Chapter 1

60 7 4
                                    


My jaw dropped and my world suddenly stopped. Parang gusto ko nalang mawala sa nakakabinging sinabi ni Ishna. Patuloy lamang siya sa pag-ayos na parang wala lang ito sakaniya. Wow! Sanay na sanay ba siya sa ganito? Halos mapayuko ako sa sinabing 'yon ni Ishna. Nakakahiya, fvck! Kita ko rin ang pag-agaw ng pansin sa ibang trabahador dito. Nakatingin na silang lahat sa amin!

Lahat kami ay nabigla, maski si Blyth at Ichi ay hindi makapag-salita. Hindi ko ito inaakala. Parang nawalan nalang din ako ng pakiramdam sa sinabi ni Ishna.

At ilang sandali lamang ay sumagot na ito....

Ang sagot na ayaw kong marinig sa buong buhay ko.

At ang sagot na hindi ko inaakala...

"Bata pa kayo, mag-aral muna kayo" he said seriously.

Nakatingin lamang ako sa labi nito habang binabanggit ang mga katagang ito. He is so perfect. Sobrang perpekto rin ng kaniyang mga matang medyo singkit.

Alam kong ayaw kong marinig ang sagot niya pero habang nagsasalita ito, hindi ko makuhang ihiwalay ang mata ko sa mukha niya. Nakagat ko ang labi at tumingin kay Ishna na tawang-tawa. Fvck, nakakahiya ka.

Sa kabila ng sinabing iyon ni Ishna, nagbabakasakali parin akong maganda ang sagot niya, ngunit hindi at tanggap ko iyon. Dahil kahit anong sagot niya, gusto ko parin siya. Gustong-gusto ko talaga siya at masayo ako kahit na sobrang nakakahiya.

Ngayon ko lang siya nakita ng ganito, sobrang lapit at sobrang linaw. Every details of his face ay parang namememorize ko na. His dark thick eyebrows were shaped into a deceivingly perfect arch that followed his dark eyes. His sharp nose are perfectly fit in his thin lips that shaped like a heart.

"Hi, ladies. Let me help you" agad akong napaangat ng mukha sa narinig kong boses.

Nanlaki ang mata ko nang makitang nasa likod namin sila Luck! Narinig niya rin ba ang nakakahiyang sinabi ni Ishna? Oh God, please no. It can't be.

Kinuha niya ang kamay ko at saka matiim na tumingin sa nanakit ng puso ko. Ang nag-iisang ginugusto ko. Kita ko naman ang pagtingin ni little noodles sa paghawak niya sa akin ng kamay.

"Busted ka kaagad, Ichi" napatingin ako kay Ichi nang sabihin iyon ni Luck.

Si Ichi naman ay pilit na ngumiti at napakamot sa ulo. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Luck sa akin habang ang isang kamay niya ay nasa bulsa niya. He seems so calm but deep down I can feel the anger in between.

"Nice sh1t, Tazler Riverdezor" diniinan niya ang pagbanggit sa pangalan ng sinasabihan niya. Sino? si little noodles? pangalan ni little noodles ay Tazler? Tazler Riverdezor?

"See? she's not yours, loser" Tazler's voice is cold and lifeless.

Umigting ang panga ni Luck saka niya ako kinaladkad papalabas. Ayaw ko man siyang kasabay ay agad naman akong sumunod sakaniya. Hindi ko aakalaing pinapalibutan ako ng mga unggoy na ito palabas ng supermarket. Pasilip-silip ako sa likod dahil hindi ko alam kung sumunod ba ang mga kaibigan ko o pati sila ay hindi makapaniwala.

"Don't worry, nasa likod sila" tinignan ko si Luck na seryosong tinatahak ang palabas.

Ang ibang trabahador ay nakatingin sa amin at ang mga babae naman ay halos malaglag ang panga sa lalaking sumulpot sa ginawang kahihiyan ni Ishna.

Hindi ko sila masisisi, talagang may itsura si Luck pero ang mga gantong itsura ay itsura na pang hayop lang para sa akin.

"Let me go," saad ko nang makalabas na kami. Pinakawalan niya naman ang kamay ko at naiinis na ginulo ang buhok niya.

"What the hell are you fvcking doing?" seryoso niyang tanong sa akin na parang gusto na niya akong itapon papuntang Mars.

"Pwede ba?" inis kong sagot.

"Pwede bang ano? Pabayaan kitang mapahiya do'n?" he answered immediately. Natahimik ako sa sinabi niya.

Tama nga siya, bakit ba ako nagrereklamo? Siya ang lumigtas sa akin sa kahihiyan. Umiling ako, hindi! hindi ko parin tatanggapin ang mga ginagawa niya sakin. Isang kalokohan lamang 'yon.

"Danesha, can you fvcking forgive me?" magkasalubong na kilay ang hinarap niya sa akin pagkatapos niyang hilamusin ang mukha niya sa inis.

Para saan? The game is over and were done.

"Hi! andito pa kami" Blyth said waving her hand.

Sabay naman kaming napalingon kina Blyth dahilan kung bakit kami kumalma. Dahil sa nangyare ay nakalimutan naming meron pala kaming kasama.

"Move on kana, BITCH!" malakas ang pagkakasabi ni Atif ng 'bitch' kay Luck na ikinatawa nila Ishna. Gusto ko rin sanang matawa pero kailangan kong pigilan. Hindi magandang matawa sa ganitong sitwasyon, dodoble lang ang inis ni Luck kapag ginawa ko 'yon.

"Tabi! Nahahaggard ako sa away" He flip his hair at saka dumaan sa gitna namin dahilan kung bakit kami dumistansya sa isa't-isa.

"Danesha, please be careful. Don't ruin your life," he paused. Halatang pinapangaralan ako sa nasaksihan nila. "Ayokong nahahaggard, mawawalan ako ng source of answers" he added saka kinaladkad si Luck paalis. Kumaway si Atif bago sila tuluyang pumasok sa kararating na kotse.

Napailing na lamang ako sa huling sinabi ni Atif.

"Amazing boys, ngayon ko lang sila nakitang sumakay sa iisang kotse ha" naniningkit ang mata ni Ichi sa nakikita niya.

Umiling na lamang ako nang biglang may bumulwak sa kotse ni Atif, paisa-isa. As usual, ang anim ay napalayas sa kotse ni Atif at ilang saglit ay nandyan na ang mga kotse nilang anim, magkakasunod na anim ang dumating na akala mo papansin pero ganyan talaga silang magtrotropa. Normal na iyon sakin dahil sila lagi ang gumugulo sa buhay ko at lagi ko nasasaksihan ang pagpapalayas nila sa isa't-isa sa loob ng sasakyan nila.

Si Luck ay dati nang may naging kami at niloko niya ako. Naghanap ng iba at hindi naman ako tatanga-tanga para mag stay sa isang katulad niya. Mukha siyang unggoy na kinababaliwan ng lahat na minsan ay naging akin at hindi nagtagal sa akin.

Ilang ulit niya akong kinukulit ngunit wala na talaga. Ayokong masaktan at alam niya 'yon pero anong ginawa niya? Tumingin sa iba, tss.

All I need to do is to move on at gustuhin ang lalaking nagtratrabaho sa supermarket. Type ko siya, walang halong biro ngunit ginagawa ko talaga 'yon, para tuluyang makawala sa nararamdaman ko kay Luck.

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon