PANGATLONG SUBOK

168 6 2
                                    





Dadalhan ko si Earl mah baby-bulati ng lunch para sa araw na ito. Ako mismo ang nagluto at may kasama itong pagmamahal--- pati na rin pagnanasa. Joke-coke! Biro lang. Pero totoo na rin.




Pinatuloy kaagad ako ng secretary nya. Ang yaman-yaman talaga nila. Sya na ngayon ang nagma-manage netong kumpanya na pinalago ng parents nya.





Hindi na ako kumatok at agad nalang pinihit ang pintuan. Nasa harap nya ang laptop nya at sa gilid ay maraming mga nakatambak na papeles.




Natapos na ang two weeks honeymoon sana namin kaya balik ulit sya sa trabaho nya dito.




Yung mga kamag-anakan ko naman, doon sa bahay naming mag-asawa tumutuloy dahil gusto daw nilang mag-bonding-kambing. Ilang taon kasi sila sa ibang bansa, kaya ito daw ang magandang panahon para makapagpahinga muna sa maraming taong pagtatrabaho.





Pati mga tito ko, tita, pinsan, pamangkin, at may apo na yata ako---lahat sila nasaamin! Higit isang linggo na sila roon. Hindi naman sa nagrereklamo ako na naroon sila. Masaya din naman ako. Pero sana naman, hindi nila kami iniistorbo!





Tuwing may mangyayari sana saamin, tuwing magchuchukchak kami, may mga kakatok sa pintuan! Putcha naman ho! Bitin palagi eh!





"Don't you know how to knock--- baby!" Nagulat sya nang makita ako. Yung pagkakakunot ng noo at sibangot nya ay napalitan ng maaliwalas na ngiti. I'm so beautiful-katul. Iba rin naman epekto ko sa lalaking ito!





"It's already lunch time-line, dinalhan kita ng lunch-crunch," medyo napakunot sya ng noo. Parang hindi sanay na sa bawat dulo ng English ko ay may dagdag talaga, ganto ako magsalita e, pake nyo?





"Thank you so much!" Lumapit sya kaagad saakin. Ni-kiss nya ako sa labi. Kung pwede lang dito--- hays! "Let's eat together."





Inilapag ko ang mga niluto ko sa mesa nya habang sya ay nililigpit ang mga nakakalat doon. May dala akong kanin, adobo, pritong manok at menudo. "Smells good!" Sinamyo nya pa ang amoy noon nang tanggalan ko ng takip.





"Naman!"





Sabay naming pinagsaluhan yon at puring-puri nya kung gaano daw ka-dabest ang luto ko. Ako pa ba?





"Magaling talaga akong magluto. Pero mas magaling akong kumain. Gusto mo, try natin?" Sabi ko matapos namin maligpit ang pinagkainan.





Nakita ko kung paanong nag-alab ang mga mata nya sa sinabi ko. Eto naaaaa! Mukhang nate-turn on-sabon na sya saakin!





"Really?" Lumapit sya at umupo sa sofa na nasa harapan ko. Tumango ako kaagd.





Sinenyasan nya ako na lumapit sakanya at ginawa ko iyon. Sa mismong mga hita nya rin ako umupo.





"Give me a hug-bayag!" Sabi ko at inilapit ang mukha ko sakanya.





Mukha syang nagtataka. "Bayag? What's the meaning of that?"





Ay, oo nga pala! Kahit na marunong na syang managalog, may mga words-swords pa rin syang hindi alam. Naman oh! Bakit ko ba naisip ang salitang 'bayag' na yon? Baka isipin nya, bastos ako. Hende nemen eh!





"Uh... bayag---ibig sabihin ay... b-baby! Tama! Yun nga!"





Tumango-tango sya. "Okay."





Hinalikan nya na ako nang marahas at nakipaglaban ako ng labi sa labi, dila sa dila. Nakakalasing ang napakabango nyang amoy lalo na ang maiinit nyang haplos.





Naglalakbay na nga yung kaya nya sa dibdib ko kaya napaliyad kaagad ako habang medyo ibinababa nya na ang damit ko.





Akmang hahawakan ko na ang damit nya para hubarin iyon nung magulantang ako sa malakas na tunog ng cellphone.





Put---hanggang ngayon at hanggang dito ba naman may istorbo pa rin?





Napilitan na akong tumayo. Ngumuso ako dahil sa bitin nga. Sya rin ay hindi rin maipinta ang mukha habang inaabot ang cellphone nyang nakalapag sa table.





"Hello? Dad?" Tsk! Si dad pala ang tumatawag. Dad naman eh!!! Akala ko ho ba ay gusto nyo nang magkaapo mula sa kaisa-isa nyong anak?! Paano kayo magkakaapo kung palagi kayong iistorbo!





Napo-frustrate-colgate na talaga ako! Kakaletse! Gigillll!





"I'm in the office right now. Uh-huh. Yeah. I'll call Mr. Guiller Falcon later, alright."





Yung Mr. Falcon yata yung kasama nya sa meeting bukas. Tsaka may pupuntahan silang lugar sa Palawan ni Mr. Falcon para tingnan yung lupang pwede daw pagtayuan ng business-goodness.





"She's here. Yes, yes" feeling ko ay pinag-uusapan na nila ako dahil nakatingin saakin si baby ko. Hihihihi.





Ilang beses pa syang tumango-tango. "Ofcourse, dad! I'm with my bayag."





Nawala bigla ang ngiti ko sa sinabi nya.





A-Ano!? B-Bayag?





"My bayag, dad. Means my baby. Yeah. Kbye."





Putek na yan o-o!





Pinatay nya na ang tawag saka tumingin saakin na nakangiti. Nakangiwi naman ako, anak ng tokwang hilaw. Oo nga pala, sinabi ko sakanya na ang ibig sabihin ng bayag ay baby!





Jusme! Masabi na nga dito ang totoo! "Uh, baby, the word baya---"





"You know what? I feel like I'm the luckiest man alive."





Tumigil ang paghinga ko habang tulala. "W-why-w-hat---uhh---" diko alam sasabihin!





"Because you're so damn sexy, beautiful, kind, understanding and--- yeah, just--- damn amazing," gosh! Bakit ganito syang magsasalita! Kinikilig ako!





Namamalipit tuloy ako dito!





"T-Thank you-kabayu! Swerte rin ako sa 'yo."





Hinawakan nya ang kamay ko at inalalayan pa talaga akong tumayo. Medyo hinila nya pa ako at namalayan ko nalang na papalabas na kami ng building.





"Saan tayo p-pupunta?"





"I want to date you." Lalo akong nanginig, kulang nalang ay mangisay. Huhuhuhu, bakit ganito sya! Ehhh neke nemen!





"Sige," sabi ko nalang. Nandito na kami sa malapit sa entrance.





"I love you," nakita kong narinig yon ng ibang mga nandito dahil malakas ang pagkakasabi nya.





"I love you too." Hinampas ko ng konti ang braso nya. "Hinaan mo boses mo, nakakahiya, daming nakakarinig, oh!"





"I don't care. I can tell it to this whole damn building how much I love you."





"Weh?" Agad na tirada ko, pinipilosopo ko sya ng bahagya.





Huminga sya nang malalim saka malakas na sumigaw. Malinaw iyon at siguradong rinig ng lahat.












"I LOVE YOU! I LOVE YOU SO MUCH MY BAYAAAGGG!"





Damn-ulam!







I Wanna Have Sex With You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon