Chapter 4

28 1 0
                                    

Tris' Pov

Ilang buwan na rin ang nakalilipas mula nung nakilala namin si Alex at naging kaibigan ang prof namin na si Ryl. Wala namang masyadong nangyari. Pasok. Uwi. Kain. Tulog. Pasok. Gala. Paulit-ulit lang.

Nandito ako ngayon sa room. Naka ub-ob sa mesa ko. Alang magawa e. Yung si Dara? Bumaba. Nagugutom daw siya. Sigurado akong may pagkain nanaman yan pag balik nun. May lafangs nanamang dala 'yon. Pero pag magpapalibre ako, lagi syang walang pera. Hala, sige nga. Millionaryo magulang nya tas wala syang pera? Utut nya.

"Hi there! Goodmorning!" Napatingin nalang ako sa epal na bigla biglang sumusulpot.

"Hmm. Morning." Walang gana kong sagot. 'Tas umub-on nalang ulit ako. Inaantok pa ako e.

"Snobber naman nito. Ang aga-aga, sungit mo." Kailangan ikaw talaga sisira ng umaga ko?! Hindi niya ba na gets na ayaw ko ng kausap?

Hinampas ko ng malakas yung desk ko. Dahilan para maagaw ko ang atensyon ng kramihan sa room-ay mali pala. Lahat pala ng nasa room. Well, I don't care. Wala ako sa mood.

"Hindi mo ba nakikitang ayoko ng kausap? Manhid ka ba talaga o ewan lang?! Kung gusto mo ng kausap o gusto mo lang manira ng umaga, huwag ako! Iba nalang!" At nag walk out ako. Inis e! Naiirita ako. Ewan ko rin kung bakit. Basta ayoko ng kausap.

Alex's Pov

Ano kayang problema nung babaeng 'yon?

Naka tingin lang ako sa kanya mula nang tumayo sya.

Bakit kaya ang init ng ulo non?

Teka...stich! Tagos ba yon?! Kaya naman pala e!

Buti nalang hindi masyadong halata.

Tumayo ako at niyakap siya mula sa likod. Nag 'ayiieee' naman yung mga nasa room namin.

"Sorry na. Bati na tayo? Please babe?" Sabi ko in malambing na tone. Eeeeww. Conyo!

"The heck?! Ano bang problem mo?! Bitawan mo nga ako!" Sabi niya habang nagpupumiglas.

Niyakap ko pa siya ng mahigpit at binulong sa kanyang, "Huwag kang malikot. Alam ko kung bakit mainit ulo mo. Mga babae nga naman." Naramdaman kong nag stiff sya. Mukhang na-gets n'ya naman ang gusto kong sabihin.

Yumoko sya, sign na nahihiya sya. Tinanggal ko ang jacket ko. Buti nalang may dala ako. Ako mismo ang nagkabit sa kanya kahit naka talikod siya saakin. Tapos binuhat ko sya na bridal style.

"Mwo?!"

"Hoy, babae. Wag kang magsalita ng alien jan."

Napansin ko namang nakatingin at kinikilig parin ang mga babaeng nakakakita saamin. Yung mga lalaki naman mga naka ismid. Inggit much? Haha! Hanggan tingin lang kayo boy. May nag pi-picture din tsaka video.

Bigla nalang sinubsob ni Tris yung mukha nya sa dibdib ko. May hiya rin pala 'tong babaeng 'to. Hahaha!

Nagsimula na akong maglakad papunta ng... San nga ulit ako pupunta?

"San kita dadalhin?" Tanong ko.

"Huh?" Takang tanong nya. " aaah. Sa locker room nalang." Tapos sumubsob na ulit sya.

"Locker room? Girls or Boys?" Hahaha. Pagtripan ko muna.

Hinampas nya ako sa dibdib. Hahahaha! Cute!

"Shut up." Bulong niya, pero narinig ko parin

{Girls Locker Room}

nandito na kami sa harap ng pinto ng locker room nila. Tsk. Kulay pink yung pinto.

"S-Salamat ulit,Alex."

"Welcome." 'Tapos ay pumasok na siya sa loob.

Tumalikod na ako para umalis, baka sabihin perv pa ako. Biglang may humawak sa kamay ko-

"WAH!" stich! Kuryente ba 'yon?! Napalingon agad ako sa humawak saakin.

Sino pa ba? Si Tris.

"B-B-Baket?!" Gulat na tanong ko. Ang weird nung kuryente pramis.

"Sinisigawan mo ba ako?" Nakataas na kilay nyang tanong.

"Hindi ah. Ikaw pa. 'Di ko kayang gawin sa'yo 'yon. He-he. Babe naman." I laugh nervously. "Bakit nga ulet?"

"Ahh. Sasabihin ko lang sana na, huwag mong ipag kakalat 'to o papatayin kita! O kaya naman, pwede rin, break-"

"NO! No! No! No! Okay? Hindi ko ipag kakalat. Tsk."

"Hmf! Fine!"

At pinag sarhan niya ako ng pinto. Padabog pa. Tsk. Mga babae.

Makaalis na nga. Baka makuryente nanaman ako.

Ang weird talaga nung kuryenteng 'yon. San kaya yun galing? Hmmm.

~~~~~~~~~~~

The Gangster Queen Is ME?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon