"Pupunta ang mga prinsipe sa mga pwesto natin para pumili ang bobotohin nila diba?"
"Talaga? Ngayon na agad?"
"Anong ngayon na agad? Eh ito na ang huling araw natin."
Nandito na kami sa labas at nakalinya. Nasa harapan ko sina Hyunjung at Soohyang at syempre katabi ko si Wooyang.
Normally, ang katabi ko si Hyunjung pero dahil mas matangkad sakanya si Wooyang ay pina switch sila ni Ateng Juni.
"Anong meron?" Mahina kong tanong kay Wooyang. Napatingin siya saakin.
"Bibisita po ang mga prinsipe sa mga pwesto natin at boboto rin sila. Pero ang mga boto nila ay naghahalaga ng limang puntos." Sabi niya saakin. Napatango ako.
Napatingin kami sa papalapit na si Ateng Juni na meron na namang drum. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa gate. Lalabas na naman kami at pinangungunahan iyon ni Ateng Juni.
"Ang huling araw ng ikatlong labanan." Sabi ni Ateng Juni at itinambol na naman ulit ang drum.
Pagkatapos ng performance niya ay nagsipuntahan na sila sa kanilang pwesto kaya nagsimula na rin akong pumunta sa pwesto ko.
Pagkarating ko doon ay umupo ako at gumawa muna ng ink dahil wala pa namang tao sa pwesto ko. Nagkaroon na ng mga bisita ang ibang contestants pero gumagawa parin ako ng ink.
Nang matapos na ako sa pag gawa ng ink ay napatingin tingin ako sa paligid. Wala sa sariling napangiti ako dahil sa itsura ng mga tao. Mas marami ang tao ngayon kung ikukumpara kahapon. Mukhang sinusulit na nila ang araw na ito.
"Ate!" Nakarinig ako ng sigaw kaya wala sa sariling napalingon ako. Ganun naman diba? Napapalingon ka kung merong tumawag sa walang pangalan.
Napangiti ako ng makitang si Hyunsik iyon. Lumapit siya saakin at ngumiti.
"Nasabi niyo na po ba ang problema ko sa hari?" Nanlaki ang mata ko. Anong sasabihin ko?
"Bukas ko ibibigay sa hari ang aking isusulat, Hyunsik." Sabi ko at ngumiti ng alanganin. Magagalit ba siya?
"Pwede ko bang matanong ang ngalan niyo?" Tanong nita ulit.
"Song Yejin." Sabi ko. Nagulat pa ako kasi bigla siyang ngumiti at umalis.
Anong problema ni Hyunsik?
Napailing iling nalang ako at napagpasyahang sumulat nalang ng kung ano ano.
Song Yejin
Song YerinDahil wala namang nag papalista ng problema nila, siguro pwede kong ilista problema ko?
Stupid! Ano namang magagawa ng hari sa problema mo?
Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. Kung ano ano lang ang sinulat ko ng meron akong narinig na tumikhim. Kaagad akong napatingin sa pwesto ng nag fake cough at ngumiti dahil naka tingin siya saakin.
"Ikaw po ba si Song Yejin?" Tanong nito saakin. Ngumiti ako at tumango. Itinuro ko rin ang nametag ko sa ibabaw ng table.
"Pasensya na po, hindi po kasi ako marunong magbasa." Sabi niya na parang nahihiya. Umiling iling ako at pina-upo siya sa extrang cushion.
"Wala pong problema. Maupo po kayo." Sabi ko sakanya, "Ano po bang kailangan niyo?" Dagdag ko ulit.
"Sinabi kasi ng anak kong si Hyunsik na naglilista ka daw ng problema sa Hanyang." Napatango ako at pinakita ang mga papel at lapis.
"May problema po ba kayo?" Tanong ko at kinuha ang lapis na katabi ng papel.
"Sana po ay makita ng hari ang paghihirap na pamumuhay ng mga mamamayan niya. Sana ay gawin niya na ang seremonya para sa ulan." Sabi nito saakin. Ngumiti ako at hiningi ang ngalan ay edad niya.
BINABASA MO ANG
Joseon's Queen
Historical Fiction"Nasaan ako?" "Lady Yerin!" "Sinong Yerin? Ang pangalan ko ay Yejin. Song. Ye. Jin!" "Hindi siya makaalala." "Lady Yejin!" "Bumalik na ba ako?" "Gusto mo bang sumali sa paligsahan?" "Opo." "Gusto kong maipagmalaki ako ng lolo ko. Gusto kong maranasa...