"Mahal!"
Sigaw ko ng makita ko siya. Isang buwan ang lumipas at ngayong araw na ang ika-pitong labanan. Ang huling labanan.
Sa isang buwan na lumipas ay inalam ko ang pakay saakin ng prinsipe. Anong plano niya? Imposible naman na naghalikan lang kami ay gusto niya ako. Sigurado akong may habol siya. Baka nga kasama pa siya nina Hyunjung sa plano nila eh.
"Mahal..."
Sagot nito at ngumiti. Aaminin ko sa loob ng iilang mga buwan ay nagugustuhan ko na ang presensya niya pero hindi ibig sabihin nun ay may gusto na ako. Parang kaibigan lamang siya.
Kaibigan...Hindi ko nga alam kung sino ang totoo kong kaibigan dito eh. Teka, may kaibigan ba ako? Si Soohyang? Kaibigan ko ba siya?
Aaminin ko, natatakot akong malaman na baka mga kasama siya nina Hyunjung sa plano nila. Dahil parang kaibigan na ang turing ko sakanya.
"Mahal!" Napapikit pikit ako at tumingin sa pwesto ni Min Hyuk.
Oo, Min Hyuk ang tawag ko sakanya. Hindi niya kasi gustong maging prinsipe sa harapan ko. Tandang tanda ko pa ang sinabi niya nuon.
"Gusto kong maging totoo sa harapan mo. Hindi bilang prinsipe, hindi bilang makapangyarihan, at hindi bilang anak ng hari. Si Min Hyuk lang. Si Min Hyuk na isang normal na ginoo."
"May problema ba, mahal?"
Nakita kong nakakunot na nuo nito. Sigurado akong naguguluhan na siya sa mga galaw ko. Napailing iling ako at ngumiti.
"Wala. Ano... Kinakabahan lang. Tama, kinakabahan lang para mamaya."
"Wag kang kabahan, Mahal. Sigurado akong ikaw ang mananalo. Sabay tayong manalo at gagawin nating napakaganda ang lugar ng Hanyang. Gagawin nating mapayapa at magadang tirahan."
Kagaya ko ay nakapunta na rin ang prinsipe sa panghuling labanan. Mamaya, gagawin ko ang lahat para manalo. Tatlo na lamang kaming natira. Sigurado akong alam niyu na kung sino ang mga 'yun. Sigurado rin akong may ginawa silang dalawa para mapunta sa kinatatayuan nila.Si Jihyo at si Wooyang.
Hindi ko alam kung nasa plano ba nila ang ipatalo si Hyunjung pero sa tingin ko ay hindi.
"Ang tatlong matitira ay sina Jang Wooyang ng Jang Palace."
Palakpakan ang maririnig at pagtayo ng isang tao ang makikita at maririnig. Umiwas ako ng tingin at pumalakpak. Nakakainis ang ngiti niya. Parang may ginawa talaga, sigurado akong may binayaran sila sa isa sa mga pumipili o may espiya sila para ipasok siya sa pang huling labanan.
"Choi Jihyo ng Choi Palace!"
Masigabong palakpakan ang maririnig at ang pagtayo ng iilang mga konseho. Napatingin ako sa kanila at nakitang mga Choi ang ito. Isa na doon ang tatay niya. Ang Opisyal ng Digmaan.
Isa na iyon sa mga ebidensya. Opisyal 'yan, malamang meron yang koneksyon.
"Ang pangatlo ay si..."
Napatingin ako kay Hyunjung na nasa tabi ko. Mukhang napansin nito ang titig ko at tumingin siya saakin at ngumiti. Ang ngiting nakakainis tingnan. Mukha namang nag-effort pa siyang gawing sincere 'yun pero isang nakakainis na ngiti lang ang nakita ko. Isang ngiti na parang sinasabi niya mananalo na siya.
"Song Yejin ng Song Palace."
Sa ngayong pagkakataon, dahil nagkakatinginan kami ay kitang kita ko ang pagwala ng ngiti niya at ang isang gulat na ekspresyon ang nakita ko.
At sa ganitong oras, ako ang ngumiti sakanya. Isang ngiti na in-effort-an ko talaga para ipakitang napaka sincere ako (pero hindi).
Habang naglalakad ako ay nakita ko rin ang gulat na ekspresyon ng dalawa. Mukhang parang hindi nila inaasahan ang nangyari at nasira ang plano nila.
BINABASA MO ANG
Joseon's Queen
Historical Fiction"Nasaan ako?" "Lady Yerin!" "Sinong Yerin? Ang pangalan ko ay Yejin. Song. Ye. Jin!" "Hindi siya makaalala." "Lady Yejin!" "Bumalik na ba ako?" "Gusto mo bang sumali sa paligsahan?" "Opo." "Gusto kong maipagmalaki ako ng lolo ko. Gusto kong maranasa...