Chapter 4

32 3 0
                                    

Navia's  P.O.V

Minsan mas nakakatakot ang mga taong tahimik.Hindi mo kasi alam kung ano ang tumatakbo sa malikot nilang pag-iisip.Hindi mo alam kung ano ang balak nilang sabihin at gawin.

Tulad nalang ngayon.Ramdam ko ang mga tingin na ipinupukol nila sa amin ngunit hindi ko yun binibigyan ng pansin dahil nasa pagkain ang atensiyon ko.

"Can anyone tell me what the hell happened?"--napahinto ako sa akmang pag-inom ng wine sa sinabi ni Daddy.

Nanatili akong ganon ng tapunan ko siya ng malamig na tingin.
"Ask this man beside me, after all siya naman ang puno't dulo ng gulo"--ani ko sabay tungga ng wine.

Nabaling ang atensiyon nila sa lalaking nasa tabi ko.Muli akong humiwa ng steak at isinubo.

"Stefan, anong nangyari sa inyo?. Bakit magulo yang mga buhok niyo na parang sumuot kayo kung saan"--mababakasan ng pagkainis ang tinig ni Tita Stella, ang mommy ni Stefan.

"At bakit putok yang labi mo payat?"--ungot ng magaling kong kapatid.

Lihim akong umirap sa sinabi niya.
"Nadapa ako"--tanging sagot ko na ikinabusangot niya.

"Nadapa?, o nakipagbasag-ulo?"--singit ni Tito Calvin, ang daddy ni Cave.

"Tinambangan kami, balak pa kaming patayin ng mga hunghang"--muntik ko ng mahagis ang kutselyong ginagamit sa paghiwa ng steak sa sinabi ni Lexon.

nice answer

Dahil sa sinabi niya ay napasinghap ang mga mommy nila.While the boys remain silent.Sunod-sunod ang naging tanong ng mga mommy nila na hindi ko nagugustuhan dahil sa ingay.

Pabagsak kong inilapag ang mga kubyertos na ginamit ko, natahimik naman sila dahil don.Mabilis kong tinungga ang natitirang wine at nag-pahid sa bibig ng table napkin.

"So, ano ang sasabihin niyo?, sabihin niyo dahil may pupuntahan pa ako"--walang emosyon kong tanong sa kanila na nakatingin sa akin.

"At this time?, aalis ka ng malalim na ang gabi?, Alex---"---I already cut what Tita Stella want to say.

"It's Navia,Tita and it's about business.Nothing to worry about"--pilit na ngiting pukol ko sa kanya.

Muli kaming natahimik ng ligpitin ng mga waiter at waitress ang mga pinag-kainan namin at ihanda ang dessert na Vanilla Ice Cream.Nagkanya-kanya sila ng kain habang ako ay nakatingin lang sa Ice cream ko.

Kanina pa talaga ako nag-hihinala.Hindi magtitipon-tipin ang mga taong ito ng walang mabigat na dahilan.Nakakadagdag sa alalahanin ang pananahimik ni Kuya Ford,which is not his usual.Kahit sino pa kaharap niya,kahit nasaan pa man siya walang makakapigil sa bibig niyang armalite kung magkapagsalita.

"Al--I mean Navia hija, ang dinner na talagang ito ay para sa simple celebration sa pagbabalik mo and aside from that...."--pinutol ni Tita Stella ang ano mang sasabihin niya at lumingon kay Daddy na nakatingin na pala sa akin.



Napatikhim naman siya at umayos ng upo.Seryosong tingin ang ipinukol niya sa akin.
"The Deogracia and Enriquez decide to merge our company at kasabay noon ang napagkasunduan namin ang na ikasala kayo ni Stefan."---nakarinig ako ng singhapan sa mga kaibigan ko.

Napatingin ako sa ice cream kong tunaw na at bigla nalang napangisi.
"And you do that without my opinion, hindi naman ikaw ang ikakasal kaya dapat tinanong mo man lang ako kung gusto ko!"--hindi ko napigilang mag-taas ng boses na ikinagulat nila.

"Payat!, ang boses mo"--may pagbabanta sa boses na sabi ni Kuya Ford pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.

Nakatuon lang ang atensiyon ko kay Daddy na walang emosyon at seryoso lang ang eksprisyon ng mukha.

She's Back and She's BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon