Prologue

121 15 4
                                    

It's Valentine's day and everyone is wearing a red t-shirt and a pair of black jeans. Sa araw na ito, may color coding ang campus namin.

Black- broken hearted

Green- Bitter

Red- In a relationsh1t

Blue- Single and ready to mingle

Maroon- Friend Zone

Purple- Complicated

Yellow- Niloko

Orange- Flirting

Stripe- May kabit

White- Ghinost

Brown- Medyo

Gray- Admiring him/her secretly

Habang ako? Ang damit ko lang naman ay color gray which means admiring him secretly. Mabilis akong naglakad papasok sa classroom dahil may surprise pa kaming gagawin para sa aming propesor.

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang yapag ng isa sa mga grupo ng heartthrob sa aming campus. Papalapit sila sa akin. Agad akong napatigil sa kinatatayuan ko at tinitigan sila.

"Goodmorning!" ngiting-ngiti na bati ni Luck sa akin. May dala itong rosas na alam kong para sa akin. Siya ang leader sa grupo na ito at talagang kinababaliwan siya ng buong campus namin. Dadaan palang ito sa mga babae ay halos macollapse na ang mga ito, tss.

"You're wasting my time, fuck off." agad ko siyang tinalikuran at alam kong pinagbubulungan na naman ako ng mga babae sa gilid-gilid. Damn, pasubo ko sa inyo 'yong rosas na dala niya, eh.

"Oh c'mon," napatigil ulit ako sa paglalakad nang harangin ulit nila ako.

Tinitigan ko sila isa-isa. Nasa pito silang lahat at mukha talaga silang unggoy para sa'kin.

"What?"

"Stop it, Luck. Kahit sobrang type nating pito 'yan, walang papasa dyan" rinig kong bulong ni Atif, isa rin siya sa mga inayawan ko.

Tss, syempre talagang masasabi niya 'yon dahil bawat taon, magmula nang lumipat ako dito isa-isa nila akong binibigyan ng rosas kada Valentine's day at ang ending? Minsan kinukuha ko at binibigay sa mga may gusto sa kanila at minsan, pinaghahampas ko sa kanila.

"I know but look at her..." binasa niya ang mapulang labi at tinitigan ako sa mata. "She is perfect"

Naririnig ko palang na sinasabi niya ito sa akin ay gusto ko nalang masuka.

"Perfect mo mukha mo, ulol!" agad kong kinuha ang rosas at binato sa mga babaeng nagbubulongan.

"Yan! Saksak niyo yan sa lalamunan niyo para tumigil 'yang bunganga niyo" humalakhak ako sabay tapik sa balikat ni Luck na parang hindi na bago sakaniya ang ginawa ko.

"Ms, Rainstorm!"

Agad kong hinarap ang boses ng babaeng tumawag sa akin. Siya si Ishna, my friend.

Hinintay ko siya habang tumatakbo papunta sa akin.

"Our plans ha" saad niya at saka ako nginitian.

Napangiti naman ako na parang baliw. Pupuntahan kasi namin ang the one and only my love na nagtratrabaho sa isang market malapit sa paaralan namin. Ewan ko, he is my type. Kamukha niya kasi ang isa sa mga korean actor na iniidolo ko, eh. I feel my cheeks burning habang naiimagine ang mukha nito, napapikit ako at binasa ang labi. Lagi mo talaga akong binabaliw, little noodles!

Hindi ito ang pangalan niya pero ginawan ko siya ng nickname at little noodles ang naisip ko. Wala lang, trip ko lang.

Matapos ang lahat-lahat na surpresa namin sa loob ng silid aralan ay napag-isipan na naming pumunta sa supermarket. Mabuti na lamang at hindi ko na nakita ang mga grupo ni Lucky. Mabuti nga sakanila, natauhan.

Agad kaming pumasok sa loob nang marating namin ang supermarket. Diretso lang ang tingin ko habang ang mga ibang nagtratrabaho ay napapatingin sa amin. Of course, ubod kami ng ganda.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang papasok kami sa loob dahil nararamdaman ko na naman ang presensya niya. He is fucking staring at me! Chill ka lang. Danesha fvcking Rainstorm.

Nang makalagpas kami sa kaniya agad naming tinahak ang isa sa mga lane ng supermarket at agad na nilapitan ako ng mga kaibigan ko.

"Fuck you, Danesha! Andun siya!" kinikilig na saad Ishna.

Naramdaman ko naman ang paghawak ng mahigpit sa'kin ni Blyth na halatang nanggigigil sa nakita. "And yes! he is staring at you, girl! Fvck it. Bakit ba ako ang nakikilig dito" Sunod-sunod na saad ni Blyth

"Asshole! Bakit ba tayo ang kinikilig. Look at Danesha's face" Ichi laugh out loud.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko si Blyth at Ishna na tumingin sa mukha ko at agad rin silang natawa. Hindi ko alam pero hindi ako makaimik. Everytime na nararamdaman ko siya, gusto kong magwala sa kilig at tuwa pero ang tanging nagagawa ko lang ay tumahimik na parang hindi ito nakikita. I am ignoring him and I don't want to let him know that I absolutely fancy him! Oh God, i'm dying and i'm already melting

"Your face! Sobrang pula!" Nagtawanan na naman silang tatlo. I know, I know. Straight lamang ako maglakad pero alam kong kinakabahan na ako at kinikilig. Ang init-init na ng mukha ko.

Actually, hindi naman kami pumapasok dito para bumili, pumapasok kami dito para makita ko siya at g na g naman ang mga kaibigan ko.

Pero syempre, bumibili na rin kami kahit hindi namin gustong kainin o kailangan kumbaga ginagawa namin itong excuse para lang makapasok, makapunta at our final goal is to see him.

Nang makakuha na sila ng junkfoods na meron naman sa loob ng campus namin ay pumunta na kami sa cashier and he is there. May tatlong taong nasa pila at pang-apat kami. Fvck, malapit na kami. I gave him a sideway glance. Seryoso siyang nag-aayos ng mga pinamili ng lalake. Sobrang inosente ng mukha niya, damn it. Hindi ako deserve ng lalaking ito.

His kissable lips grab my attention. Nakatulala lamang ako sa mukha niya habang abala siya sa pag-ayos. Napatingin naman ako sa tatlo, they're smiling. Halatang nang-iinsulto dahil sa pagtitig ko sa lalaking gusto ko.

Chill, Danesha Rainstorm. Ayos lang magkalapit kayo, wag kang mapraning. Nasa harapan ko na siya habang inaayos na ang mga pinamili namin. Sobrang dami ng dinagdag ni Ishna na junkfoods para raw mapatagal ang pag-stay namin sa cashier kung saan dito siya naka-assign ngayon.

Tahimik lamang kami habang pilit kong wag tumitig sakaniya. Habang nasa kalagitnaan kami ng paghihintay, It was Ishna who broke the silence.

"Kuya, ano raw pangalan mo?" Ishna said proudly.

Shit...

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon