"Oh, I almost forgot. We'll be attending a party tonight. Let's have dinner there na lang."
Ani Rielle.
"Anong party? Kung kelan adult ka na tsaka ka nagka interest sa parties?"
Me and my friends, although we tend to enjoy life from time to time, are not that outgoing para mag attend ng parties unless if it's a close friend or relative.
"It's a banquet held by the family that owns the sub I live in."
Sabi naman niya.
"Do we need gifts to attend?" seryoso kong tanong. Ayoko namang makikain lang tapos required pala na may dala.
"You're so kawawa, banquet lang yun, pakain. Like duh it's not required to bring gifts."
"Pakain lang pala, arte arte may pa banquet pa."
Ilang minuto kaming nanihimik hanggang sa makarating na kami sa bahay ni Rielle na mukhang modern style bungalow and nasa subdivision pa at that.
"Welcome to my home. I'm actually planning to convince you all na bumili ng lot dito para naman neighbors tayo!"
Sabi ni Rielle habang nakadungaw sa bukas na bintana ng sasakyan. As if sampung piso lang ang lot dito.
"See that house?" sabi niya sabay turo sa di kalayuang bahay na mukhang nanggaling sa isang horror movie. Tumango naman ako.
"Bahay yan ng may ari nitong subdivision."
"Dyan ba yung party?" Tanong ko dahil parang walang nakatirang tao sa loob what more na kaya na party.
"Will there be bigatin guests?" Tanong ko ulit. Maybe this could be a chance to make acquaintances.
"Everyone in this subdivision will be attending, well including me I guess." Ani Rielle sabay halakhak.
"Pasok na tayo." Sabi ko na lang dahil mukhang I have to prepare pa talaga.
Rielle's house was totally not middle class, mukha na siyang mall sa dami ng ilaw at centralized air conditioning. Even so, I was in awe. I have seen one too many houses like this when I was in states, pero this is the first time I will get to stay in one. Even the room I'm staying looks like a hotel room. This is not new, but for Rielle to have this kind of luxury, let's say I never expected it to happen this soon.
Nagsisimula na din akong maniwala sa telltale ni Rielle patungkol sa biological parents niya.
_____
Suot ang itim na long dress na nabili ko sa isang thrift shop sa states, lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa salas. Nakita ko si Rielle na suot ang isang hot pink Bardot dress. Para na sana siyang prinsesa kaso nga yung mukha niya lang ang sagabal.
"Great your ready, let's go." Ani Rielle at kami nga ay pumunta na sa bahay ng may ari ng subdivision sakay pa ng kotse, kung di lang kami naka gown ay malamang naglakad na lang ako papunta doon.
Nang makarating kami ay napakadami na ng bisita. Pero sa kabila nito ay puro mahihinang boses lamang ang maririnig.
"I will never get used to sosyal parties." Narinig kong sabi ni Rielle.
"Rielle? Is that you?" Tawag na isang lalaking di katandaan. Mukhang ito na ang sinasabi ni Rielle na may ari ng subdivision. Base sa features nito ay mukha itong European.
Naglakad naman kami patungo sa middle-aged man at sinalubong niya si Rielle ng mahigpit na yakap.
"Thank you for coming my daughter." Sambit nito. Teka lang, daughter? Tama ba ako ng dinig?

BINABASA MO ANG
Star
Mistero / ThrillerBook One of Shapes In Shambles Zaphhira is a hardworking girl who's will power and personality brought her to all the successes she had in life. With the drive to become a renowned lawyer in her country, she is determined to step even on thorny pat...