Tris' POV (Beatrice)
*zoooooooooom* *zooooooooooom* *eeeeeeeeiiiinnnngggkkkk* *crash!* (car crashing sounds effects)
"WAAAAAAAAAAAAAAAH!" Napabigwas ako bigla dahil sa napanaginipan ko. Teka? Panaginip? Haaaaay. Buti naman! Grabe nakakatakot yung panaginip ya 'yon.
*boooogsh*
"Sh*t! What happened?? You al'right?! What?!" Sa sobrang pagka o.a ng reaksyon nya, tinitigan ko lang sya.
*paaaak*
Isang malutong na batok ang nakuha ko.
"Araaaaay'choooooo!" Sigaw ko habang hawak iyung ulo kong binatukan ng amazonang 'to. Anchakit ei. Huhuhu.
"Yaaaaaaa! Ano bang nangyari?!" Sigaw nya ulit
"E-he-he-he. Wala nanaginip lang ako. H-Hindi kasi sya maganda." Sabi ko habang naka-yuko.
Naramdman ko naman na lumubog yung side ng kama ko. Tumabi sya saakin sabay yakap.
"Okay lang yan. Panaginip lang yan. Kung ako sa'yo RB maliligo na ako kasi 7:30na." Sabi nya habang hinahagod ang liko- ano daw?
"7:30 NAAAAA??!! Naman eh!" Sabay takbo ko sa banyo. Kainis. Male-late pa ako neto e.
Dara's POV (Dianne)
Hi guys. Siguro naman kilala nyo na ko. Buti nga pinag-pov ako otor ee. Kala ko hindi na ko makaka pag pov e.
Btw. To make things clear. (Nice english!)
Ehem. I'm Dianne Rae Kwon. Rachelle Beatrice Shin's best friend. We're together since childhood. Ikukwento ko ang pangit kong past. Chos!
(A/N: RB/Arbie ang tawag ni Dara sa kanya. Tris and RB palang ang nickname nya....yet.)
Anak ako ng katulong nina Arbie dati. Yesh, DATI. Namatay kasi ang nanay ko, tas di ko naman kilala ang tatay ko. Siguro sumakabilang bahay na. Hahaha.
So, ayun. Inampon ako ng kaibigan ng parents ni Arbie. Hindi kasi sila magka-anak e. Kaya naging Kwon ako. Masaya naman ako sa buhay ko ngayon. Sa sobrang saya nakakalimutan ko minsang ampon lang pala ako. Pero ang turing nila saakin ay tunay na anak, at ganun din ako sa kanila. Pati mga kapamilya nila, mabait din saakin. Tanggap nila ako. At napaka swerte ko dahil don.
And going back sa sinabi ko kanina. Sa bobrang tagal naming magkaibigan ni Arbie. Alam ko na ang lahat nang tungkol sa kanya. Lahat, kahit yung mga
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hindi na nya maalala.
Oo, di nya maalala. At OO, may amnesia sya.
Ie-explain ko na nga lang. Ayokong mag flash back.
Ganito kasi 'yon.
Mga 6 years old kami non. Naglalaro kami ni Arbie sa playground sa park ng subdivision namen. Ang saya pa nga namin non ee. Sobrang saya, na halos wala na kaming pakielam sa mga nasa paligid namin.
Nang bigla nalang may lumapit saaming mga lalaki. Bigla nila kaming hinila papunta sa van. Ayaw naming sumama non, ayaw naming sumama sa kanila. At dahil bata pa kami non, takot na takot ako. Wala akong magawa. Iyak nalang ako ng iyak. Nakita kong nakatingin saakin si Arbie habang umiiyak ako. Nagtaka ako non kasi, bat hindi sya umiiyak e, nakakatakot yung mga lalaki.
Nagulat ako nang bigla nya nalang sinigawan at binigyan ng Arbie boom bastic combo. Nang natanggal ng mama yung kamay sya saakin bigla nalang akong hinila ni Arbie palayo.
Ayos na ee. Makakatakas na kami. Kaso nung tumatawid kami, bigla nalang may isang sasakyang paparating. Nanigas kami sa takot at gulat, pero hindi ko inaasahan yung sunod na nangyare. Hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko dahil sa nangyaring iyon.
Tinulak ako ni Arbie, at
.
.
.
.
.
.
Sya ang nasagasaan.
Takot na takot ako nung mga oras na 'yon.
Agad kong pinindot ang emergency button ng tracking device sa kaliwang bahagi ng medyo baba ng batok ko. Gets nyo ba?
Habang hinihintay yung mga magsusundo saamin, hinawakan ko ang kamay ni Arbie habang naka tingin sa mukha nyang blurred dahil sa luha ko narin. Pero naaaninang ko parin ang mga dugo sa mukha nya.
Ilang minuto lang ang nakalipas at dumating narin ang mga tauhan nina Tito. Nasa likod kaming upuan ni Arbie. Naka higa sya sa lap ko. Dahil ang bilis bilis ng pag papatakbo ng driver nila, hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa ospital.
Akala ko katapusan na nya, akala ko wala na. Nakatingin lang ako sa pinto ng emergency room. Naka upo sa tapat non.
Biglang dumating sila tito at tita. Kasabay non ang pag labas ng doktor sa E.R.
Hindi maganda ang ekspresyon ng mukha ng doktor. Nagsimula na kaming umiyak.
Pero biglang nagsalita ang doktor. "'Wag ho kayong O.A. Masyado pong maraming dugo ang nawala sa anak nyo. Pero pinapalitan na po. Ayos na ho. Ililipat na ho sya sa private room."
Sa sobrang gulat at pasasalamat narin namin. Bigla nalang kaming napa upo sa sahig. Syempre tinanong namin kung bakit sya naka busangot. Ang sabi nya lang
"E kasi naman ang likot ng anak nyo. Nang nagkamalay sya bigla kanina. Nag pupumiglas sya. Sigaw sya ng sigaw kung nasaan daw sya. Sino daw kame. At kung ano ano pa. So, kailangan pa namin syang saksakan ng pampatulog. Itanong nyo nalang po sa nurse kung saan room nya. Excuse me." Sabi ng doktor at umalis.
Ilang linggo din sya sa ospital. Syempre araw araw akong nandoon. At nalaman nga naming wala syang maalala noong nagising sya at itinanong kung bakit sya nasa ospital at ano daw ang nangyari sa kanya. Ang naaalala nya lang e, nung nasa playground palang kami. At hindi nya rin maalala ang ibang pangayayari sa buhay nya.
At napag desisyonan nga na huwag nalang sabihin sa kanya yung mga bagay na hindi nya na maalala. Inakala at inaakala naming iyon ang makabubuti sa kanya.
Nakokonsensya karin ako sa pag tatago ng totoo sa kanya. Pero, alam kong para rin naman sa kanya iyon.
Sana pag dating ng panahong maalala na nya ang lahat. Mapatawad nya kami, sa pagtatago ng totoo sa kanya.
➰➰➰➰➰➰➰➰➰➰➰➰➰➰➰➰➰➰➰➰➰➰➰
So, ayun. Hahaha XD nakapag ud den sa wakas. XD
Keep reading and supporting guys!
Arbiepatootie