[Chapter 4]ROD's POV
Akala ko pa naman magkakaroon ako ng peaceful weekend, nagpunta na nga ako dito sa Batangas para makalayo ako sa Pollution pero pagdating ko dito isang malaking masamang hangin naramdaman ko,nakita ko lang naman ang babaeng nagpapatayo ng lahat ng balahibo ko, ang babaeng sumisira ng napakaganda kong araw.Sana lang hindi nya ko makita kasi for sure wala na namang ibang gagawin yun kundi bwisitin ako.
Nagjetski nalang ako sa kabilang banda para di ako makita nung babaeng un.Wala pa man din akong kasama kaya panigurado mabubully ako nun pagnaabutan nya ko.After nun scuba naman ako, ang sarap talaga sa ilalalim ng tubig,refreshing.I love water,kaya nga swimmer ako ngayon,iwas pawis pero fit pa din dba?Nakita ko naman ung babae na yun,palakad lakad parang may hinahanap,ako kaya yung hinahanap nya?(ayy assuming si kuya? :P) bago pa nya ko makita nagtago ako sa likod ng cottage ko,nakita ko na parang nalungkot sya at bumalik nlang sa pinangalingan nya.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at sinundan ko sya.I saw her with her friends na naghaharutan at nagkukulitan sa may dagat.Ngayon ko lang narealize na ang ganda pala ng mga ngiti nya,at narealize ko din kung ano ba tong mga pinagsasabi ko. Ngagandahan ako sakanya? hindi,masyado lang ako nacacarried away ng ganda ng dagat at naaapektuhan na ang utak ko.Nakita kong umahon na ung mga kaibigan nya pero sya hindi pa,mukhang enjoy na enjoy sya.Tumalikod na ko at Aalis na sana ako ng marinig ko siyang sumigaw kaya na pahinto ako pero di na ako lumingon sa kanya.Pero tuloy tuloy pa din yung pagsigaw nya nagkagulo na din yung mga tao nagsigawan na ung iba.Paglingon ko natulala na lang ako kasi nalulunod sya.Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sakin pero wala sa sarili kong tumakbo papunta sa dagat lumangoy ako ng lumangoy pa punta sa kanya,naaasar ako kasi bakit parang lumakas ung alon ngayon,nakita kong papalubog na sya kaya mas lalo kong binilisan.
Habang lumalangoy ako di ko na napigilan ang sarili ko, nagdasal na lang ako .Lord wag nyo po siyang hayaang malunod promise magpapakabait na po ko sakanya wag nyo lang po siyang kunin sakin.pahahalagahan ko na po sya,gagawin ko na lahat ng gusto nya wag nyo lang po muna syang kunin.
Sawakas naabot ko din sya, hinila ko sya papunta sa may dalampasigan nagkakagulo pa din yung mga tao madaming pumaikot lang samin, sa asar ko sinigawan ko na sila..
"Ano ba?! kita nyo ng muntik ng mamatay yung tao tapos nakatunganga lang kayo jan! tumawag kayo ng medics! Bakit ba walang life guard dito?! "
nagulat naman yung mga nakapalibot samin pero umatras sila yung iba tumakbo para tumawag ng medics.kinapa ko yung pulso nya,at kung humihinga ba sya, tumitibok pa naman yung pulso nya at humihinga pa naman sya pero mejo mabagal na. Kaya CniPR ko na sya, ilang beses ko rin siya binigyan ng hininga pero di pa din sya nagmumulat.Nafufrustate na ko.Mawawala na ba sya sakin?wag na naman please. Di ko namalayan na tumutulo na pla yung luha ko.
"Please Sam,magmulat ka na.Kahit araw-arawin mo pa kong asarin, kahit oras oras mo pa kung sundan,kahit samin ka na makitulog lagi, kahit ibigay ko pa sayo si Dollar at Dinar, kahit awayin mo pa ung mga babaeng may gusto sakin ok lang sakin wag mo lang akong iwan please.magpapakabait na ko sayo wag ka lang mawawala please. please Sam.Please." di ko na siya makita dali blurred na yung paningin ko tuloy tuloy lang yung luha ko,nakayuko na lang ako.Bading na kung Bading pero di ko kayang mawala sya sakin.
Pinunasan ko ung luha ko at tumingin sa kanya at pagkakita ko nagbago agad ung expression ng mukha ko
T.T- O.o
Nakamulat na kasi sya tapos ang laki pa ng ngiti nya.pinaglololoko lang ba ko neto?
"Totoo? kahit sumama ako sayo oras-oras,khit sainyo na ko matulog?sakin narin si Dinar at Dollar? binibigyan mo na din ako ng karapatan awayin yung may gusto sayo?tapos tinawag mo pa kong Sam,mahal mo na din ako no?" dire-diretso nyang sabi.
Ano ba tong pinasok ko, bat kasi pinagsasabi ko yun kanina hindi naman yun yung gusto kong sabihin ehh.Bat ba kasi tinawag ko pa syang Sam,AArgghh.I'm doomed lalo na kong di titigilan ng babaeng to nga yon."ewan ko sayo.jan ka na nga!"sigaw ko tapos iniwan ko na sya,feeling ko pulang pula na yung pisngi ko tumakbo pa ko tsaka lumangoy ng mabilis tapos isa lang pla to sa mga kalokohan nya,nakakainis.
"ROD! wala ng bawian ah,sige magpapalunod ulit ako!"sigaw na tuwang tuwa.
"Sige lang!ako pa mismong lulunod sayo."lumingon ako sabay takbo."Okay I love you too!"sigaw nya.
naisahan na naman nya ko,pero naguguluhan ako sa mga inasta ko,sa mga pinagsasabi ko,may gusto na ba tlaga ako sa kanya?No.It can't be.