CHAPTER 4: SEAN AND JACKIE

9 2 0
                                    

Sean's Point Of View

Ang magmahal ng iisang babae ay kadalasang nakakasira ng pagkakaibigan.

But Chad and I are different from others.

Umpisa palang, nagkaroon na kami ng kasunduan na kung sino man saming dalawa ang mamahalin ni Jackie pag dating ng panahon...ay tatanggapin namin 'yon at mananatiling magkaibigan.

We can love the same girl but one of us have to step back sa oras na makapili na siya.

I once did that noong nagpasya si Chad na ligawan na si Jackie.

Hindi na 'ko nakipag kumpitensya dahil nakikita ko naman kung paano tignan ni Jackie si Chad. Kung gaano siya kasaya kapag magkasama sila.

Hindi naman ako manhid para hindi ko maramdaman na kaibigan lang talaga ang turing sa'kin ni Jackie.

Oo nga't palagi kaming magkasama dahil nasa iisang bahay lang naman kami. Pero parang hindi niya naman napapansin ang mga ginagawa ko para sa kanya.

But I'm still doing everything for her without asking for anything in return. I'm doing it because I love her.

Mag iisang taon rin naging sila ni Chad, kaya halos mag iisang taon din akong dumistansya sa kanila.

As much as I want to comfort Jackie sa pag alis ni Chad, I can't. Dahil iniisip ko parin ang pwedeng maramdaman ni Chad.

Until the day that he broke up with her.

As soon as I got a call from Jackie, I went to her immediately.

"Jackie..."

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto niya.

And there she is...

Nakatulala lamang habang walang tigil sa pag agos ang luha niya.

"Sean..."

Lalo siyang naiyak nang makita ako. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"I'm here Jackie...I'm here..." sambit ko habang hinahaplos ang likod niya.

"May nagawa ba 'kong mali? May mali ba sa'kin, Sean?" tanong niya.

Napapikit nalang ako para pigilan ang galit na nararamdaman ko.

Ayokong nakikita si Jackie ng ganito. Hindi niya deserve ang ganito.

Hindi ako umalis sa tabi niya hanggang sa makatulog na siya.

Inayos ko ang pagkakahiga niya at kinumutan siya. Sandali kong pinagmasdan ang kanyang mukha.

She really looks so stress and restless. Pumayat din siya gaya ng sinabi sakin ni Tita.

Pag uwi ko ay agad akong nag book ng flight at umalis kinabukasan. Hindi ko na palalampasin ito.

Gusto kong personal na makausap si Chad tungkol dito.

Matapos ang matagal na biyahe, hindi na 'ko nag abala pang magpahinga. Agad akong dumeretso sa bahay nila Chad sa Virginia.

"Sean? Long time no see anak. What brings you here?" nakangiting bungad sa'kin ni Tita Cris pag bukas niya ng pinto.

"I just want to discuss an important matter with Chad, Tita. Nandito po ba siya?" sagot ko.

Biglang sumeryoso ang mukha ni Tita pero agad din itong ngumiti.

Sean, Jackie and ChadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon