Hinatak niya ako papaalis sa madilim na lugar na ito. Ilang saglit ay tumambad sa akin ang kulay itim na silid. Napayakap ako sa sarili ng maramdaman ko ang kakaibang hangin na bumabalot sa pagkatao ko.
Tumingin ako sa pinanggalingan namin kanina. Parang secret door, ang galing.
"Nasaan tayo?" inilibot ko ang mata. Walang gaanong gamit ang narito ngunit madaming mga gitara.
Hindi niya ako pinansin. Umupo siya sa sofa at hinawakan niya ang labi niya.
"Halla!" nanlaki ang mata ko sa naalala. Unti-unti akong napaatras at hinawakan din ang sarili kong labi.
M-may labi pa ba ako!? H-hinalikan niya ako 'di ba? Pumikit ako. Ramdam ko ang kaba sa aking dibdib dahil hindi na virgin ang lips ko.
"Hindi ko alam na lasang kape pala ang labi mo," he bit his lips and stared at me.
Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang sinabi niyang ito.
"Manyak!" agad na saad ko. He smirked. I rolled my eyes.
"Manyak? Tumugon ka nga," he chuckled.
"Do you like me or not?" nabigla ako sa tanong niya.
Hinawakan niya ang kwelyo at pinaluwagan ito. Tumayo siya sa pagkakaupo.
Nakatitig lamang ako sakaniya. Tinitignan kung ano ang susunod na gagawin niya. Papunta siya sa akin at ako naman ay napapaatras.
"Answer." lumunok ako. Napatingin ako sa likod ko ng wala na akong maatrasan.
"Yes or no?" ngayon ay nasa harapan ko na siya. Yumuko siya at sinalubong ang mga mata ko. Kitang-kita ko ang makislap ng kaniyang mga mata.
"What if I said yes?" tanong ko. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko siya matitigan ng mabuti. Nahihiya ako.
Hinawakan niya ang ulo ko at hinarap sa kaniya.
"Answer my question, honey." napapaos na saad niya.
Bakit niya ako tinatawag na honey?
Binuking na ako dati ni Ishna. Imposibleng makakagawa pa ako ng palusot dito.
"Sir, someone is calling you," sabay kaming napalingon sa babaeng nagsalita.
Pinakawalan ko naman ang kanina ko pa pinipigilang hininga ng bitawan niya ang ulo ko.
At bago siya maglakad papalayo ay narinig ko ang binulong niya.
"You're blushing," he whispered.
Mariin akong napayapos sa aking katawan ng maramdaman ulit ang kakaibang hangin na bumabalot sa pagkatao ko.
Nang tuluyan na siyang nakalabas ay agad akong napatakbo sa salamin. Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi ko at doon ko naramdaman na sobrang init ng pisngi ko.
"I'm blushing," napapikit ako at pinaypayan ang sarili.
Dahil sa init na nararamdaman ko ay kinuha ko na lamang ang bag ko at umalis. I need to go home.
----
"Uhh, Blyth! Hinalikan niya ako!" tumili-tili ako sa kilig.
"Pero syempre, kunwari ayoko ang ginawa niya," nilagay ko ang ilang hibla ng buhok ko sa gilid ng aking tenga.
Pinapunta ko si Blyth sa bahay habang nasa sasakyan ako at pagkarating ko ay nandito na rin siya.
Nasa kusina kami ngayon at ipinagluluto niya ako. Hindi pa kasi ako kumakain. Hindi rin naman ako marunong magluto.
BINABASA MO ANG
Unrequited Love
NonfiksiNaranasan mo na bang magka-gusto? Yung tipong kahit ayaw sayo, gusto mo pa rin siya? Yung bang hanggang tingin ka nalang sakaniya Hinihiling na balang araw ay masusungkit mo rin siya Naranasan mo na ba iyon? Dahil ako, oo. Oo, dahil ito lagi ang pin...