🍂CHAPTER 1🍂
Navia's P.O.V
"Welcome to the Philippines Ma'am"--nakangiting bati ng F.A sa akin pero hindi ko siya pinansin at agad na lumabas ng eroplano.
Agad nahagip ng paningin ko si Butler Ronald,kasama ang iba pang bodyguard.Lihim akong napairap sa sandamakmak na mga bodyguard na kasama niya.
"Welcome back Young Lady!"--sabay nilang bati na sinabayan pa na pagtango.
"Get my things and let's go"--walang pasabi akong pumasok ng kotse,narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.
Maya-maya pa'y pumasok na rin siya sa loob ng kotse sa may driver seat.
"Deritso sa mansion"--ani ko habang nakatingin sa labas ng kotse."Wala po ang Daddy niyo sa mansion,nasa meeting pa siya,tatawagan ko ba siya?"--mabilis akong napalingon kay Butler Ronald.
"No need.I don't need him anyway"--walang emosyon kong usal na ikinaiwas niya ng tingin.
Nanatili akong tahimik hanggang sa makarating kami sa mansion.Sa labas palang ay nag-aabang na ang ibang katulong kasama ang mayordoma ng masion,si Manang Celia.
Pinag-buksan ako ng pinto ng Butler Ronald,agad naman akong lumabas.Inilibot ko ang paningin sa buong kabuuan ng mansion.Nothing change,nanatiling kulay puti, at dirty white ang pintura ng buong mansion.Maaliwalas parin ang paligid,halatang inaalagaan ng mabuti.
"Hija,gutom ka ba?ipinagluto kita ng paborito mo,adobo"--napalingon ako kay Manang Celia na malawak ang ngiti.
Inilingan ko lang siya.
"No Manang.Magpapahinga po ako.Bumalik na kayo sa trabaho niyo kaya ko ang sarili ko.Butler Ronald pakidala ng mga bagahe sa taas"--hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at mabilis silang nilampasan.Pag-pasok ko ay agad bumungad ang malaking family picture.Agad akong nakaramdam ng lungkot ng makita ang malawak na ngiti ni Mom,ngunit agad akong napaseryoso ng makita ang lalaking papalapit sa akin.
"Welcome back sis"--niyakap niya ako ng mahigpit ngunit hindi ko yun tinugon.
Agad siyang kumalas at nakasimangot na humarap sa akin.
"What's with your face sis?hindi mo ba ako na-miss?"--napairap ako sa sinabi ni Kuya Ford.Ang pangit kong kuya.
"Hindi"-tipid kong sagot.
"Ouch huh! maka-hindi ka naman diyan"--may pahawak-hawak pa siya sa dibdib na animo'y nasasaktan talaga.
"Matutulog ako,huwag mo akong istorbuhin pangit"--nilagpasan ko siya at agad umakyat sa hagdan.
"Pangit?hoy!payat bumalik ka dito!"--hindi ko pinansin ang sigaw niya.
Still childish.
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kuwarto ko ng mapalingon ako sa kuwarto nila Mom at Dad.Nakatingin lang ako ng ilang minuto bago tuluyang pumasok sa loob ng kuwarto ko,agad akong naglakad papalapit sa kama at agad dumapa ng higa.
Napapikit ako ng malanghap ko ang amoy ng unan.How I miss this house,but I will not miss anyone.
but I miss my mom.
Napapikit ako ng nariin ng maalala ko ang nakaraan,ngunit mabilis ko yung iwinaksi.It's been 3 years pero parang kahapon lang ang lahat,I lost my memory.All I remember is the graduation day.Sa school,the people,the noise and the happy faces.
I just woke up at the hospital,remember nothing but I feel pain.Pain everywhere,I don't even know.
Nakalingon ako sa pinto ng may kumatok
"Hoy!payat kumain ka nga mas lalo kang pumapayat eh!diet ka ng diet mukha ka ng kalansay!"--rinig kong sigaw ni Kuya Ford.
BINABASA MO ANG
She's Back and She's Bad
RomancePAST Bagay na kahit kailan ay di ko nagustuhan.Kung ang iba'y masayang ikinu-kuwento ang nakaraan nila,ako hindi. Past is my nightmare my greatest pain And my greatest lost. Meet Navia Enriquez,a girl who change from being sweet and kind to cold and...