Chapter 3

12 0 0
                                    

[Chapter 3]

***Sophie's Pov***

Hello Philippines! and Hello World! :D

Hindi ko alam kung nasaan si ROD ngayon,hindi na muna ako nagtanong sa source ko kaya pabayaan nalang muna natin sya.Magbabakasyon muna ako sa pang-aasar ko sa kanya.Rest day naming dalawa baka kasi mainlove agad sya pag inara2-araw ko at di na abutin ng 20chapter to kaya lulubayan ko na muna sya.

Punta nga pala kami ng La Isla Berde sa Batangas ngayon ng mga High School Friends ko,miss na miss na daw nila kami, magsusurfing daw,sagot nila kaya gora na ko, libre naman eh.sino bang may ayaw ng libre diba?hahahaha.Kaya ayun 5A.M. plang at antok na antok pa ko nagready na ko,6 daw alis namin.mejo malayo layo yun kaya maaga kaming aalis 2hours ata ang biyahe.matutulog nalang siguro ako sa sasakyan.

Dahil walking distance lang mula sa bahay hanggang dito kila Derrick 5:40 plang nasa tapat na ko ng bahay nila,dito kasi yung meeting place. And as expected ako na naman ang early bird,takot akong maiwan sayang yung Libre eh hahaha.

Nagdoorbell na ko, agad namang lumabas ung kuya ni Derrick na si Kuya Josan na boyfriend ng aking BFF na si Louise.Child abuse nga ehh 4 years ang agwat nila.Nag-aaral na si kuya Josan si Louise ipinaglilihi palang. Pero Idol ko sila, akalain mo 3 years na sila and still counting,Papatunayan daw nila na age doesn't matter. Edi sige sila na! hahahaha pagpasensyahan nyo na inggit lang po :P.

"Hi Kuya Josan,si Derrick ?" tanong ko habang papalapit sya sa gate.

"Pasok ka muna,naliligo pa.Kagigising nga lang eh."sabi nya.

"Kahit kailan talaga tulog mantika yun."sabi ko tapos nagkatawanan kami.

"upo ka muna.si Louise nga pala hindi daw makakasama no?" sabi ni Kuya Josan hindi ko alam kung interogative ba yun o declarative pero sinagot ko pa din.

"Oo nga eh sayang." umupo na ko.

"gusto mo ng coffee? juice?"tanong nya

"Wag na, nagcoffee na ko sa bahay.thanks nalang."sagot ko tapos inalaiw ko nalang yung sarili ko, nagbasa muna ako ng magazine.

"sige punta muna akong kitchen, jan ka muna feel at home." sabi ni kuya saka pumunta na sa kitchen.

kahit di nya sabihin na feel at home, at home na at home talaga ako dito.madalas kasi kami tumambay dito nung high school pag walang pasok or pag maaga kaming dinismiss, marami kasing pagkain dito kina derrick tsaka dahil sinisilayan ni Louise ang Love of her life niya excuse lang namin si Derrick.hahaha ambad ba namin? di ah..

After 100,000,000,000,000 years bumaba na din si Derrick na bagong ligo.Wow lang lumelevel up si kuya nag-Aeronautics lang gumwapo ng bongga.

"Hi Handsome!" bati ko agad saknya sabay wink.

"Bolero ka talaga Sophie.Akala ko si Ms.Punctual ka lang mukhang nadadagdagan na ang mga skills mo ah." sabi nya habang pupunta sakin.

"Hindi nga seryoso,mukhang hiyang mo talaga ang eroplano ah.dami mo na sigurong girlfriend ngayon." sabi ko

"wala nga eh, yung crush ko kasi ngayon lang napansin na gwapo ako." sabi sabay pout,nakakatuwa naman mukhang dumadami na ang mga boys na mahilig magpout ahh.

"ayan ka na naman eh,pero seriously ang cute mong magpout."natawa nalang kami.

hindi ko ba nasabi na crush ako neto?ayan nasabi ko na.oo, crush daw nya ko simula nung first year high school,umamin lang sya nung graduation namin.Nasabi ko na din ba na siya ang #1 heartrob sa school noon?Yeah #1 Heartrob lang naman ang may crush sakin haba ng hair ko no?pero hanggang crush lang naman hindi yan nanligaw sakin alam daw kasi nya na wala siyang laban kay Rod.

"sige papout nalang ako lagi."tugon naman nya.

kwentuhan lang kami saglit tas dumating na yung iba naming kasama at sabay sabay pa talaga sila.7 lang pala kami.Ako,si Derrick,Rina,Jane,Mia,Josiah at ang bigating taya si Van. Actually di naman yan gagastos e dun lang naman kami sa resort nila pupunta mas gagastos pa nga ata si Derrick dahil sagot nya ang wheels syempre kasama na dun ang Gas. Ansarap tlaga maging babae lalo na pag gentleman at bigatin ang mga barkada mo mabubuhay ka ng masagana. :))

Kulitan,kantahan at walang katapusang chikahan lang ang naganap sa sasakyan habang papunta ng resort.Pagdating namin dun 9 na.ingat na ingat kasi si Mr.Aeronautics magdrive kaya ayun bagal bagal. Pumunta muna kami sa may Pavillon na nkareserve para samin,since sina Van ang may-ari dun kami sa Pinakamalaki kahit na 7 lang kami,ngbreakfast muna kami bago sumabak sa dagat. Buti hindi masyadong mainit ngayon kundi patay ang balat ko.

Mejo madami na ang tao kasi weekend, may mga Family na nagbobonding,may mga Lovebirds na nagdadate,may mga Single na naghahanap ng Prospect at marami pang iba.nakita ko pa nga din si Enchong Dee eh.talas talaga ng mga mata ko at meron din akong nakitang Isang guy na kasing tangkad at kamukha ng build ng katawan ni Rod,hindi ko alam kung hallucination ko lang ba to or ano.hindi naman siguro sya yun masyado lang siguro akong nasanay na nakikita ko sya kaya kahit na wala sya naiimagine ko sya.

After magbreakfast ngkwentuhan muna ulit then,sabak na. matgal tagal na din akong di nakakapagsurfing.busy kasi sa school at walang nanlilibre last time kong nkapagsurfing last year pa ata nung dumating ung Uncle ko from London,kaya nangangapa ulit ako. Nung mapagod na kami balik na kami sa Pavillon para mag lunch.

Habang papunta kami sa Pavillon biglang nagsalita si Derrick...

Derrick: "nandito din pala si Karibal."

Me: "ha?" nagulat naman ako kasi isang tao lang ang tinatawag nya ng ganun.

Derrick: "sus kunwari pang di narinig pero excited naman sya.Nagulat nga din ako kanina nung nakita ko siyang nagjejetski."

Me: : 'ows?weh di nga?tlaga?talaga asan sya?asan sya!!! ipakita mo sakin kundi uuwi ka sainyo ng gutay-gutay ang katawan.' syempre di ko sinabi yan OA na masyado tsaka baka magselos naman to at isilid nya ko bag nya hihihihihi.

"oy di ah, di ko na nga naiisip yung tao ehh." yan na lang ang nasabi ko pero sa totoo lang naeexcite talaga ako akalain mo yun sa 7107 na island pag Low tide at 7106 pag High tide meron ang Pililinas lagi kaming pinagtatagpo.Love na Love talaga ako ni Lord.Love you too po :*

Derrick: "talaga lang ha? dalian mo na nga at gutom na ko."

Me: "yes sir!*salute*"

Naglunch na nga kami,big time tlaga ang sasarap ng food and all for free.san ka pa?Pikutin ko kaya si Van tiba tiba tayo dito.Pero syempre di ko gagawin yun mahilig lang ako sa freebies pero di ako gold-digger,saka di ko ipagpapalit kahit kanino,kahit anak pa yan or apo ni Bill gates. Back to the topic ayun nga after namin naglunch nagpaalam na muna ako na maglalakad-lakad lang muna,pero ang totoo may hahanapin talaga ako,gusto mong malaman?secret! :P

After 1hour ng palakad lakad wala akong nakita na Ran Owen Dessaro,kahit anino wala.kaya bumalik nalang ako.Pagbalik ko nagyaya silang magswimming,sumama na lang ako para di ako mag-emo at isipin na naman si Rod.Ayun nga nagswimming kami tapos nagyaya na silang umahon pero dahil enjoy pa ako nagpaiwan ako.Nagfofloating ako kaya di ko na namalayan na napalayo na pala ako.Babalik na sana ako ng bigla akong pinulikat ako,di ako makalangoy masakit pala talaga pagpinupulikat,nararamdaman ko na unti-unti na kong lumulubog,nagsisisgaw ako pero parang wala namang lumalapit papunta sakin,Katapusan ko na ba talaga?Katapusan ko na nga siguro kasi nakakakita na ko ng gwapong Anghel.Goodbye world.

Unstoppable SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon