Chapter 8

10 5 1
                                    


Nasa loob kami ng klase ngayon at napansin kong wala si Tazler. Wala rin ang propesor namin kaya magulo sa loob.

"Hindi kaya siya papasok?" tanong ko sa sarili.

Napakamot na lamang ako sa ulo at tumingin sa pintuan baka sakaling dumating siya. Habang tahimik akong naghihintay sa pintuan ay unti-unti akong napapangiti. Sino ba naman ang hindi mapapangiti kung naiimagine mo ang itsura ng ginugusto mo.

"Stop smiling stupid creature!" ginulo ni Pour ang ulo ko at tumabi sa akin.

Pour is my boy best friend at pumupunta siya sa loob ng classroom namin kung wala kaming propesor.

Umirap ako sakaniya. "Epal, wag mong guluhin ang buhok ko!" saad ko habang sinusuklay ng daliri ko ang nagulong parte ng buhok ko.

"Ang dugyot mo lang tignan dati pero ngayon nag aayos kana ah," nakangiting saad ni Pour sa akin. Halatang nang iinsulto ang unggoy.

"Malinis naman ako dati pa," saad ko habang nag aaktong pinupunasan ang mga invisible na dumi sa balat ko.

"Eww," maarteng kumento ni Pour sa sinabi ko.

Eh, totoo naman. Siya nga 'tong dugyot tignan noon. Halos mahulog pa sa kanal sa katangahan. Ang baho tuloy niya sabi pa ni aling Marites.

Natawa ako sa naalala. Natigilan naman si Pour at napatingin sa akin.

"Hala siya, natutuluyan na nga," umakto pa itong parang natatakot sa gawi ko. "Tama nga 'yung sinabi ni aling Marites dati na may kunti-kunti ka," napapatakip na siya ng bunganga ngayon at nanlalaki na ang mata niya na parang hindi makapaniwalang totoo pala ang sinasabi ni aling Marites sakaniya

Kung anu-ano naman ang sinsabi ni aling Marites. Chismosa taga yun.

"Baliw hindi," humagikhik ako. "Naalala ko lang na nahulog ka dati sa kanal tas sabi ni aling Marites na ang dugyot mong bata," napahalakhak ako ng malakas sa sinabi ko sakaniya.

Napapalakpak pa ako sa tawa ng sabihin ko ito sakaniya habang siya ay seryosong nakatingin sa akin. Alam kong naaasar na ito sa sinabi ko. Tumigil ako para sumeryoso ngunit napahalakhak ulit ako ng makita ko ang mukha nitong seryoso.

"M-mukha kang unggoy na dugyot," tawa ko ulit.

"Balakangajan" mabilis siyang tumayo at sinamaan ako ng tingin.

"May araw ka din sa akin!" tinutok niya pa sa akin ang dalawang daliri niya na parang may atraso akong dapat kong pagbayaran.

"Dugyot na gorilla," sigaw ko ngunit bago pa siya mapahiya ay naka-karipas na ito ng takbo.

Napahawak na lamang ako sa bibig dahil sa tawang hindi mapigilan. Grabe talaga si Pour noong bata kami. Halos layuan siya sa sobrang dumi at madaming bumibilib sa akin dahil nakakatiis ako sakaniya. Ang hindi nila alam, dugyot din ako katulad niya.

"Why are you laughing?" nakakunot noo na tanong sa akin ni Ichi.

Kadarating lamang nila galing cafeteria at hindi ako sumama. Siguro ay nakita nila si prof na paparating kaya kumaripas na sila ng takbo dito.

"Wala, wala," saad ko at inayos ang sarili.

"Nandyan na si prof," saad ni Ishna.

Tama nga ako, kumaripas sila ng takbo dito dahil nakita nilang paparating na ang propesor. Mabuti na lamang at hindi ako sumama dahil nahihirapan akong kumaripas ng takbo. Medyo chubby kasi ako. Chubby but hot as hell.

"Goodmorning," bati ng propesor sa aming lahat.

Ang kaninang magulo ay naging maayos at ang kaninang parang sa palengke ang ingay ay naging tahimik. Lahat ay abala sa pagbubuklat ng kanilang notes habang ako ay nakatingin ng matiim sa propesor namin.

"Is there something wrong, Danesha?" sinalubong ng propesor namin ang tingin ko. Agad naman akong umiwas ng tingin.

"Wala po prof," mabilis kong sagot.

"Tazler is not here."

Walang imik ang mga kaklase ko sa sinabi ng propesor. Habang ako ay napatulala. Bakit wala siya? Nasaan ang asawa ko? Bakit hindi siya pumasok? May iba na ba? Ayaw niya na ba sa akin?

"You can go to his house, Danesha." nanlaki ang mata ko sa biglaang sinabi ng propesor namin.

Lahat ay napalingon sa gawi ko. Matatalas na tingin ang natanggap ko sa mga babaeng kaklase namin. O ano? Bakit? Bawal ko bang puntahan ang bahay ng asawa ko na soon to be bahay ko na rin? Tinaasan ko sila ng kilay para tarayan sila, mga kuto.

"P-para saan prof?" pagkukunwari ko.

"Gusto mo ng grado o hindi?"

"Joke lang prof, opo, pupuntahan ko po siya sa bahay niya." agad na sagot ko.

Kinagat ko ang labi dahil mali palang magkunwari pa ako.

----

"Tanga! halata namang gustong-gusto mo ang sinabi ni prof!" saad ni Ichi habang papauwi kami.

"Syempre, ako pa ba!" saad ko.

"Gahasin ko na ba siya mamaya mga pre?" binatukan ako ni Ishna sa sinabi ko.

"Kadiri," kumento naman ni Blyth sa sinabi ko.

Apat kami ngayong naglalakad papauwi. Naisipan kasi naming maglakad na lang para makapagkwentuhan pa besides mabilis naman kaming pinauwi ng propesor nanin.

"Igapos mo agad," sabi naman ni Ishna. Agad ko siyang tinignan ng masama dahil binatukan niya pa ako kanina eh makikisali rin pala siya sa sinabi ko.

"Pero bakit kaya siya wala 'no?" pag-iiba ko ng topic

"Miss mo?"

"Syempre! asawa ko yun eh," I giggled.

"In your dreams," biglang sabat ni Ichi.

Umirap na lamang ako. Tignan lang nila kung paano ang galawan ng isang Danesha.

"Wait lang kayo. Baka mauna pa akong makahanap ng ka-forever ko" mayabang na saad ko.

"Forever amp," saad naman ni Blyth

"Buti pa ako magmamadre nalang," singit naman ni Ichi

"Ako din," sabat naman ni Ishna.

"Anong madre? lima-lima lalake mo tanga!" realtalk ni Blyth sakaniya.

Natawa naman kaming lahat sa asaran na naganap habang naglalakad kami. Nang makarating ako sa bahay ko ay kinapa ko sa bulsa ang adress na binigay sa akin ni prof.

Bigla akong nataranta ng wala akong makapa sa bulsa ng skirt ko.

Dead...

Tazler's POV

"Mom, help him!" madiing saad ko sa harap ni mom.

Umiling siya. Kanina pa kami nagtatalo dito kung bakit hindi matulungan ni mom ang isang kompanyang palugi na.

"Why? dahil ba sa babaeng iyon?" natigilan ako dahil sa sinabi ni mom.

"W-what are you saying, mom?" umupo ako sa sofa at hinilamos ang mukha. I'm getting crazier here.

"Kung hindi siya, bakit mo ako pinipilit?"

Hindi na ako sumagot pa sa tanong ni mom. Padabog kong sinara ang office niya dahil sa inis. Hindi ko na alam ang gagawin ko para matulungan ang matandang iyon. Nakakabaliw.

Dad:
Hey, pupunta siya ngayon dyan.

Napatigil ako sa nabasa ko. Pupunta siya dito?

Dad:
Hayaan mo muna ang mom mo. Nagsusumbong siya sa akin ngayon. Nasa side mo ako, don't worry

Napailing na lamang ako sa nabasa.
Kung gaano katigas ang ina ko, ganoon din katigas pumanig ang ama ko.

Nice one, dad. You're the best!

Feel free to comment your feedbacks! and enjoy reading my killa's!

-kofi-killa

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon