KUMUKULOG. KUMIKIDLAT. Pero nag-iisa ako dito. Wala palang ibang tao sa dati naming bahay na to sa Bataan.
Halos isang oras na ang nakakalipas nang makarating ako— kami ni Manong driver na kapitbahay ko lang pala, dito sa Bataan.
Wala na nga pala ang iba kong mga kamag-anak. Nakalimutan ko rin na naghahanap na nga pala sila ng buyer para sa mga lupain namin noon pang nakaraan.
Bakit ba napakamalas ko? Una sa lahat, sobrang ganda ko. Ipinanganak ako ng may ganito kaperpektong mukha. Ang hirap kaya non! Chos!
What I mean- Mr. Bean, oo, napakasalan ko nga ang pinakamamahal kong lalaki pero diko akalain na may hahadlang agad na isang higad sa aming wagas na pagmamahalan! Huhu. Di ba ang malas?
Naglayas akong mag-isa (alangan namang magsama ako? Huhu), mag isa ako habang may bagyo at brown out pa! Di naman sa matatakutin ako sa dilim. Laking probinsy ata to! Kaso, nakakrindi na yung lakas ng hangin, maririnig mo talaga yung mga punong nagyuyugyugan. (Sana ol nayugyog na!)
Nakadagdag pa sa sakit na nararamdaman ko ay ang pinapakinggan kong FM station dito sa radyo naming luma dito. Paano ba naman, puro mga love songs ang tugtog, nakakaloka! Naloloka na ako!
Heto ako~
Basang basa sa ulan!
Walang masisilungan,
Walang malalapitan
Sana may luha pa
Akong mailuluha
At nang mabawasan
Ang aking kalungkutan.
Ang aking kalung... kutan~
Tama, wala na akong mailuha pa. Puro sipon nlang ang lumalabas sakin pero wala pa rin akong pakelam. Diretso lang.
Ngunit bakit nagbago ka?
Hindi na madama...
Kapag kausap na kita,
Nanlalamig kana~
Bakit ganyan ang yong pag-ibig?
Na ang akala ko ay langit
Nilaro-laro mo lamang ang
Pusong naiidlip
Sa yaka mo ay nagayuma
Pag-iwas ay diko makaya
Hanggang ngayo'y hinahanap-hanap pa rin...
Ang lason mong halik~
Well—Roel, hindi naman talaga lason ang halik nya. Dahil kung lason man yon, malamang matagal na akong nakalibing at siguro ay naghihingalo na rin ang ma-Landice na yon.
Hindi lang sya basta uod, higad, ahas, cobra, sawa, anaconda, o anumang gumagapang na hayop!
Nagkakalampagan sa labas ng bahay pero wala pa rin akong care—teddy bear. Narinig ko ring may nabasag sa bandang kusina. Parang yung bintana? Siguro nalaglag na yung puno ng niyog. Kanina kasi, mukang hahapay na.
Nagtalukbong ako ng kumot kaso rinig kong nagkakalampagan ang mga gamit sa kusina. Nagtatahulan ang mga aso na pagala-gala at aso ng kapitbahay. Papihit pihit ako sa higaan kaso parang nananadya ang sinuman o anumang tangang nag-iingay.
BINABASA MO ANG
I Wanna Have Sex With You ✓
Humor"Bagong kasal kami pero hindi kami makapagjugjugan! Hindi pa ako nadidiligan kaya manahimik kayong lahaaaaattt!" -Andrea --- LOC-2nd Warning R18+