Chapter 5

21 0 0
                                    

Sabado na ! At ang bilis ng araw . Masaya at magaan Lang naman ang unang linggo sa SWWA. Wala pa namang ginawa at puro pagpapakilala lang. Madami naman akong nakilala sa classroom na ka-block , ang iba nakapalagayan ko na ng loob .

Si Krisha may mga nakakasama na nga kaya buti pa siya pero nakaka selos. Nakalimutan na ata ako ! Joke ! 😄

.knock. knock

" Babe ! " tawag ng isang boses kaya agad akong lumabas.

"Why baby ? Bakit ka na parito ? Asus ! Ikaw ha ! Namiss mo na naman ako " pagpapacute kong sabi sa kanya. Lumapit naman siya at bigla akong niyakap.

Si Cooper lang pala . Yung 7 years old na batang lalaki na kapitbahay namin. Chubby pero gwapo at bibo . Sweet talaga itong batang ito. Palibhasa walang kapatid na babae kaya kung makalapit sa amin ni Krisha todong-todo. Nagseselos na ata mga kapatid niyang lalaki sa amin ee.

" Ate. Tawag ka sa amin. May sasabihin daw si Mama . Tara na "

Agad-agad naman kaming lumabas sa bahay at pumunta sa kanila . Malaki ang bahay nila na may 3 palapag. Mapapansin mong simple lang siya pero kapag pumasok ka na , mamahalin lahat ng gamit.

" Hello po Tita . Good morning po . Pinapatawag niyo daw po ako ? " tanong ko sa Mommy ni Cooper.

" Oo e. Itatanong ko lang sana kung pwede kayo ni Krisha mamayang hapon ? Kulang kasi kami sa tao ngayon dahil may klase yung iba at tsaka malaking event yung pupuntahan "

" Sige po Tita . Tutal wala naman po kaming ginagawa"

Actually , may restaurant at catering services sila at talagang sikat. Puro mayayaman ang nagre-rent ng service nila. Idol kasi yung kuya ni Cooper. Si Chef Basty ! Naks. Ang sarap ng mga luto niya lalo na yung Korean Beef ! Paborito ko na ! Tapos ang gwapo pa ! ^___^V crush na crush nga namin ni Krisha . Yun lang may fiancée na , Si Ate Grace. :3 pero wala akong masabi kasi ang bait-bait niya ! Kahit kapitbahay lang kami nila Kuya , naging close kami. Binibigyan pa kami ni ate ng mga damit. Palibhasa anak-mayaman, only child pa. 😉

" Dito na kayo mananghalian ni Krisha , Althea . Itext mo nalang siya na pumunta dito. Dadating sila Basty at Grace . Nagluto ako ng-"

" Korean Beef Tita ?!!" Pagpuputol ko sa sinasabi niya.

" Ikaw ha Althea ! Napurga ka na ng Korean Beef ! " natatawang sabi ni Tita

" Tita naman ! Kasalanan ko bang masarap kayong magluto ! Paturo naman minsan . Para maipagluto ko yung boyfriend ko soon " natatawa kong sabi sa kanya. Nag-nod naman siya . Ang bait bait talaga nilang lahat . Para ko na silang 2nd family. Nameet na din sila nila Mama at Papa . Matagal na din silang kakilala ni Ninang.

" Boyfriend daw ?! Akala mo naman may magkakagusto sayo ? Baka kahit ipis Hindi ka lapitan"

Nag panting ang tenga ko sa narinig ko . ABA ! Sarap supalpalin ang mukha ng lalaking ito ah !

" So what ? Kung wala oh edi wala ! Pakialam mo ba ! Maghanap ka na nga ng magigirlfriend mo ng Hindi ako ang pagtripan mo ! Shooooo ! " sumesenyas ako na parang pinapaalis ko siya. Kahit bahay nila. Ee binadtrip ako ! "Tita oh ! "

" Ikaw ang umalis ! Byeeeee ! " tinutulak niya ako palabas.

" Tita ! si Alexander ' the Great' pinapaalis ako ! yung may balbas na you know pangit ! Jokeness ! pagkasabi ko nun , humagalpak ako sa tawa. Sinamaan naman niya ako ng tingin . He knows that I really know how to win on this kind of argument . Ayaw na ayaw kasi niyang dinudugtongan yung pangalan niya ! Bahala ka ! :D haha

" Tama na yan . Alexander tigilan mo na nga si Althea . Mamaya kayo magkatuluyan. " bigla naman akong nag knock-on-wood. Baka magkatotoo. Mahirap na ! Haha " buksan mo na yung gate nandun na ata sila Kuya mo. " saka siya nag-walk out palabas.

Nakakatawa ka talaga Alexander Pangit ! Haha 😜

A Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon