Kabanata 13

1.2K 59 0
                                    

"Mag celebrate?"

Napatango tango naman ako.

"Ano yun?" Napataas ako ng isang kilay. Napapikit ako ng maalala na hindi ko pala lugar to. Napailing iling ako habang nakangiti at nakahawak sa nuo.

"Mali pala ang nasabi ko. Magpakasaya tayo." Sabi ko sakanila.

"Ano? Eh hindi nga pinayagan ang mga kalahok sa kwartong asul para lumabas." Sabi naman ni Soohyang na tumigil na sa pag susulat. Nakatingin na ito saakin habang may hawak hawak na sobre. Sulat siguro.

"Hindi rin naman nila malalaman." Nakangisi kong sambit.

"Anong iyong iniisip?" Tanong ni Wooyang na parang na e-excite na. Ang kaninang nakahiga ay nakaupo na sa kama niya. Napangiti ako at tumingin kay Soohyang na pabalik balik ang tingin saamin ni Wooyang.

-*-

"Sigurado ba kayo dito?" Tanong ni Soohyang habang nagliligpit kami ng kama namin at handa ng matulog. Sabay kaming napatango ni Wooyang. Narinig ko pa ang pahabol na buntong hininga ni Soohyang bago humiga sa kama at naghahandang matulog. Napatingin kami kay Hyunjung na tahimik ng natutulog. Hindi na namin nasabihan si Hyunjung sa plano namin dahil lumabas kaming tatlo kanina at pagbalik namin ay nakatulog na siya. Siguro gigisingan nalang namin siya.

Nag-ikot ikot kami kanina sa palasyo para makahanap ng dadaanan namin mamaya. At habang gumagala kami ay narinig namin ang mga usap usapan na merong isang piesta daw. Hindi ko naman nalaman kasi bago lang ako dito pero tinanong saakin ni Soohyang ang araw at sinabi ko naman. Ang sagot naman niya ay piesta nga raw sa bayan. Kaya mas ginanahan kaming dalawa ni Wooyang na tumakas.

"ORAS NA PARA MATULOG!" Pagkatapos ng sigaw ni Ateng Juni ay kasunod ang pagpatay ng ilaw. Mga ilang minutong katahimikan ang nangyari habang nagpapakiramdaman kami. Mga tatlumpung minuto na ang lumipas kaya umupo ako galing sa pagkakahiga. Mukhang naramdaman nina Soohyang at Wooyang na umupo ako kaya umupo nadin sila.

Dahan dahan akong tumayo para hindi makagawa ng ingay at kagat labing napatingin sa pintuan habang nakakunot ang nuo. Nang maramdaman namin na parang tulog na silang lahat ay inayos ko ang unan at kinumotan. Diversion kumbaga. Sinabi ko na rin ito kina Soohyang at Wooyang para alam na nila ang gagawin at walang ingay habang ginagawa namin ang plano namin. Ako ang naunang natapos sa diversion ko kaya dahan dahan akong pumunta sa kama ni Hyunjung.

Para kaming magnanakaw sa ginagawa namin. Malapit na ako sa kama ni Hyunjung ng may matapakan akong sirang sahig at nakagawa ng isang squeak sound. Napapikit ako at naramdaman ko ring nag freeze sina Soohyang sa ginagawa nila. Ilang minutong katahimikan ang nangyari. Napastand ako ng tuluyan sa toes ko para hindi makagawa ng ingay. Perks ng mga ballet dancer.

"Hyunjung, tumayo ka." Bulong ko kay Hyunjung at mabilis din naman siyang bumangon.

"Bakit?" Sabi nito at ilang 'shhh' ang maririnig. Napafreeze naman si Hyunjung at napatingin saamin. Nag bibihis na sina Soohyang at si Wooyang naman ay hinihintay na matapos si Soohyang na bumihis sa paliguan. Nang makita ni Wooyang na nakatingin kami sakanya ay isang ngiti ang ibinigay nito saamin. At isang naguguluhang tingin ang ibinigay saakin ni Hyunjung.

"Ano ang nangyayari?" Sabi nito. Napangiti ako at sinabi ni sakanya ang gagawin namin.

"Nahihibang na ba kayo? Paano kung makita tayo nina Gurong Juni?!" Pabulong na sigaw niya. Napailing iling naman ako at sinenyasan si Wooyang na pumasok na sa loob para magbihis since nakatingin parin ito saamin.

"Malalaman talaga ni Gurong Juni ito kung--"

"Ano?!"

"Patapusin mo muna ako!" Frustrated na sabi ko. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at pinagpatuloy ang sasabihin.

Joseon's Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon