"No, Danesha is for Luck at bawal ka ma-in love sakaniya," seryosong saad ni Hell.
Hindi ako umimik. Wala naman talaga akong balak sa babaeng 'yon. Napapatingin lang ako kapag pumupunta sila sa supermarket pero never napasok sa utak ko ang magkaroon kami ng relasyon.
"Bakit naman hindi?" tanong ni Riel. Kita sa mukha niya ang kalituhan sa pagbabanta ni Hell sa akin.
Ang kaninang puno ng tawanan sa loob ng bahay ay biglang naging seryoso.
"Wala! kalalaki mong tao chismoso ka," singhal ni Hell kay Riel.
"Alam mo namang may pagka lukaret ako baby," tonong babaeng saad ni Riel.
"Eww," tinulak agad ni Hell si Riel na ikinatawa niya.
"Kadiri ka din! Pangit mo kaya," lumipat si Riel ng upuan at lumayo kay Hell.
Pagkatapos no'n ay hindi na sila nagpansinan. Bigla nalang din pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Danesha.
"My taste lately is really bad"
Kinagat ko ang labi sa naalala. Bakit ba kita naiisip, lagi nalang umuulit ang salitang iyon sa akin. Naaapektuhan ba ako? Tsk! bahala na nga, hindi naman siguro. Bawal.
Blythe's POV
"Stupid motherfucker," umagang-umaga ay napapamura ako dahil sa lalaking ka-partner ko. Kanina pa kasi wala ito at kailangan pa namin magpractice para sa darating na event.
"Fred, wala pa ba si Cameron?" tanong ko ng makita ko ang isa sa mga kaibigan ni Cameron.
Isa siya sa mga nagmomodel din dito.
"Umalis na siya," napaawang ang bibig ko sa sagot ni Fred.
"Huh?" naguguluhan kong tanong. Hindi pwedeng umalis siya. I need him, bakit naman ang malas!
"Oo but don't worry. May kapalit na siya and he knows what to do," pagpapakalma sa akin ni Fred. I sighed. Tumango na lamang ako at umupo sa gilid.
To Danesha:
Hoy, alam mo ba ang tanga ng ka-partner ko - Seen√From Danesha:
HAHAHAHAHAHAHAHAHA ano? umagang-umaga ang init ng ulo. Ganyan ba napapala ng makita ang ginugustong pag mamay-ari na ng iba? HAHAHHAHA ouch pain pighati, lumbay, sakit, kirot, hinagpis, pagtangis.Natawa ako sa reply niya. Kahit kelan talaga ang babaeng 'to! Napatigil ako sa pag ngiti ng may tumawag ng pangalan ko.
"Blyth," napataas ako ng tingin kay Fred na nasa harapan ko. "Nandyan na siya," tumango ako.
Agad kong pinatay ang cellphone saka sumunod kay Fred.
Habang naglalakad kami ay nakita ko ang kumpulan ng mga kasama kong nagmomodel sa entrance gate ng lugar na ito.
"What is happening?" tanong ko habang naglalakad pa rin kami. Saan ba kami pupunta?
Tumaas lamang ang kilay ni Fred at ngumiti sa akin. Hindi ko man alam ang nangyayare ay basta na lamang din ako sumunod kay Fred.
"Ladies!" naagaw ng pansin nila ang mataray na sigaw ni Fred sa kanilang likuran.
Lahat ay napatingin sa amin habang ako ay napayuko. Nakakahiya.
Kita ko naman ang pag gilid ng mga kasama kong nagmomodel na para bang binibigyan nila kami ng madadaanan at sa mismong gitna pa. Matangkad si Fred at nasa likuran niya ako kaya hindi ko masyadong makita kung ano ang nangyayare.
"Oh, Hi!" rinig ko ang sigla sa boses ni Fred. Sino ba ang kinakausap niya?
Pinilit kong tumingkayad para sumilip pero wala pa rin akong makita. Tanging mga paa lang nila ang nakikita ko. Grabe talaga kapag maliit.
BINABASA MO ANG
Unrequited Love
No FicciónNaranasan mo na bang magka-gusto? Yung tipong kahit ayaw sayo, gusto mo pa rin siya? Yung bang hanggang tingin ka nalang sakaniya Hinihiling na balang araw ay masusungkit mo rin siya Naranasan mo na ba iyon? Dahil ako, oo. Oo, dahil ito lagi ang pin...