Halos mapahawak ako sa sakit ng tiyan ko dahil sa kakatawa sa kwinento ni Danesha tungkol sa sugar daddy na nakachat niya. Damn, wala siyang kaalam-alam na bago kami sumunod kanina kina Luck ay sinulat namin ang phone number at facebook account niya do'n sa lalaking gusto niya at tinanggap naman ito ni... Sino nga ulit yon? Ah! Si Tazler!
Tinanggap 'yon ni Tazler at saka ngumiti sa aming tatlo, unexpected na kukunin niya 'yon dahil napaka suplado ni Tazler sa amin. Isama pa ang sinabi niyang "Mag-aral muna kami dahil bata pa raw kami" lol.
"Ano bang meron?" nagtatakang tanong ni Danesha sa akin ngunit hindi ko talaga mapigilang matawa kaya hindi ko na lamang siya pinansin.
"Suggar daddy your ass! Ta--" napatigil ako sa pagbanggit sa pangalan ni Tazler nang marealize na kasama ko pa pala si Danesha dito. Buti nalang hindi ko natuloy! Sht.
"Sugar daddy pala Tazler ha" bulong ko sa sarili.
"Ha?" baling naman sa akin ni Danesha.
"Wala!" saad ko habang pinipigilan ang tawa.
Bakit ba kasi sugar daddy pa! Pwede namang hot daddy nalang Tazler! Jusko, papatayin mo ako sa tawa, yawa.
Seryoso na ngayong nanonood si Danesha sa pinapanood naming horror. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ni Tazler at naisipan niya pang maging sugar daddy ni Danesha.
Feeling ko talaga, si Tazler ang lalaking 'yon! Hindi ako maaaring magkamali.
Danesha's POV
"Bitch, wake up" yugyog sa akin ni Blythe. Napatakip ako ng mukha dahil sa biglaang pagbukas ni Blythe sa napaka-bigat at napaka-habang kurtina niya.
Hindi ko namalayang dito na pala ako nakatulog sa bahay ni Blythe at hanggang ngayon ay naka uniform parin ako.
"Where's Danesha?" rinig ko ang boses ni Ishna sa telepono ni Blythe. Binato naman sa akin ni Blythe ang cellphone niya saka ko ito nilagay sa tenga.
"Oh?"
"Bitch, they need you here. Please come over." agad naman akong napabangon saka tinignan ang relo ko.
Fvck! Nakalimutan kong may meeting pala kaming mga SSG ngayon.
"Blythe! hihiram ako ng uniform mo!" sigaw ko.
Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil kailangan ko nang magmadali. Agad kong tinahak ang closet niya at doon humalungkat ako ng uniform niya.
Pagkalabas ko ay nakita ko si Blythe na kakatapos lang maligo
"Hindi kana maliligo?" tanong niya sa akin habang siya naman ang papasok sa closet niya.
"Hindi na gago! kailangan ako sa SSG, mauuna na ako" saad ko saka ko hinatak ang blazer niyang nakasampay.
---
"Danesha!" nanlaki ang mata ko kay Ichi habang gumagapang ako papalapit sa kaniya.
Talagang nagsisimula na ang meeting. Hindi dapat ako mahuli ng president namin.
"Wait!" pabulong na sigaw ko kay Ichi. Kasama ko sa SSG si Ichi pero hindi ko alam kung bakit ba ako pumayag na sumali dito.
"Ahem!" napatigil ako sa paggapang nang makarinig ako ng boses sa likuran ko. Agad kong nilingon ang sapatos nito saka ako napatayo. This is our president, I swear! Hindi ko siya tignignan, tutal close naman kami, okay lang yan. Ngumiti ako at saka napakamot sa ulo. Kunware nahihiya ako.
"What are you doing?" agad akong napatingin sa mukha niya nang marinig ko ang pamilyar na boses.
"E-eh!?" gulat na gulat na saad ko.
Sa halip na magmukha akong kaawa-awa, ang naging reaksyon ko pa ay parang nakakita ng multo.
"Eh?" taas kilay niyang saad. Yumuko siya sa pagkakatayo para magharap kami ng seryoso niyang mukha. Seryoso ito habang ang mga labi niya ay hindi ko mapigilang titigan.
Kinurot ko ang sarili. Umayos ka Danesha! Hindi ito ang tamang oras para maging uhaw sakaniya.
Lumapit pa ito na ikina atras ng mukha ko. What are you doing baby? Are you trying to flirt with me?
Hindi ko alam ang dahilan pero bigla itong humalakhak saka namulsa. Humalakhak rin ako saka tumuwid ng tayo.
Napatigil ako sa paghalakhak nang sumeryoso bigla ang mukha niya.
"Okay, the meeting is over. You can go back to your class now" maawtoridad na saad niya.
Nanatili akong nakatayo sa harap ni Tazler habang pinapanood ang paglabas ng mga ka-SSG namin.
"Halika na" tinahak ako papalabas ni Ichi kaya nagpatianod nalang ako sakaniya.
"Except you, Ms. Rainstorm" agad kaming natigil sa paghakbang ni Ichi nang marinig ko ang malamig na boses niya.
"Bakit?" bulong ko. Kunot noo kong hinarap si Ichi
"Hindi ko alam!" bulong niya pabalik.
"Mauna na'ko ha? Godbless" dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya at saka ito nag peace sign sa akin.
"I'm sorry but I have to go" pilit siyang ngumiti bago niya ako tuluyang iwan sa harap ng SSG office.
Bumuntong hininga na lamang ako bago pumasok sa loob.
Pagpasok ko ay wala ng tao. Wala na ang president namin. Pinagloloko niya ba ako? Agad akong umupo sa sofa at nanatiling nakatulala. Hays, gusto ko pa matulog p-pero...
"Pano siya naging estudyante?" tanong ko sa sarili.
"I think you have a crush on me" bigla akong napatingin sa pintuang bumukas.
"What!?" napatayo ako sa sinabi nito.
Hindi ako makapaniwalang ganito ang ibubungad niya sa akin matapos ko siyang makita bilang isang trabahador at ngayon naman ay bilang isang mag-aaral sa paaralan namin at nakuha niya pang maging presidente. Aba'y kakaiba nga naman talaga ang lalaking 'to, jusko po.
"Stop staring at me. Baka matunaw ka" he chuckled.
You're right, baka matunaw nga talaga ako but I think i'm already melting.
"Stop talking nonsense, Tazler" pagkukunwari ko.
Hindi ako makapaniwalang nasasagot ko ng ganito ang lalaking gustong-gusto ko. Deep inside, kabang-kaba ako at gusto ko nalang sumabog sa hiya. Naaalala ko kasi ang pag-amin ko sakaniya at binasted niya ako. Binasted ako.
"Oh..." 'yan lamang ang nasagot niya sa sinabi ko.
"Bakit parang nag-iiba na ngayon ang ihip ng hangin?" tumaas ang kilay ko sa sinabi niyang ito.
"Ano bang shabu mo? Bakit ang taas naman ng imagination mong magkagusto ako sayo"
"Oh..." sagot niya ulit sa sinabi ko.
Humalakhak siya ng marahan.
"Nakalimutan mo na ba ang nangyare sa supermarket baby girl?"
"Kuya, ano raw pangalan mo"
"Mag-aral muna kayo, bata pa kayo"
Napapikit ako sa mga naaalala ko, palpak.
"See? Tanda mo diba?" I smiled.
"Yes but..."
"But?"
"but I realize that--" I paused, trying to see his reaction "that my taste lately is really bad."
Wala siyang naging reaksyon sa sinabi ko. Tumango lamang siya.
"Okay, you may go now. Nice meeting you" malamig na saad niya saka agad na tinalikuran ako.
Sorry, my love, joke lang yun
Gustong-gusto kaya kita. Mamatay man si satanas, damn.
BINABASA MO ANG
Unrequited Love
Non-FictionNaranasan mo na bang magka-gusto? Yung tipong kahit ayaw sayo, gusto mo pa rin siya? Yung bang hanggang tingin ka nalang sakaniya Hinihiling na balang araw ay masusungkit mo rin siya Naranasan mo na ba iyon? Dahil ako, oo. Oo, dahil ito lagi ang pin...