cam?" Tanong ko kay Lycan na siyang nagsusuri ng paligid.

"Fortunately, there is nothing suspicious," he sighed in relief.

"Let's go," sinimulan ko ng maglakad hanggang sa makarating na ako sa pinto.

"Sen, stay here," madiing saad ko na sinunod naman ni Sen.

He's the most suspicious among us and perhaps he is a known criminal. We only need him when a vampire charges on us.

"Lycan, do you know this shop?" Napatingin ako kay Lycan dahil bigla kong naalala na normal pala siyang mamamayan ng court na 'to dahil mayroon siyang ka-kontrata.

"No," tugon niya sabay ng pag-iling ng kaniyang ulo.

Hindi na ako sumagot pa dahil nang makapasok na kami ay napatingin na ako sa unahan.

Sumalubong sa amin ang mga kumikinang sa linis at ayos na mga damit. Nakasabit ang mga ito sa mga rack na parang mga sundalo pagkat nakapila ang mga ito.

Inilibot ko ang aking paningin at nang masilayan ko ang counter ay agad akong napahinto.

Walang tao o bampira.

"Lycan," bulong ko sa kaniya na nakatulala.

Bumaling ang tingin niya sa akin.

Ibinaling ko ang aking ulo sa direksyon ng Men's Apparel. Mukhang naintindihan naman niya ang gusto kong iparating kaya naman naghiwalay na kami ng landas.

Evil Red (A Vampire Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon