Ep 1 Nay Babae Po Ako

3 0 0
                                    

Ako si Modi. May kapatid ako si Modu.
Nauna siya sakin ng dalawang taon kaya ako si bunso. Naglalaro kaming dalawa sa sala. Hawak niya'y maliit na truck-truck at ako nama'y kotse-kotse. Pareho namin itong pinapadaan sa sahig, sofa, pader o kung saan man ito mapadpad.

Maghapon namin itong ginagawa nung mga bata pa lang kami. Isang araw lumabas kami ng bahay ni kuya para maglaro. Bitbit ang aming mga truck-truck at kotse-kotse.
Gumagawa kami ng sariling eksena sa kasagsagan ng paglalaro.

"broooom! Broom! Broom! Broooo--"
Huminto ako sa paglalaro nang makitang lumabas sa kabilang bahay ang isang batang babae. Dala nito ang dalawang manika habang kayakap sa paglalakad.

Pinagmasdan ko kung saan ito didiretso at huminto malapit sa kung saan din kami naglalaro. Kinakausap niya ang mga manika. Gumawa rin ito ng sariling eksena at masayang isinagawa sa kaniyang mga manika. Magmula noon nagkaroon na ako ng iniisip.

Ano kayang meron sa manika at ganoon na lamang siya kasaya? Masaya na ako sa laruan kong kotse-kotse pero bakit hindi ko makalimutan yung saya ng bata sa kaniyang manika? Pagkatapos ng almusal naglaro ulit kami ni kuya.

Pero mag-kaiba kami ng eksena. Sa kaniya kunwari may humahabol. Ako naman may pupuntahan lang. Sumagi uli sa aking isipan yung batang naglalaro ng manika. Saglit akong huminto sa paglalaro saka tinawag ang pansin ni kuya.

"Modu!" tawag ko.
"oh?" tugon nito at sandaling huminto sa paglalaro.
"ayoko na sa laruan ko" ani ko.
"ha?! Bakit?"
"gusto ko ng bago" sagot ko.
"ha? Pero diba yan na yung pinabili mo noong isinama tayo ni nanay sa bayan?" turo niya sa hawak kong kotse-kotse.

"Oo, pero gusto ko uli ng iba"
"eh diba sabi ni nanay las na nating laruan to? Hindi na siya bibili pa ng bago"
"alam ko pero nagsawa na rin kasi ako dito eh. Panay patakbo na lang ng kotse-kotse maghapon. Gusto ko maiba rin Modu"
"hay naku bahala ka! Maganda na nga yang laruan mo eh dapat pagtiyagaan mo na! Buti kung milyonaryo sina nanay at puwede kang mabilhan ng sandamakmak na kotse-kotse"
"eh hindi naman kasi kotse-kotse ang ipapabili ko eh"
"Eh ano?"

Sandali akong nag-isip.
"eh, mura lang kaya yung, manika sa bayan?"
"Ano?!! Baliw ka ba Modi?! Pangbabae ang manika huwag mo sabihing magpapabili ka non!!"
"kung yon ang ikakasaya ko bakit hindi?"

"ano?!! Woy! Pangbabae ang manika para alam mo! At saka, masaya naman tayo sa laruan natin ah! Hay naku Modi matagal na tayong naglalaro ng ganito tapos bigla mong maiisip yang manika na yan?!!"
"eh alam ko namang pangbabae lang ang manika eh. Kaso parang dun kasi ako magiging masaya" sagot ko.
"hay naku ewan ko sayo! Iisipin ko na lang na sinapian ka ng bading na ispiritu kaya ganyan ang pinagsasasabi mo! Diyan ka na nga" nagwalk out siya.

Wala namang patay na bading samin. Maayos naman ako mag-isip. Pero may kakaiba kasi sa puso ko na gusto ang magkaroon ng manika at maging masaya katulad nung bata. Kaya walang duda kong pinuntahan si nanay sa kapit bahay at naabutang naglalaba.
Labandera kasi siya.

"nay!" masayang tawag ko.
"oh?" tugon naman nito habang nagbabras ng mga labada.
"kailan pala uli tayo pupunta sa bayan?" tanong ko.
"Ano, pag nagkaroon uli ng pera. Alam mo naman yun diba??"
"ahh, opo"
"oh eh yun naman pala! Nagtanong ka pa!!"
"edi kung ganon makakabili din po kayo ng bago naming laruan ni Modu?" natutuwang tanong ko at nagulat siya.
"oh bakit, nasira na ba yung dati niyong laruan?? Aba eh kabibili ko lang nun ah!"
Si nanay naman masyadong hay blad.
"ahh, hindi naman po! Bago pa ngang tignan eh!"
"oh yun naman pala eh!"

"eh kasi nay, ayoko na po yung laruan ko eh"
"Tss! Hindi ko nga masabing ayoko na sa inyo kahit sawang-sawa na ako sa buhay na to tapos sasabihin mo sakin ngayon yan?!"
"eh nay, gusto ko po kasi ng bagong laruan. Gusto ko rin kasing sumaya kahit minsan lang" nalulungkot na ani ko.

"sumaya?!! Bakit, kailan ba kayo hindi naging masaya ni Modu?!! Eh halos inumin ko na nga ang pawis ko para lang mapasaya kayo ah! At saka tandaan mo, kahit kailan hindi ko pa naranasang sumaya! Hindi tulad niyo na nakahawak lang ng kotseng maliit pati ako makalimutan niyo na sa sobrang saya!"

Nalungkot naman ako.
Hindi ba siya masaya samin?

"masaya naman kami sayo nay. Gusto ko lang talaga ng bagong laruan" naiiyak na ako.
"anak ng--Diba sabi ko kakabili ko lang ng mga laruan niyo!"
"oo nay pero ayoko na ng kotse-kotse"
"eh Ano?!!"
"gusto ko ng manika"

"Anak ng, ano bang pinagsasasabi mong manika diyan?! Ipasok kita sa washing machine eh!"
"totoo nay gusto ko ng manika, nakita ko po kasi si Princess na may mga dalang manika tapos masayang-masaya siya habang nilalaro yon"

Princess ang pangalan ng batang nakita ko dati.

"Oh tapos gagayahin mo?! Eh pangbabae yun eh!! Bakit babae ka ba?!!"

Napaisip ako.
Babae nga ba ako??

"eh gusto ko nga po kasi ng manika" malungkot na hirit ko.
"Eh bakit nga?!! Ano bang pumasok dyan sa kukote mo at nagpapabili ka ng manika?! May kotse-kotse ka na nga naghahanap ka pa ng iba?!! Tapos pangbabae pa!! Sabihin mo nga kung anong dahilan at magkaintindihan tayo!!"

*sigh*

Naisip ko ng umamin.

"pero nay huwag kayong magagalit ha?"
"nyeta sabihin mo na kasi!!"

"NAY BABAE PO AKOOO" atungal ko kaya labis siyang nagulat.

BantiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon