Isang araw umupo ako sa bench nang tumabi sakin si uncle. Yung nagpapaaral sakin at nabaril ko sa binti.
"Hindi kita tatanungin kung ayos ka lang pero handa akong makinig sa pinagdadaanan mo ngayon iho" nagsimulang tumulo ang mga luha ko sa sinabi niya.
"mahal ko po silang pareho at ayaw kong mawala sa buhay ko ang isa sa kanila"
"hmm, nawala ang isa hindi ba?"
"nasasaktan po ako"
Nagbuntung hininga siya."Ang pagmamahal, hindi lang ikaw ang nagbibigay niyon. Dapat ikaw mismo makaramdam din"
Nakikinig lang ako sa sinasabi niya.
"ayos lang ang lumuha. Pero kapag ang luhang yan pagsisisi ang dahilan, mas mabuting pumili ka na ng may kasiguraduhan para sa huli hindi ka nasasaktan"
Napatingala ako sa kaniya pagkasabi yon."dito sa mundo maraming pagpipilan. Kailangan mo maging wais sa pagdidesisyon. Kung nagkamali ka hindi mo na maiibabalik. Pero may second chance, ang piliin ang tamang kasiyahan"
Huminto bigla ang pagdaloy ng mga luha ko.
"salamat po, labis akong natututo sa inyo" nakangiting hawi ko sa basang pisngi ko."Bawat pagkakamali may aral" tap niya sa balikat ko.
Magmula non naging matured na ako sa mga bagay-bagay. Siniyasat mabuti kung ano talaga ang tunay na kahulugan ng kasiyahan. At ito pala ang pagbibigay ng kalayaan sa sarili upang maranasan ang tunay na kaligayahan.
Hindi naging madali ang lahat sakin hanggang sa makatapos rin ng kolehiyo at iyon na ang pinakamasayang sandali na nangyari sa buhay ko dahil napasaya ko sila nanay, tatay at Modu. Ang sarap pala sa pakiramdam na mapasaya ang iyong mga mahal sa buhay at ito na ang nakita kong kasiyahang hindi matutumbasan ng kahit na ano.
Si Banti? Binaon ko na sa lupa.
Joke. Nakadisplay lang siya sa kuwarto ko. Pero hindi ko na nilalaro dahil baril na ang hawak ko.Isa na akong ganap na pulis ngayon na pinaglilingkuran ang taong bayan. Ang pusong dating nakagapos sa manika, ay nakalaya na sa pamamagitan ng pagpili ng tamang kasiyahan at landas sa buhay.
Hindi pa rito natatapos ang lahat dahil hindi pa siya nahahanap. Ang pupuno at kukumpleto ng kaligayahan ko sa buhay.
Nagroronda ako sa palengke nang aksidenteng mabunggo ang isang babae.
Medyo marami siyang dala at tumilapon sa sahig kaya tumulong ako sa pagpulot."sorr--"
Nahinto ako nang makilala kung sino siya."P-Princess?" usal ko.
Hindi ko inaasahang magkikita kami.
Marami na siyang ipinagbago tulad ko saka napansing mas maganda pala siya kaysa kay Banti.
Niyaya ko siyang mamasyal sa park. Medyo awkward ang sitwasyon ngunit umasta na lang na parang walang masalimuot na nakaraan.
Pareho kaming nakaupo sa damuhan habang sa malayo nakatingin. Tahimik.
Tanging huni lang ng mga ibon na dumadapo sa bawat sanga ng mga puno ang naririnig.Binasag ko ang katahimikan hanggang sa nagkuwentuhan na kami.
Parehas naming nalagpasan ang college life at isa na siyang nurse ngayon."hmm, naaalala mo pa ba noong naglalaro tayo ng barbie?" natatawang tanong ko.
"oo, yung pinagalitan ka pa ni mama dahil kinuha mo yung makeup kit niya tapos ginamit mo sa mukha ni Banti? Hahaha"
"yung pinagmodel pa natin yung mga manika tapos pinaglalaban!"
"hahaha kaya nga eh! Nakakatuwa lang balikan"
Natawa kaming pareho.
Sandaling katahimikan muli ang namutawi hanggang sa masilayan siya ng palihim. Bakit hindi ko napansin ang kagandahan mong yan noon?
"nilalaro mo pa rin ba si Banti hanggang ngayon?" wasak niya sa katahimikan.
"huh? Ahh hindi na eh" iling ko.
"Bakit? Eh ultimate besrfriend mo yon?"
"hahaha! Display na lang siya sa kuwarto ko dahil dito" salute ko.
"hehe, pulis ka na nga pala. Bibihira lang ang mga ganyan ahh! Pusong babae tapos magpupulis"
"hahaha bakla? Dati, cause I'm not gay anymore"
"Paano yun nangyari?" hindi makapaniwalang tanong niya."Hmm, hindi ko alam eh"
"nagpulis ka lang naging lalake ka na?"
"hahaha lalake naman talaga ako"
"cheh baka nga may boyfriend ka na!"
"pftt--boyfriend ka diyan! Kahit ligawan pa kita kung gusto mo" Natigilan siya sa biro ko.Humiga ako sa damuhan saka pinagmasdan ang kalangitan.
"naalala ko tuloy kung saan nagsimula yung pagkagusto ko sa manika"
"Saan?"
"sayo"
Nagitla siya."nakita kitang lumabas sa bahay niyo kasama ang mga manika mo. Tapos ang saya-saya mo habang nilalaro yon. Pero narealize ko, hindi ko pala nakita sa manika yung kasiyahan"
"saan?"
"sayo. Sayo ko nakita yung saya. Bawat tao may kaniya-kaniyang kasiyahan depende sa pinili nilang kagustuhan. Sayo ay manika. Nagkamali ako ng naging desisyon dati na akala ko sa manika na lang ako sasaya, pero kailangan ko palang lumaya para maramdaman ang tunay na saya""woah. May hugot teh? Galing ah!"
"hehe, narinig ko lang"
Nagtawanan nanaman kami."Princess" tawag pansin ko.
"oh?"
"laro tayo ng barbie"
"ha?!"
"joke lang. Hahaha!"
Natatawa niya akong hinampas.Magkaibigan na uli kami ni Princess. Palagi kaming nagkikita. Minsan naiisip ko siyang ligawan pero baka mabigo nanaman ako. At isa pa hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Baka namimiss ko lang siya dala ng matagal na panahon naming hindi pagkikita.
BINABASA MO ANG
Banti
Short StoryHe was tricked by founding himself really happy in a kind of girl toy. He became obsessed when he saw a little girl having a bright smile with her Barbie dolls. They called him gay experiencing hardships of life from those rumors affecting his gende...