Jackie's Point Of View
It's been 3 months since our break up.
Pero dahil sa sakit na nararamdaman ko, pakiramdam ko ay parang kahapon lang nangyari.
Nakaupo lang ako habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kwarto ko.
Same rountine...everyday.
"Hindi ka ba napapagod?" napalingon ako sa nagsalita.
Nakasandal siya sa may gilid ng pintuan ko at naka crossed arms.
Bahagyang napakunot ang noo ko na para bang nagtatanong kung ano ang ibig niyang sabihin.
Bumuntong hininga lang siya at lumapit sa'kin.
"Sa araw araw na pagpunta ko dito para sunduin ka, ganito lagi ang naaabutan ko. Hindi ka ba napapagod tumunganga diyan sa bintana mo?" sambit niya.
Hindi nga ba 'ko napapagod?
Napangisi ako at muling sumulyap sa bintana bago ako nagsalita.
"I can't help it, Sean. Daily routine ko na ata ang ganito."
Iniharap niya ako sa kanya at pinunasan ang mga luha kong hindi ko namalayang nagbagsakan na pala.
"You know that I hate to see you like this, right?" sambit niya.
Mas lalo lang akong naiyak at hindi ko na napigilan ang sarili ko na yumakap sa kanya.
"Tahan na, Jackie. Andito lang ako palagi para sa'yo. Hindi kita iiwan hanggang sa makita ko na ulit ang mga ngiti mo." mas niyakap niya pa ako ng mahigpit.
Mula nung araw na makipag break sa'kin si Chad, walang araw na hindi ako pinuntahan ni Sean.
Inaalam niya kung kumakain at nakakatulog ba ako ng maayos.
Kung minsan ay hindi pa siya aalis hangga't hindi ko nauubos ang pagkain ko sa harap niya. At may pagkakataon din na babantayan niya pa ako sa pag tulog.
Si Sean ang naging sandalan ko sa lahat ng bagay. Tinulungan niya akong makalimutan yung sakit hanggang sa mawala na ito ng tuluyan.
Nagagawa ko na ngumiti katulad ng dati. Tumawa at maging masaya. Kinaya ko narin ang mag focus sa pag aaral nang hindi ko na naiisip pa ang nangyari.
As long as nasa tabi ko si Sean...
Bumalik narin ako sa bahay na tinitirahan naming tatlo. Simula kasi nung umalis si Chad ay hindi narin ako nakakauwi doon.
Mas madali narin para kay Sean ang mabantayan ako kaya tuwang tuwa ang loko.
----
Ilang buwan nanaman ang lumipas na hindi namin namamalayan.
Kasalukuyan kaming nakaupo ni Sean sa sofa at nanonood ng movie. Sembreak namin kaya marami akong time.
Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kanya.
He's really a fine man. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming babae ang naghahabol at nagkakandarapa sa kanya.
Ngayon ko lang natitigan ng ganito ang mukha niya. Napakagwapo pala talaga ni Sean.
And the way he smile...can make you smile too. Nakakahawa ang pagiging masiyahin niya.
Napaisip ako.
BINABASA MO ANG
Sean, Jackie and Chad
Historia CortaLiving in the same house with two crazy guys is a total mess! Don't you ever try it, or else you'll either be crazy like them or fall in love with one of them.