Sampung bilyon?! Kung di ako nagkakamali, pocket money ko lang daw ito sabi ni Cris.
Nung nagflashback lahat sakanya, alam niyang mayaman na sila noon pa. Pero sobrang bata niya pa noon para maintindihan ang konsepto ng pera. Ngayon ay klaro na sakanya lahat. Kung ang sampung bilyon ay pocket money lang, ibig sabihin ay trilyones ang net worth ng pamilya nito.
Gustong gusto nang ibalita ni Jane and pangyayaring ito sakanyang asawa pero di niya alam kung san niya ito uumpisahan. At bukod doon, may iba pa siyang naisip na plano para sa pamilya ni Lee.
Naoverwhelm si Jane sa mga nangyari. Samantalang nung naisip muli niya na ang lolo niya ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang niya ay alam niyang matatagalan pa bago niya mapatawad at umuwi ulit sa kanila.
Although, maraming malalaking kompanya ang meron sa San Rafael ay alam ng lahat na ang Grandhills ang may pinakamalaking market value and net worth yearly. Under lamang ng kompanyang ito ang kompanya ng kanyang mahal na si Lee. Isang katiting lamang ng Grandhills ang Cruz's Company kung tutuusin. Kung sa ibang salita ay alipin lamang ng kompanya na soon magiging kanya ang mga Cruz.
Samantalang hanggang ngayon ay di parin mawala sa isip ni Jane kung tatanggapin niya ba lahat ng tulong na binigay sa kanya. Kahit papaano ay may pride din naman siya. Ngunit nung naalala niya lahat ng pamamahiya at pang aalipin sa kanya ng pamilya ni Lee ay bumuo na ang kanyang desisyon.
Ngumiti na lamang si Jane at nasabik sa mga planong naiisip niya ngayon laban sa pamilya ni Lee.
--
Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay dumiretso na agad pauwi si Jane. Ang saya saya niya na parang nakalutang sa ulap. Hindi niya sukat akalain na magiging mayaman siya sa isang kisap-mata lang!Pagkarating niya ng bahay ay naabutan niyang galit na galit ang mga magulang ni Lee at pati na rin ang asawa. Nagbago naman agad ang mood niya sa mga nasaksihan. Si Lee at ang mga magulang niya ay nakabukod sa mansion. Nakatira lamang sila sa isang ordinaryong bahay sa kadahilanang tinakwil sila simula nung namatay si Don Fausto at noong naging asawa ni Lee si Jane dahil ayaw ng mga Cruz kay Jane.
"Oh, andito na pala ang walang silbi at tangang yan! Nakakahiya ka sa pamilyang to! Puro kamalasan nalang ang hatid mo dito sa amin! Ikaw Lee, hiwalayan mo na yan ngayon din dahil baka mapatalsik ka ng tuluyan sa Cruz's Company!" Turan ng nanay ni Lee
"Ma, pag nangyari man 'yon ay hahanap na lamang ako ng ibang trabaho. At huwag niyo pong pagsalitaan ng ganyan si Jane dahil asawa ko yan!" Sagot naman ni Lee.
"Aba, at sumasagot ka pa! Simula nung naging asawa mo yang aso na yan ay naging bastos ka na rin!" Dugtong ng nanay niya
"Alam mo Lee, tama ang nanay mo. Bakit hindi nalang si Eric ang pangasawahin mo. Isang tagapagmana ng Clemente's Group at nang sa gayon ay umahon naman tayo sa kahirapan." Sabat naman ng tatay niya.
Uminit ang ulo ni Lee sa mga narinig niya. "Tumigil kayong lahat! Mahal ko si Jane at hinding hindi ko siya hihiwalayan!"
"Pasensya na po kayo sa lahat ng gulo nanaidulot ko" sabi ni Jane. Pero sa loob loob nito ay natatawa siya. "ano kaya sasabihin nila kapag sabihin ko ngayon na ako na ang bagong may-ari ng Grandhill at may sampung bilyon akong pocket money"
Gustong gusto ipamuka ni Jane kung anong meron siya ngayon. Ngunit, sumagi sa kanyang isipan na ang tagal niyang nawalay sa kanyang totoong pamilya. Paano kung madiscover siya ng ibang relatives nila at paano kung may gawing masama sa kanya dahil sa balitang siya na ang gagawing tagapagmana ni Don Delmo. Hindi lang iyon, maaring madamay pa ang kanyang pinakamamahal na asawa. Mas pinili na lamang tumahimik ni Jane.
"May araw din kayong lahat sa akin."
Umusok sa galit ang ilong ng mga magulang noong narinig ito. Sasagot pa sana ang mga ito ngunit umalis na agad si Lee at pumasok na sa kwarto habang hila hila ang asawa.
Nung nasa kwarto na ang mag asawa ay paulit ulit na humingi ng paumanhin si Lee.
"Pasensya ka na mahal sa mga magulang ko. At salamat sa pag intindi. Alam kong ni minsan ay hindi sila naging mabuti sa'yo. Wala din naman akong magagawa dahil mga magulang ko sila" sabi ni Lee.
Niyakap na lamang ni Jane ang kanyang asawa. At naisip niya na mahabang pasensya at pag intindi din naman ang binigay ng kanyang asawa para sa kanya. Wala siyang trabaho mula noon at naging hamak na housewife na lamang. Binibihisan naman siya kahit papaano at pinapakain ng maayos. At higit sa lahat ay minahal siya ng sobra at hindi iniwan kahit na madaming nanliligaw sa kanya na mayayaman.
Gustong gusto ni Jane na makabawi sa kanyang asawa. Malapit na ang kanilang 5th anniversary at balak niya itong surpresahin! :)
BINABASA MO ANG
Granddaughter-in-law (Secret Trillionaire)
FanficAng istoryang ito ay tungkol sa asawa ng isang mayamang babae na may pamilyang puro masasama ang ugali. And take note, ang asawa ng babae ay isang babae din. Abangan niyo kung paano alipustahin si Jane at kung paano niya makamit ang paghihiganti.