PROLOGUE

19 5 0
                                    


Have you ever tried living with a two crazy, messy, and loud guys in the same house?

If not, I'm telling you...

Don't you ever, ever, eveeeer try it!

Lalo na kung ang makakasama mo ay walang ibang ginawa kung hindi ang bulabugin ang kaluluwa mo.

Gaya ngayon, tahimik akong nanonood ng paborito kong k-drama nang may biglang humarang sa T.V.

Bastos diba?

Tiningnan ko lang siya at inirapan.

Sinubukan kong hindi nalang pansinin ang presensiya niya sa pamamagitan ng pagpaling ng ulo ko sa gilid para makita ang T.V.

Pero kahit saan ko ipaling ang ulo ko ay humaharang parin siya.

Bastos talaga.

"Ano bang problema mo pating?" inis kong sabi.

"Have you seen my socks?" walang kuwenta niyang tanong.

Like huwaaaat???

Hindi ko pa siya nasasagot nang may isa pang kabute na walang pang itaas ang sumulpot.

"Babun, suot mo ba ang t-shirt ko?" tanong naman niya.

Napatingin tuloy ako sa suot ko.

Anak ng...

"Why would she wear your shirt?" taas kilay na tanong ng pating sa kuneho.

"Same question. Maybe she loves my scent?" patanong na sagot ng kuneho na nakahawak pa sa baba niya na para bang nag-iisip.

Kunot noong napatingin sa'kin si pating.

"That's not fair, baby. Don't you love my scent too?"

See? This is my everyday life.

Kung hindi ako lost and found ngayong araw, baka vaccum ako o 'di kaya'y kusinera.

Pero ang madalas na role ko ay ang maging experimental prey sa kaharutan at kalandian nilang dalawa.

Napapikit nalang ako at napahimas sa noo ko.

Sumasakit nanaman ang ulo ko sa dalawang ito.

Hindi mo alam kung saan ka unang mababaliw.

Sa kilig ba o sa kakulitan nila.

Alright, this is enough.

"Pating, ilang medyas ba ang meron ka at araw-araw mo sa'kin hinahanap? Mukha ba 'kong paa? Check mo sa ilalim ng kama mo!" sambit ko.

Napakamot naman siya sa ulo niya at pilyong ngumiti.

"At ikaw naman kuneho, bakit ba lagi mo nalang tinatanong sa'kin kung suot ko ang t-shirt mo? Mannequin ba 'ko? Ang tanong, may t-shirt ka ba talaga? Lagi ka nalang walang suot na pang-itaas."

Gaya nung isa, napakamot nalang din siya sa ulo niya at ngumiti ng parang mawawalan na ng mata.

Buti nalang talaga at biniyayaan ako ng mahabang pasensiya.

Dahil kung hindi, pinag-untog ko nalang ang ulo nilang dalawa.

Nakakaloka diba?

Pero hindi pa diyan natatapos ang lahat.

Hangga't magkakasama kami sa loob ng iisang bubong, hindi matatahimik ang pagkatao ko sa dalawang ito.

Anyway, I'm Jackie.

And those two?

They're my annoying but sweet housemates.

Samahan niyo nalang akong maloka, ha?

Pwede ba 'yon?

Oo, pwede yooooon!

Hehe.

------------


♡ SEAN, JACKIE AND CHAD ♡
-Zai

Sean, Jackie and ChadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon