Magmula noon hinihikayat na ako ni uncle na magpolice. Siya na raw ang magpapaaral sakin. Nahihiya na nga ako eh kasi Ilang linggo na niya akong kinukulit tungkol sa desisyon ko.
Hindi naman ako makapagdesisyon dahil hindi ako tiyak. Hindi sa pinipilit niya ako ngunit ako lang ang nagpapahintay.
May part kasi na gusto kong igrab at may part na ayaw ko. Naguguluhan ako. Dahil kaya kay Banti??Hindi ko na kasi siya maaasikaso kapag nagpolice na ako. Natatakot ako na baka bigla akong magbago kapag pinili ko to.
Ngunit palagi kong inaalala ang mga payo ni uncle sakin. Kung ano ang tunay na kasiyahan.
Masaya na ako kay Banti kaso naisip ko, Ako lang naman ang nagiging masaya. Kumusta naman yung mga taong nasa paligid ko?? Simula kay Modu, nanay, tatay, at sa pamilya nila Princess.
Kaligayahan ko ang manika pero ito naman ang nagiging dahilan para mawala ang lahat sakin. Nawala na sina Princess sa buhay ko. Buti nga kinupkop pa ako ng pamilya ko sa kabila ng pagiging makasarili ko.
Ano ang pipiliin ko? Pagpupulis o si Banti?
Hindi nawalan ng hugot este payo si uncle sakin at gusto ko rin namang pinapakinggan. Kada payo niya kasi natotouched ang puso ko.
Gusto ko tuloy magpulis. Chos! Pero seryoso. Ano ang pipiliin ko?
Hanggang sa nakapagdesisyon rin ako.
"Modu!" tawag pansin ko kay kuya.
Nasa sala kasi kami habang nanood ng TV.
"ano?"
"may good news ako"
"may jowa ka na?"
"ano ba yan hindi!"
"ano nga??"
"hmm, mag BBS saykologi ako"
"ano yun?"
"ahh Bachelor of Science in Psychology"
"tingin mo sakin henyo? Gago tagalugin mo!"Adik talaga nitong kuya ko no?
"kukuha ako ng criminology! Ibig sabihin mag pupulis ako!" sumbat ko.
"kalokohan, isang bayot hahawak ng baril?"
"nabaril ko nga ang binti ni uncle eh"
"edi kriminal ang tawag don tanga!"
"ay gravity?!""Bakit may pera ka pang-aral?"
"pag-aaralin ako ng uncle natin sa bayan!
"oh tapos?"
"edi mag-aaral ako tanga!"
Binatukan niya ako."loko ka! Bibihira lang ang mga baklang ganyan! Yung sasabak sa pagiging pulis!"
"ibig sabihin agree ka?!"
"tss! Sunugin mo muna si Banti para maniwala ako"
"aysh!"
"oh? Ba't ganyan ang reaksyon mo? Magpupulis ka diba? Huwag mo sabihing lalaruin mo parin yon??"
"susubukan ko lang naman yun eh"
"Tanga edi sayang naman yung gastos ng magpapaaral sayo!! Paano kung tumigil ka edi nakakahiya kay uncle?!!"Nagbuntung hininga na lang ako.
Pinag-aral nga ako ni uncle sa kursong criminology.
Habang tumatagal, nagiging busy na ako sa mga projects at kung anu-ano pang bagay sa college. Nakakalungkot dahil nawawalan na ako ng oras para kay Banti. Medyo nakakalimutan ko na rin kung paano ayusan si Banti dahil sa mga non-stop trainings.
Hindi ko magawang magpahaba ng buhok dahil sa requirments kaya nasanay na akong tignan sa salamin ang lalakeng itsura ko.
Gusto kong ituon ang buong oras kay Banti ngunit inaagaw ng pag-aaral. Lalo na sa mga babaeng umaali-aligid sakin.Magmula noong pumorma ako gaya ng isang tunay na lalake, marami ng nagkakagusto sakin.
Sabi nila ako raw yung tipong lalake na magugustuhan ng mga babae. Guwapo daw ako.
Psh! Joke ba yon?Binabaliwala ko na lang dahil alam ko naman sa sariling bakla ako.
Pero minsan hindi ko maiwasang mahikayat sa mga sinasabi nila.
Kahit daw anong gawin ko as long as na lalake ako, posible daw na mahulog rin sa isang babae.Palaisipan sakin yon. Wala pa akong nabalitaang bakla na bumalik uli sa pagiging lalake. Kung meron man, Hindi totally. Half-half ganon. Pero habang nakakarinig ako ng mga ganon dumating ako sa puntong hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
Nakakahiya mang sabihin pero minsan parang nabubuhayan ang pagkalalake ko. Kung hawak ko si Banti isip babae ako.
Kapag nakakakita naman ng babae, nakakalalake.Ano bang nangyayari sakin?? Ano ba talaga ako?? Babae? O lalake?? Ngunit dahil sa matinding pag-iisip sinubukan kong pumasok sa isang relasyon.
Nanligaw ako ng isang babae at naging kami rin sa hindi katagalang panahon.
Masaya naman ang pagsasama namin sa umpisa. Pero habang tumatagal namimiss ko si Banti. Hindi ko na talaga siya nabibigyan ng oras halos.Dahil don madalas na kaming nag-aaway ng girlfriend ko.
"Ano ba naman yan Modi?!! Mag-iisang taon na tung relasyon natin pero yang Banti parin ang iniisip mo!! First anniversary na natin next week pero parang wala lang sayo!!" sermon niya sakin."sorry, kasiyahan ko din kasi si Banti" usal ko.
"T*ng*n*! Halos maubos yung oras ko para lang mapasaya ka tapos kulang pa pala yun sayo?! Tapos irarason mo yang walang kwenta mong manika?!! Bakit? Kulang ba yung saya na binibigay ko sayo?!"
"hindi ka nagkulang, sadyang hindi ko lang talaga maiwan si Banti""Tapos ano?! Ako ang iiwan mo ganon??"
"w-wala akong sinabe"
"ganun na din yon!! Hindi mo maiwan si Banti tas ako kumusta?!! Minsan nga nagdududa ako kung mahal mo ba talaga ako! Eh halos ipagpalit mo na ako diyan sa manika mo eh!"
"mahal naman kita. Pero mahal ko din si Banti"
"buwisit edi jowain mo na!! Mahal mo pala eh!"
"pero pano ka??"
"Oh yun na nga ang tanong eh!! Paano ako?? Kailangan ko din ng buong atensyon mo para mapasaya ako! Pero paano kung panay manika naman ang inaatupag mo?!!"
"pasensya na pero parte na siya ng buhay ko"
"kung ganon edi maghiwalay na lang tayo!! Mahal na mahal kita pero baliw na baliw ka naman diyan sa manika kaya mas mabuting maghiwalay na lang tayo!!"
Nalungkot ako sa sinabi niya."ayaw ko! Kaya ko namang hatiin ang oras ko eh. Mabibigyan kita ng oras at ganun din si Banti"
"Ayaw ko ng may kahati sa oras!! Lalo na sa wala namang kabuluhang manika mo!!""please naman oh, gagawin ko talaga ang lahat para maayos ang relasyon natin. Huwag lang tayong maghihiwalay"
"itapon mo muna si Banti tapos kalimutan mo!! Para matupad mo yang mga sinasabi mo""H-hindi ko yon magagawa" malungkot na usal ko.
"Edi klaro na ang lahat! Maghiwalay na tayo at magpakabaliw ka diyan sa manika mo!!"Labis akong nalungkot na parang mabibiyak ang puso ko.
Heto na ba ang sinasabi nilang broke up? Sobrang sakit naman.Hindi ko na talaga alam. Nalilito na ako. May nawala uli sa buhay ko at napakasakit sa damdamin.
BINABASA MO ANG
Banti
Short StoryHe was tricked by founding himself really happy in a kind of girl toy. He became obsessed when he saw a little girl having a bright smile with her Barbie dolls. They called him gay experiencing hardships of life from those rumors affecting his gende...