UNANG SUBOK

353 7 4
                                    





Kakaligo ko pa lang at paglabas na paglabas sa napakalaking banyo ng malaking mansion-mamon namin---oo, namin--- ay naabutan ko ang brand new-kabayu husband ko na nakaupo sa kama at halatang hinihintay ako.


Pagkakitang-pagkakita nya saakin ay kumislap ang asul nyang mata.


Hay. Ang ganda ko. Kaya patay na patay sakin to e.


Paano, nakilala ko lang sya sa chat. Half-Pilipino at Half-Russian. Matapos ang tatlong buwan na pagta-chat ay nagkita na kami. Nainlove sa beauty ko kaya nanligaw agad saakin.


Syempre, ako tong si maganda, nagpakipot ako no. Ang tagal nyang nanligaw saakin. Mga... Apat na araw siguro?


Isang taon na kaming magkarelasyon bago kami ikinasal at iyon ay nangyari kahapon. Ang swerte-swerte ko talaga sakanya. Almost perfect-pakshet na mga tsong!


Nandito kami sa isang mansion nya---namin sa Hongkong. Napagpasyahan namin noon na dito kami mag---eherm--- mag honeymoon-balloon.


Tumayo sya mula sa pagkakaupo doon kaya napansin kong nakaboxer-sir nalang pala sya at kitang-kita ko ang may malaking nakaumbok sa harapan nya. Ang dami nya pang abs, mga walo yata? Mamaya nga, bibilangin ko 'yon.


Mas napagtuunan ko ng pansin 'yung umbok eh, hmm... sabagay, agaw pansin naman talaga. Oh, God, ano yon!? Sawa?


Napalunok ako at lumapit sakanya. Tiningnan nya ako mula sa mukha hanggang sa paa ko. Nakatapis lang ako ng tuwalya.


Bigla nya akong hinalikan sa labi kaya naman tinugon ko yon. Hinapit nya ang bewang ko at may nararamdaman akong parang bato na kumikiskis sa bandang puson ko.


Nagdala ba ng bato ang asawa kong to dito sa Hongkong? Pero kiber na. Naging mapusok ang halik nya at ipinasok ang dila nya sa loob ng bibig ko. Tinugon ko naman ang kapusukan nya. Inilambitin ko pa ang mga kamay ko sa batok nya.


Nakikiliti naman ako dahil ramdam ko na hinahaplos nya ang leeg ko hanggang sa mas bumaba ang kamay nya. Hinawakan nya ang gilid ng tuwalya pero lumayo ako ng konti.


Halata sa mukha nya ang pagkabitin at pagtataka.


Hinawakan ko kunwari ng mahigpit yung tuwalya. Pa-hard to get-pakshet ako, bakit ba?


"Eh, enebern! Earl nemen. Hihihi, I'm shy-petchay." Ngumiti naman sya saakin bago lumapit ulit.


"It's okay, baby. Hmm..." Hinila nya na ako at inikot saka nya itinulak sa kama nang marahan. Nako! Aggresive-effective pala sya, jusme po!


Gamit ang mga paa ko at kamay, umusod ako paakyat habang nakatingin sa puno ng pagnanasa n'yang mga mata hanggang sa mauntog ako sa headboard-Lord.


Medyo masakit 'yon pero hindi ko magawang indahin kasi nakatingin ako sa yummy-barbie n'yang abs.


Lumapit sya at lumuhod sa kama. Akmang kumubabaw na sana sya nang maramdaman kong bahagyang parang yumanig. Teka, yumayanig agad dito sa kama? Wala pa naman kaming ginagawa ah? Advance-chance ba ito o umuugang mag-isa?


Kakaiba talaga dito sa ibang bansa. Napaka-hightech-lintek dito!


Pansin kong napatigil na rin sya at parang pinakiramdaman ang paligid. Gumagalaw ang ibang paintings na nakasabit sa gilid at napatayo ako nang ma-realize na lumilindol pala!


Hinawakan nya ang braso ko at hinila ako para magtago kami sa ilalim ng kama. Naka- duct, cover and hold-bold kami ngayon.


Nanginig ako sa takot at pag-aalala. Ang laki kaya netong mansion-mamon. Paano kapag nagiba ito dahil sa lindol at bumagsak? Edi na-trap-shop kami dito? Tapos mahihirapan silang ilabas kami. Paano kapag gutom na gutom na kami dahil ilang araw na kami dito? Edi wala kaming makakain dahil nandito nga lang kami sa ilalim eh! At kapaaaag wala kaming choice-voice, kakainin ng isa saamin ang isa pa? I'm sure-pure, magsasakripisyo ang asawa ko dahil patay na patay 'to saakin. Papayag s'yang patayin ko s'ya at kainin! Edi naging cannibal ako!?


Waaaa! Ayokoooo! Kapag naman hindi ko s'ya kinain, mamamatay ako sa gutom. Syempre, mamamatay din s'ya---ay teka! Ibig sabihin kahit mamatay pala kami, okay-way lang kasi magkasama pa rin kami! Hmm.. Pwede! Kaso, gusto ko pang mabuhay! Huehuehue!


Yakap-yakap nya ako habang ako naman at nakalagay ang dalawang kamay sa ulo. Nakadapa kami ngayon dito sa ilalim at nakakahilo na talaga dahil sa paglindol.


Gayunpaman, ramdam ko na handa n'ya akong iligtas anumang mangyari. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa yakap n'ya. Tapos, imbes na sa ulo n'ya nakalagay ang kamay n'ya ay nakaprotekta rin iyon saakin! Ag ganda ko kahit may lindol!


Nung nawala ang paggalaw ay hinila nya ulit ako paalis doon at lumabas kami ng bahay.Wala namang nasira doon liban nalang sa ilang mga nabasag na babasaging gamit. Sakto ring walang katulong dahil nga gusto naming masolo ang isa't-isa.


Ibinalot nya saakin ang malaki at makapal na kumot na kanina ay nasa kama. Pumunta kami doon sa malawak na garden na walang puno at medyo malayo sa mansion.


"Shh... Don't be scared, baby, I'm here." Non ko lang napansin na lumuluha na pala ako. "Let's go back to the Philippines tomorrow."


Lalong lumakas ang pag-iyak ko nang yakapin nya ako pero hindi lang dahil sa takot yon kundi dahil hindi kami natuloy sa pagha-honeymoon-lamun.


Huhuhuhu!!!




I Wanna Have Sex With You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon