Chad's Point Of View
Kasalukuyan kaming nasa sala at nakatunganga lang.
Kahahatid lang namin kay Jackie pero parang ang tagal tagal na niyang wala dito sa bahay.
Hindi na 'ko sanay na hindi ko nakikita oras oras ang mukha niya. Nakakapanibago rin pala pag wala kang ginugulo at hinaharot.
Sabay pa kaming napabuntong hininga ni Sean habang nakaupo sa sofa.
Malamang ay pareho nanaman kami ng iniisip at nararamdaman. Si Jackie lang naman ang pilit na pinapamanhid ang sarili niya.
"Tingin mo Chad, sino ang pipiliin niya?" biglang tanong ni Sean.
Nagpakawala muna ako ng isang malalim na paghinga bago sumagot.
"Hindi ko alam. Ayoko manghula. Basta kung sino ang masasaktan, sa kanya ang painom pati pulutan."
Pareho kaming natawa dahil sa sinabi ko.
"Kung sino man ang mapili niya, walang magbabago sa pagkakaibigan natin ha?" sambit niya.
"We'll protect Jackie at all cost. Gaya ng pinangako natin noon." tumango naman siya sa sinabi ko.
"May the best man win?" nilahad niya ang kamay niya at inabot ko naman ito.
"May the best man win."
Alam naman naming aware si Jackie sa nararamdaman namin para sa kanya.
Hindi naman kami nagkulang ni Sean pag dating sa pagpaparamdam at pagpapakitang mahal namin siya na hindi lang bilang isang matalik na kaibigan.
Pero pilit lang na binabalewala ni Jackie ang mga 'yon. Alam kong kinukumbinsi niya lang ang sarili niya na hindi kami seryoso.
Sa sobrang pagpapahalaga niya sa pagkakaibigan namin, sobra sobra narin ang pagpipigil niya sa sarili niya.
Umaabot pa sa punto na hindi na siya makakilos ng normal dahil lang sa pag iwas niya.
We know her since birth. Kaya malabong maitago niya samin ang emosyon niya.
At isa ako sa malaking parte ng dahilan kung bakit nagkaganon si Jackie. Kasalanan ko rin naman.
Kung hindi lang sana ako natakot na sumugal noon hindi sana ganito ngayon.
Napabuntong hininga nanaman ako.
"Call her. I think It's time, Chad." napalingon ako kay Sean.
Seryoso na ang mukha niya ngayon.
Maloko kaming dalawa pero alam namin kung kailan at saan kami dapat magseryoso.
Tumango ako at tinawagan na si Jackie.
This is it.
Pero handa na nga ba talaga ako? Gayong alam ko naman ang posibleng mangyari?
Di bale na. Susubukan ko parin. This time, susugal na 'ko.
Gaya ng napag usapan, ako ang sumundo kay Jackie. Seeing her smile from afar, makes my heart full.
I hold her hand like what I used to do before.
Dinala ko siya sa isang lugar na puno ng alaala naming dalawa.
"Remember this place?" tanong ko.
Nilibot niya ang paningin niya at napangiti.
This place is like a green house. Puno ng magagandang halaman at mga bulaklak.
"Madalas tayong tumambay dito noong tayo pa." napatingin siya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Sean, Jackie and Chad
Short StoryLiving in the same house with two crazy guys is a total mess! Don't you ever try it, or else you'll either be crazy like them or fall in love with one of them.