EPILOGUE

12 3 0
                                    

2 years later...

"Ready?" tanong niya sakin at niyakap ako mula sa likod.

Kasalukuyan akong nakaharap sa salamin at nag aayos.

Sa nakalipas na taon ay naging extra clingy ang lalaking ito. Pa minsan pa ay akala mo baby na nakayakap sa'kin.

Gaya ngayon...

Hinalikan niya ako sa pisngi at pagkatapos ay sa leeg ko naman na bahagyang naka exposed dahil sa suot kong dress.

Naiiling nalang ako.

"Amoy pating na 'ko nyan." sambit ko.

Inangat niya ang ulo niya at nag pout sa'kin.

See? Such a baby, pero maharot.

"I don't want to go. Dito nalang tayo. Nabitin ako kagabi." maktol niya.

Natawa nalang ako at hinarap siya tsaka pinitik sa noo.

"Bad pating. You're being greedy, huh. Come on, family dinner. We can't miss that." sambit ko.

Nakagawian na kasi ng tatlong pamilya ang isang family dinner every year. Yun ang magarbong paraan ng mga magulang namin para makipagchikahan sa isa't isa.

Hahatakin ko na sana siya pero ako ang hinatak niya.

Pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko at tumungo para magkalapit ang mukha naming dalawa.

"Kiss muna." nakangisi niyang sabi.

Napairap nalang ako at mabilis na siyang hinalikan sa labi.

"Tara na. Wag ka nang abuso."

Ngumiti siya nang pagkalawak lawak at mabilis din akong hinalikan sa labi bago ako binuhat palabas sa kwarto.

Puntragis na pating talaga to.

"Ang hilig mo talagang buhatin ako, ano?" sabi ko nang makasakay kami sa kotse.

"Practice lang, bark. Para madali nalang pag nasa simbahan na tayo. Hehe." sagot niya sabay baba taas ng kilay.

Napairap nanaman ako.

Papunta na kami ngayon sa venue na napili ni Tita Sally. Ang mama ni Sean.

I'm quite nervous dahil iba na ang magiging pakikitungo namin sa isa't isa. Hindi na basta magkaibigan lang ang dalawang pamilya.

"Is he coming?" tanong ko nalang kay Sean para kahit papano ay mabawasan ang kaba ko.

"Not sure, hun. Hindi siya nag reply sa text ko kahapon. Baka busy sa shoot." sagot niya.

"Siguro nga."

Ilang buwan narin kaming walang balita sa kanya.

Ang huling pag uusap naming tatlo ay nung binalita niya samin na tinuloy na niya ang pag momodeling niya. After that, wala na.

Nang makarating kami sa venue ay sinalubong kami ng matatamis na ngiti.

"Andito na pala ang manugang ko." nakangiting sabi ni Tita Sally.

Bumeso kami sa kanila bago naupo.

"You look good together. I'm happy for both of you." sambit ni Tita Cris.

It's been a while since I last saw her. She always smile so sweetly like this. Masasabi ko na walang nagbago kahit na hindi naging kami ng anak niya sa huli.

----

Naka kalahati na sa chikahan ang mga magulang namin pero wala parin siya.

Tinignan ko si Sean na hindi rin mapakali. Papalit palit ang tingin niya sa phone at sa pinto.

Sean, Jackie and ChadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon