Kabanata 23

1K 45 0
                                    

"Hija!" Rinig kong sigaw ni Nurse Fe ng makita niya akong pumasok sa office niya.

"Nurse Fe.." nakangiting sabi ko. Tumayo siya at niyakap ako. Bakit parang ang higpit naman ata? Kung makayakap naman si Nurse Fe parang nawala ako ng ilang buwan eh nagkita naman kami kahapon.

"Kamusta kana?" Tanong nito saakin. Napakunot ang nuo ko.

"Okay lang? May nangyari ba? I mean, binisita naman kita dito kahapon," sabi ko sakanya. Dahil nakayakap pa saakin si Nurse Fe ay naramdaman kong natigilan siya.

"Wala..." Sabi nito saakin at pinakawalan ako. Ang weird niya.

"Aalis na po ako. Pumunta lang naman ako dahil dito," sabi ko at pinakita ang pagkain na dala ko. Ano ang nagluto niyan.

"Ay, nag abala kapa," nahihiyang sabi ni Nurse Fe. Nilagay ko ito sa table sa gitna ng office ni Nurse Fe. Senior nurse na kasi siya kaya malaki ang office niya.

Nang nalagay ko na ang pagkaing dala ko ay nagpaalam muna siya para humingi daw ng mainit na tubig dahil nasira ang water dispenser sa office niya. Tumango lang ako at umupo sa single chair. Napatingin ako sa paligid. Wala namang nagbago. Napailing iling ako. Kahapon lang naman ako huling nakapunta dito bakit naman ako maghahanap ng pagbabago?

Naagaw ng pansin ko ang envelope sa ibabaw ng table ni Nurse Fe. Ang ganda sa paningin ang gold na color nito. Hahawakan ko na sana ito ng merong kamay na kumuha 'nun.

"Anong ginagawa mo?!" Sigaw ni Nurse Fe. Napalaki ang mata ko. For the first time in my life, nasigawan ako ni Nurse Fe.

"N-Nurse Fe..." pabulong na sabi ko. Mukhang makita ni Nurse Fe ang paglaki ng mata ko. Anong meron sa envelope na 'yun?

"P-pasensya na," sabi ni Nurse Fe at umalis. Naiwan akong tulala sa office niya. Napailing iling ako ng merong mga luhang nagsibagsakan sa mata ko. Kasalanan ko ba 'yun? Ang tanga mo naman kasi Yejin! Baka naman importante ang envelope na 'yun. Sa kulay palang makikita na eh.

Para akong zombie kung maglakad ngayon. Okay lang naman kung hindi ako tumingin sa dadaanan ko, sila na mismo ang umiiwas saakin.

Tulala ako buong hapon. Nag-alala na rin sina Manang Flores (kasama kong janitor) dahil napakarami na ang mali ko at nabangga kong mga estudyante.

Pagod lang siya siguro? Baka naman mahalaga lang ang envelope na 'yun? Ang tanga mo kasi Yejin. Palagi nalang parang sinasaniban ang kamay mo at kung ano ano ang kinukuha.

"YEJIN!" Napatalon ako at napatingin kay Manang Flores.

"May problema ka ba? Kanina ka pa tulala." Agad akong umiling at pinilit na ngumiti. Maaga akong nag-off sa trabaho ko. Feeling ko ang stiff stiff na nang katawan ko. Bago ako umalis ay nag stretching muna ako sa locker room.

"Manang Flores, una na ako!" Sigaw ko.

"Osige!" Nag wave muna ako ng kamay bago umalis. Pupunta muna siguro ako sa palengke para kumita rin.

Gumagalaw ang kamay ko habang naglalakad ako. Dahil ang suot ko ay long sleeves na damit ay agad kong nilalagay ang mga cellphones o wallet sa loob ng sleeves ko. Hanggang sa nakarating na ako sa park river ay nakangiti parin ako. Ang dami kong nakuha. Napatingin ako sa repleksyon ko sa tubig at unti-unting nawala ang ngiti ko ng meron akong narinig na nakakasakit sa tenga. Napatakip ako ng tenga dahil doon. Mga ilang minuto pa ay agad ring nawala.

Tulala ulit akong umuwi sa bahay namin. May sakit ba ako? Ano 'yung nakakahilong sound na yun.

"Nandito na ako!" Sigaw ko kay lola pero mukhang wala naman siya dito. Sumugal na naman yun panigurado. Napabuntong hininga ako at nilagay ang mga nanakaw ko sa kama at pumunta sa cr para maligo. 'Ni hindi ko nga nalaman na naliligo ako with my clothes on.

Joseon's Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon