Chapter 6

9 0 0
                                    


Nandito na kami ngayon sa Resort Dela Mercelle. 😊 Magca cater kami . 18th Birthday ata ng anak ng may-ari ng Resort na ito. Sosyal ! Mga anak-mayaman nga naman talaga ! Kapag ako nakapagtapos na ( in God's Will ) magpapatayo ako ng madaming madaming as in madaming Hotel at Resorts. HAHA 👍😜

Nag- iikot kami ni Krisha dito habang wala pang tao. As in wow ! Ngayon lang ako nakapasok dito ! Ang ganda at ang lawak pa ! 😊 Nakaka-amaze !

Nakita namin ang larawan ng anak ng may-ari at saka nilapitan. Naks ! Ang puti , kulot ang buhok tapos ang ganda pa. 😁 Ewan ko ba ? Bakit kailangan pang mag-photo shoot ang mga nagde-debut ?Gastos lang naman diba ? Sabagay , mapera ang iba. 😂😂

" Besfie ang ganda dito . Sana pagkatapos ng party swimming tayo." naaamaze na sambit ni Krisha

" Besfie ! Tumigil ka nga ! Pumunta tayo dito para mag trabaho hindi tayo mga bisita. " pagpapaliwanag ko sa kanya.

" Minsan labas din kaya tayo Althea ? Date tayo. Treat ko ! 😊 "

" Oo na . Ikaw na ma-pera ! " sagot ko at agad naglakad at inikot ang buong paligid.

Nagsisidatingan na ang mga bisita na halatang mayayaman na nakasuot ng mga floral dresses, skirts, shorts, etc. Hawaiian Theme kasi. Ang sosyal nga ee. Ang ganda ng pagkaka ayos ! The best ang flower arrangement ni tita.

Alas-otso na ng gabi ng nagsimula ang program. Nung inanounce na ni Mr. Emcee nagpaalam kami ni Krisha na puntang restroom kay Tita para mag-ayos lang. Nakakabagot kayang maghintay , ang sakit pa sa paa. -__-

Nang bumalik kani, mag-i start na ang 18 balloons tapos 18 symbolic gifts hanggang sa kainan na.

Kinakabahan ako and in the same time Nahihiya dahil mayayaman ang mga bisita.

" What's this ? " tanong ng isang babaeng nasa mid-40s .

" Korean Beef po Ma'am . " sabi ko sabay smile.

Nag smile naman siya pabalik at ini lapit ang kanyang plato.

" thank you " saka siya umalis .

Ang daming bisita . Nakita ko pa yung teacher namin sa Literature at ibang faculty members. So it means , nag-aaral itong debutante sa SWWA. At madami ding estudyanteng taga-school ? -____- Nahihiya tuloy ako. Puro mayayaman pa naman.

Next part of the program.

18 Roses. Nakalinya na ang boys sa may gilid. Tapos alam niyo yung ang po pogi nila na parang may caption na #BawalPangit ? -____- ang cucute pa nung mga bata ! ☺☺ hayyy. Sarap iuwi...nung mga bata !!!!

There's this one guy that catched my attention. Napatunganga ako. Siya yung guy na natapunan ko ng milkshake . -___- Baka mamukhaan niya ako. Baka kasama niya yung kaibigan niyang pinupush siyang suntukin ako ? Oh myyyyyyyyyy.

Bigla kong narealize tapos na pala yung 18 roses. Ang dami dami namang 18 nito. Anong oras na. Inaantok na ako. -__-

"Excuse me,Miss."

Pagkalingon ko ,nagulat ako bigla.

"Po ?!" napasigaw kong tanong. Thanked God malakas yung music .

" Pwedeng makihingi ng tissue ?"

Nagnod ako sabay bigay ng tissue. Nag-smile naman siya at agad umalis. Pagkatapos ng ilang minuto , bumalik na naman siya . -___-

" Miss , pahingi ulit ng tissue "

Napalingon ako bigla Kay Krisha na nasa tabi ko. Umiwas naman siya ng tingin.

" Eto na po, Sir. " I smiled.

" Thank you. " then he left.

Wala bang tissue 'tong si Kuyang nataponan ko dati ng Milkshake na nasa panaginip ko na ilang beses humingi ng tissue ? Kalalaking tao. -_____-

Nakita ko namang nangingiti si Krisha.

" Apay ? Anya is isimam dita ? " tanong ko sa kanya. (Bakit ? Anong nginingiti mo diyan ?)

" Awan met. Nag-sweet lang." Saka siya nag-wink. ( Wala naman. Ang sweet lang)

Umiling na lang ako. Baliw na babae. -____-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon