***Sophie's POV***
Ayos talaga yung plano ko. annoyed na annoyed siya sakin kanina. di baleng mabwisit sya sakin atleast pinapansin na nya ko.
paano nga ba ako nakaisip ng ganitong plano?ahhh ganto kasi yun.
bata palang kami ni ROD magkakilala na kami, magkaibigan kasi yung mga parents namin actually hindi sya yung crush ko noon yung pinsan nya na si kuya Bunny ang gwapo kasi nun eh.hindi ko lang alam kung pano nadivert kay ROD yung pagkacrush ko kay kuya Bunny basta naramdaman ko nalang one day na sya yung gusto.And time flies so fast hanggang nagdalaga na ko at nagbinata na sya, hindi ko din namalayan na kasabay ng paglaki namin sumasabay na lumalim yung feelings ko for him.
One day habang naglalakad ako sa mall bibili kasi ako ng gagamitin ko para dun sa model house na project ko,nakita ko sya na may kasamang girl, ang sweet nila holding hands pa,hindi ko namalayan na tumutulo na pla yung mga luha ko.
umuwi nalang ako sa bahay kahit hindi ko pa nabibili yung mga dapat kong bilhin.Umiyak lang ako hanggang sa makatulog ako.
At the age of 11 I started to like him and at the age of 15 naranasan ko ang first heartbreak ko,masakit pla talaga ang magmahal ng patago, nasasaktan ka ng hindi nya alam, nagseselos ka kahit alam mong wala kang karapatan at umiiyak ka ng walang makapagpatahan.
sa loob ng ilang taon puro ganun lang ang nangyayari,masaya sya kasama ang iba at ako nsasaktan dahil alam kong hindi sya ganun pag ako ang kasama nya.kaya naisipan kong kalimutan nalang sya. naisip kong dapat nakong magMove on,nagmomove on ako kahit di naman naging kami,nakakatawa diba?nagsawa na kong maghintay sa wala,nagsawa na akong umasa kahit alam kong wala namang pagasa, ayoko ng masaktan,ayoko ng umiyak pero makulit talaga ang puso ko kinuntsaba pa pati utak ko kaya hindi din natuloy yung ilang beses napagaattempt ko na kalimutan sya.nagsawa na din ako kaya di na ko nagtry ulit alam ko namang di naman ung gagana ulit.
Dahil sa pagpupush sakin ng mga kaibigan kong si Louise,Jhoy,Cissy at Chame nakapagdecide ako namagconfess sa kanya kas epic fail,nakaearphone pala, pero isang araw nasabi ko din sa kanya lahat
----FLASHBACK-----
July 24,2012 (3months ago)
@Dessaro's Residence
12 Birthday ng kapatid ni ROD ngayon na si Riane.Wala namang party ayaw kasi ni Riane ng party pareho kami,marami pa kaming pagkakapareho kaya no wonder close kami kahit 5 years ang agwat ng age namin, actually alam din nya na may gusto ako sa kuya nya at ang masaya dun she likes me for him. Simpleng gathering lang ang meron mga friends ni Riane at ilang friends ni ROD pati friends ni kuya Ryel.
Dahil may surprise kami para kay Riane,Iniwan muna namin sila sa loob,bale kami lang ng mga kuya niya pati si Mommy Elle at Daddy Ram ang magkakasama. Idol kasi ni Riane si Daniel Padilla kaya sya ang surprise namin pero dahil mejo malalate daw dahil traffic we need to do some changes,at ayun dahil ako ay friendly kaibigan ko ung favorite girl band sa school ni Riane na "Diversity" sila muna yung papupuntahin namin complete naman ung instrument sa bahay nila at buti nalang free lahat ung mga members kaso hindi daw nila alam yung way so susuduin nalang namin sila sa tapat ng School.
On our way hindi kami naguusap ni ROD,kinakabahan kasi ako at sya naman nagddrive kasi sya.
Kaso biglang nagkaproblema nasiraan yung car ng daddy nya.
"Dyan ka lang tingnan ko lang kung anong nangyari,wag ka nang lalabas."sabi ni ROD saka lumabas na.
nakita kong inopen nya yung hood nung car, tapos pumunta sa likod at kinuha nya sa compartment yung tool box.
Tinwagan ko na si Mommy Elle na nasiraan kami at sila nlang yung sumundo sa band,tinawagan ko na din yung band at sinabing si Mommy Elle nalang ang susundo.mga 30 mins na hindi pa din nagagawa yung car,nagsstart na din umulan, nung lumakas na yung ulan lumabas na ko.
"ROD,Umuulan na." sabi ko sa kanya nakita ko na basa na siya.
"Oo alam ko,diba sabi ko wag kang lalabas!bat lumabas ka?!" sigaw nya sakin
"Ano bang problema mo ha? bat sinigawan mo ko?!" sigaw ko din sakanya nairita na ko eh
"ikaw!ikaw ang problema ko!"sabi niya.
"Ako?ako ang problema mo?"naguguluhan kong tanong.
hinila nya ko papasok ng sasakyan,pagpasok namin
"panong ako?ang naging problema mo?"tanong ko ulit, naiirita na ko eh
"ang kulit kulit mo, nkakabwsit,pwede bang tigilan mo na ko!"sabi nya nagulat naman ako sa mga pinagsasabi nya.
"wala naman akong ginagawa ahh.." sabi ko
"wala?palagi kang sumusunod sakin,dikit ka ng dikit. alam ko naman kung bakit mo yun ginagawa."sabi nya,at shock na shock naman ako
"alam kong may gusto ka sakin,diba may gusto ka sakin?tigilan mo na yan! hindi kita gusto at kahit kelan hinding hindi magugustuhan,kaya wag ka ng umasa!"sabi pa nya
"OO!may gusto ako ako sayo,pero wala naman akong ginagawa sayo diba? pinakialaman ba kita? kahit nasasaktan na ko pag nakikita kita na may kasamang iba pinakialaman ba kita?!hindi naman ako nagpapansin sayo kasi alam ko naman na never mo akong papansinin,At OO alam ko naman na hindi mo ako gusto.at hindi naman ako umaasa na magustuhan mo ko dahil alam kong balewala lang ako sayo,araw-araw akong umiiyak dahil sa katotohanang malabong mahalin mo din ako masakit pero tanggap ko yun kaya hindi mo na kailangan pang pagdiinan yun dahil alam ko yun.Alam na alam ko yun."binuksan ko na yung car saka lumabas kahit na umuulan ,naglakad lang ako ng nglakad habang umiiyak.hindi ko alam kung gaano ako katagal naglalakad at kung saan na ako napunta wala akong pakialam kahit umuulan pa kahit mukha akong tangang umiiyak,basta ang alam ko masakit ang puso ko.
Paggising ko nasa kwarto ko na ko,alam kong di paaginip yung nangyari kahapon.
Nagtataka man ako kung pano ako nakauwi hindi na ako nagabalang magtanong kila mama kung sino naghatid sakin,
at paggising ko masakit yung katawan ko pati yung puso ko hindi ko napigilan umiyak na naman ako.Mga 2 weeks ata akong ganun,2 weeks din akong absent buti nalang understanding yung parents ko at alam nilang i want to be alone muna and to think on my own.at dahil dun,dun ko naisip ang aking bitchy-bitchy plan.
After nun binigyan ako ng pera ni Papa sabi nya iindulge ko daw ang sarili ko,at sinunod ko naman.
----end of Flashback-----
Viola!eto na ko ngayon.