SIMULA

37 4 0
                                    

"I'm sorry Navia,but I need to do this"--napakunot ang noo ko sa sinabi ni Stefan.

Stefan is my boyfriend,we've been in a relationship since 8 grade and now kaga-graduate palang namin.Niyaya niya akong pumunta ng park para daw mag-usap ni hindi pa nga kami nakakapag-bihis at suot pa namin ang toga.

"Hoy! anong drama yan at may pa-sorry sorry ka pang nalalaman?"--natatawa kong ani na sinabayan pa ng paghampas sa braso niya.

Ganito kasi kami minsan.Hampasan ng braso at batukan.Hindi kami tulad ng ibang mag-karelasyon na para ng kambal tuko kung makadikit sa isa't-isa.

Unti-unting napawi ang ngiti sa labi ko at napaseryoso ng makitang seryoso siya habang nakatingin sa akin.

"I'm leaving"--nakaramdam ako ng inis sa mga pinag-sasabi niya.

Puwedi namang sabihin ng deritso,pinahahaba pa.

"Deritsuhin mo nga ako Stefan,what the hell is your saying?"--naiinis na ako sa kanya at baka hindi ako makapag-timpi masapak ko siya.

Nanti-trip na naman yata to eh!

"Aalis na ako ng Pilipinas.Don ako magka-college sa States and I don't know kung kailan ako babalik.I don't want you to wait me,so I'm breaking up with you"--tila nabingi ako sa narinig,ni hindi ko magawang kumilos.

"I'm sorry Navia,ayokong umasa ka dahil kahit ako ay hindi alam kung kailan ako makakabalik.I'm sorry Navia"--nakatingin lang ako sa kanya,tila ba nagtataka dahil hindi ko maproseso ang mga sinasabi niya.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang mag-lakad siya papasok sa kotse niya.Nakuha pa niya akong lingunin bago paharurutin ang kotse papalayo.

Habang ako,naiwang nakatayo at nakatingin parin kung saan siya nakatayo kanina.Baliw ba siya?Tanga?

G*go uso ang LDR!!!

Bakit kailangang hiwalay?

Natauhan lang ako ng tumunog ang phone ko.Nakita kong naka-register ang pangalang "Mom",ng makita ko yun ay don lang akong natauhan.

Unti-unting pumatak ang mga luha ko.I don't know what to say.Wala naman akong karapatang pigilan siya,I'm just his girlfriend at pinili niya ang magiging kinabukasan niya.

Pero nakaka-t*ngina lang eh!

Hindi ba ako parte ng buhay niya? ng kinabukasan niya? kasi ako OO!

[Sweetie,where are you?]

Napahikbi ako ng marinig ko ang malambing niyang boses.My Mom is like my bestfriend,she know everything and comfort me.
"M-Mom"

[W-What's wrong sweetie? are you crying? where are you? tell me,susunduin kita]

Humugot ako ng hininga at pilit pinapakalma ang sarili.Ayokong mag-alala pa sa akin si Mom.

"Park Mom,nasa park ako.I want to go home Mom,please make it fast"--nagawa ko yung sabihin ng hindi nagkakanda-utal utal.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Mom at ibinaba na ang tawag.Nanatili pa rin akong nakatayo,maraming naglalarong tanong sa isip ko pero kahit isa di ko magawang bigyan ng sagot.Iisa lang ang sumisigaw sa isip ko.

His gone.

*Beep!*

Napaangat ako ng tingin,ngumiti ako ng makita si Mom na kalalabas lang ng kotse niya.

Maglalakad na sana ako papalapit sa kanya ng isa isang nagsisulputan ang mga naka-itim.Balot na balot ang katawan nila at masasabi kong lalaki sila dahil sa pigura ng kanilang katawan.

"MOM!"--I shouted,kumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba ng sapilitan siyang pinapapasok sa itim na van.

Tatakbo pa sana ako ng may humigit sa akin at tinakpan ang bibig ko ng ko panyo.Napakunot ang noo ko ng makalanghap ng kakaibang amoy.

Unti-unti akong nakaramdam ng hilo at panghihina.All I can hear is my Mom voice,shouting my name nonstop.

Mom....

She's Back and She's BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon