Napaatras ako dahil sa tensyon na dumaloy sa katawan ko. Nanlaki ang mata ko at yumuko bilang pag galang.
"Mahal na Prinsipe..." Sabi ko habang nakayuko. Nakakagulat naman 'yun. Pero infairness, ang gwapo niya up-close.
Aish!! Focus Yejin!
Napapikit ako dahil sa kung ano anong ang pumapasok sa utak ko na ultimong kinakausap ko na ang sarili ko (sa loob ng utak ko).
Isang sexy na tawa ang narinig ko. Sexy talaga.
"Ngayon lang ata ang natandaan mo na magkasama tayong dalawa." Sabi nito. Ano?
"Po?" Tanong ko.
"Kahapon." Anong nangyari kahapon?, "Umiyak ka sa gubat diba?" Sabi nito saakin. Ako? Umiyak saan? Sa gubat? Napapikit ako dahil sa kahihiyan ng matandaan ko na umiyak nga talaga ako kahapon. Nakita niya ba ako?
"Pa... Paano niyo po nalaman?" Tanong ko na nakayuko parin. Hindi pa nga rumehistro saakin na napahiya ako dahil hindi ko alam na prinsipe siya at sinasagot sagot ko tapos dumagdag pa ang kahihiyan na nakita niya akong umiyak kahapon.
"Mukhang hindi mo na naman natandaan ang nangyari." Sabi nito at ngumiti. Anong nangyari? Saan nangyari? Sa gubat? Hala ang halay naman 'nun! Ang manyak mo, Yejin. Hindi siguro ganun ang sinasabi niya. Prinsipe siya at may digninad. Ikaw lang naman ang walang ganun. Napataas ang kilay ko. May nakalimutan ba ako?
Napaatras ako ng bigla siyang humakbang papalapit. Yumuko rin siya para mapantayan ako. Napakurap kurap ako. Nagtinginan lang kami hanggang sa nagsalita ba siya.
"May sakit ka ba?" Napataas ang dalawa kong kilay. Hindi ko talaga alam ang sinasabi niya. Hindi na ata umaandar ang memorya ko depende nalang kung...
"Nahimatay ba ako ng makita mo ako kahapon?" Tanong ko. Mahirap man paniwalaan pero hindi nagreregister ang mga nangyayari saakin before ako mahimatay.
"Oo." Maikling sabi nito. Tumango tango ako at napakamot sa ulo ko.
"Hindi ko kasi matandaan ang mga nangyayari saakin before ako mahimatay." Napapahiyang sabi ko kaya napakunot ang nuo niya.
"Before? Marunong ka ng lengguwaheng ingles?" Napalaki ang mata ko.
"Before? Kelan ko sinabi 'yun? Anong ibig sabihin 'nun? HAHAHA." Sabi ko at nag fake pa ng tawa. Ang tanga mo, Yejin!! Bakit ba hindi mo ma control ang bibig mo.
"Extraordinary ka." Simple nitong sabi. Alam niya bang mag english?, "Nag-aral akong mag ingles kung 'yun ang tatanungin mo." Sabi nito at ngumiti.
"Ah... Ganon ba?" Sabi ko at ngumiti rin. Tumingin ako sa paligid para makaiwas sa tingin niya. Nakakainis! Bakit ako kinakabahan? Kasi prinsipe siya. Oo, yun nga. Paulit ulit kong sinasabi yun sa isip ko hanggang sa merong akong narinig na isang tawa. Otomatikong napatingin ako sa gwapong prinsipe sa harapan ko.
"Alam mo bang kakaiba ka?"
"Kakaiba?" Balik na tanong ko. Anong klaseng kakaiba? Photographic na kakaiba? Magnanakaw na kakaiba? Siga na kakaiba? Alin diyan?
"Lady Yejin!" Napatingin ako at nakita kong paparating si Somin papunta sakin kasama sina Wooyang. Napatingin ako sa prinsipe at yumuko.
"Aalis na po ako." Sabi ko at yumuko ulit atsaka umalis na. Sinalubong ko si Somin. Ramdam ko naman ang paglakad rin ng prinsipe. Mukhang sa iisang direksyon lang kami.
"Kaya ba hindi rin niya ako nakilala nung magkita kami sa palengke at hindi matandaan ang una naming pagkikita sa lawa?"
-*-
"Ano yun?!" Sabi ni Wooyang at umupo sa kama ko.
"Ang alin?" Pagod na ang boses ko.
"Bakit kasama mo ang prinsipe?" Tanong nito ulit. May mali ba kung kasama mo ang prinsipe? Pero natandaan kong nasa ibang lugar pala ako at iniisip ng lahat na merong kayong relasyon kong may kasama kang ibang tao from opposite sex. Napapikit ako.
"Wag muna ngayon, Wooyang. Pagod ako." Sabi ko at humiga na sa kama. Naramdaman ko ang paghiga niya sa tabi ko.
"Si Prinsipe Kim Min Seok. Ang pinaka malihim sa magkakapatid at misteryoso. Ang sabi sabi ay hindi siya ngumingiti dahil sa pagkamatay ng pinakamamahal niyang lola. Hindi daw siya nag salita ng ilang linggo dahil sa yumaong lola niya. Hindi naman pala totoo ang mga sabi sabi na hindi siya ngumingiti. Nakipagtawanan ka pa sakanya diba? 'Wag ka nang tumanggi nakita ko 'yun." Sabi pa nito ng makitang umiling ako. Napabuntong hininga ako. Ano pa ang purpose ng pagtanong niya kung di naman siya maniniwala. Siya na mismo ang sumagot sa sariling tanong.
"Sa pagkakaalam ko ay hindi talaga siya ngumingiti. Nakapunta na ako dito sa palasyo ng ilang beses dahil na rin sa ama ko. Nakita ko ring hindi talaga siya ngumingiti. Nakakapagtaka." Sabi ni Soohyang at tiningnan ako pataas pababa habang lumalapit. Tingnan mo 'to. Mas maganda pa siguro ang tahimik na Soohyang kesa sa chismosa. Ang issue nila.
Napatingin ako kay Hyunjung at nakitang nagsusulat siya. Siya na ba ang pumalit sa pwesto ni Soohyang at si Soohyang naman ang pumalit sa pwesto ni Hyunjung?
Napailing ako at napabuntong hininga. Pumikit nalang ako at natulog. Ang daming nangyari sa unang linggo sa palasyo.
-*-
"Gusto mo bang lumabas, Somin?"
"Somin, saan ka pupunta?"
"Pupunta ka ba sa kusina? Marunong ako magluto."
"Maglalaba ka? Marunong ako maglaba."
"Saan mo dadalhin ang panlinis, Somin? Marunong ako mag mop."
Kung kahapon parang nag switch si Hyunjung at Soohyang, ngayon naman parang kami ni Somin ang nag switch. Ako na naman ang sumusunod sakanya. Kanina ko pa siya sinusundan dahil na bobore ako. Hindi ako sanay na walang ginagawa. Like duh! Palagi kaya akong nagtatrabaho.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Somin at humarap saakin. Nag stop naman ako dahil 'dun. Ngumuso ako sakanya.
"Lady, sana ay nagpahinga nalang kayo sa inyong silid." Sabi nito saakin. Hindi ako sanay magpahinga, "Sa susunod na linggo na ang pangatlong labanan. Ano na ba ang labanan sa susunod?" Napakamot siya sa ulo at pilit na iniisip ang labanan.
"Kung kanino boto ang mamayanan." Simpleng sabi ko.
"Mag-isip na siguro kayo para makuha ang loob ng mamayanan. Ang alam ko ay maglilibot libot din ang mga prinsipe at boboto." Ngumuso ako. Napapadyak ako sa lupa at padabog na umalis. Narinig ko pa ang sigaw ni Somin sa pangalan ko.
Nakanguso akong pumunta sa garden na pinuntahan ko kahapon. Maganda kasi 'yung view dun at maraming bulaklak.Nang makarating ako ay may nakita akong pamilyar na likod. Napangiti ako.
"HYUNJUNG!" Sigaw ko at kumaway kaway. Napatingin siya sa direksyon ko at ngumiti.
Dahan dahang nawala ang ngiti ko at sinundan ng pagkabog ng dibdib ko. Isang ngiting nagpasakit sa ulo ko. Nakita ko ulit ang memorya ng lalaking mahal ni Yerin na may kahalikang babae. Ang pamilyar na mata.
Siya ba 'yun? Ikaw ba 'yun, Hyunjung?
-*-
Author's Note,
Thanks sa 900 reads, Mayas! Ang saya saya ko. Today is February 13, 2021 kaya Happy Valentines Day!
Thanks so much sa 900 reads ang 69 likes!!
Sneak Peak
"Anong nangyari? Bakit wala akong natandaan?"
"Nawalan ka ng malay, Lady."
You can reach me on:
Facebook: Patricia Xyrielle
Twitter: (@) QueenTrixia_
IG: (@) iam_mayapall
Facebook Page: Mayapall Official
Facebook Group: Mayapall (Queen_Trixia) x Mayas| Mayapall Official |
BINABASA MO ANG
Joseon's Queen
Historical Fiction"Nasaan ako?" "Lady Yerin!" "Sinong Yerin? Ang pangalan ko ay Yejin. Song. Ye. Jin!" "Hindi siya makaalala." "Lady Yejin!" "Bumalik na ba ako?" "Gusto mo bang sumali sa paligsahan?" "Opo." "Gusto kong maipagmalaki ako ng lolo ko. Gusto kong maranasa...