Ep 3 Asintado Pero Di Kulong

2 0 0
                                    

Wala naman akong ibang mapupuntahan kaya bumalik na lang sa kabilang bahay. Sa dati kong tahanan. Kila tatay, nanay at Modu.

Alam kong wala na akong mukha pang maihaharap sa kanila ngunit tumuloy parin ako. Si kuya lang ang nadatnan ko habang nanonood ng TV.

Malaki na rin ang ipinagbago niya gaya ko.

"Bakit ka narito? Baka hinahanap ka na ng bago mong pamilya" masungit na aniya na sa TV lang nakatuon.

"hi-hindi na. Umalis na ako sa kanila" sagot ko kaya gulat siyang bumaling sakin.

"umalis? Tapos bumalik ka rito?? Tss! Ang tigas rin pala ng kalyo mo ano?" umiling siya.

*sigh*

Inasahan ko na ang pagiging masungit niya sakin.

"nasaan nga pala sina nanay?" tanong ko.
"malamang, tumanggap uli ng labada"
"eh si tatay?"
"natural, nag-aararo sa bukid. Kagagaling ko lang don. Nagpahinga lang ako tapos dumating ka kasama yang ampt--lintik na manikang yan" inis na tukoy niya sa manikang hawak ko.

"siya nga pala si Banti" nakangiting pakilala ko sa kaniya.
"tss!" si kuya.

Sandaling katahimikan ang namutawi saka tinawag ang kaniyang pansin.
"ahh, Modu"
"oh?" masungit niyang tugon.

"hmm, laro tayo ng barbie" pabebeng yaya ko kaya bakas ang gulat sa mukha niya.

"walang hiya ka!" bato niya sakin ng tsinelas.
"joke lang" natatawa namang kamot ko sa ulo.

Akala ko magiging kumplikado pa ang lahat buti na lang tinanggap parin nila ako at muling nanirahan sa kanilang puder.

"Haaay! Nakakapagod pala mag-araro Modu! Jusmeyo! Mamaya ulit!" sabay hawak sa balakang ko.
Nasa bukid kasi kami at ako ang pinag-araro ng adik kong kuya.

Humalukipkip ako ngunit agad kinalas dahil putik-putik pala ang mga kamay ko.

"Hayst ano ba yan?!" reklamo ko.
"nakakamiss si Banti"
Sandali akong umupo sa malaking bato para magpahinga.

"MODUUUUU!!" sigaw ko kay kuya.
"ANOO?!" inis niyang tugon sa kabilang bukid.

"ANO TOOO?!!! MAY KUMAGAT SAKEEN!! ARAAAAAAY!!! ANO TOOOO!!!"
Tumakbo siya ng dina oras patungo sakin na bakas ang pag-aalala.
Hikhikhik!

"saan?!! Anong kumagat??"
Nagsisisigaw lang ako.

"nasan nga kase?!!" halos paikutin niya ang katawan ko.

"Modu" pabebeng tawag ko sa kaniya.
"Ano?!!"
"laro tayo ng barbie"

*PAK*

Dumampot siya ng putik sabay sampal sa mukha ko.

"buwisit ka, akala ko kung ano na" Inis niyang sabi, natawa lang naman ako.

Natikman ko tuloy ang malansang chocolate fresh from lupa.

Bawat prank ko kay Modu may kapalit. May extra putik lalo na kung naiitataon sa bukid.

Minsan naman kaming niyaya ng tiyuhin namin sa bayan na kapatid ni tatay. Medyo may isinisigaw din sa buhay. Pulis kasi.

Napadpad nga ako sa napaka bongga nilang sala nang mapansin ang isang bagay na nakapatong sa mesa.

Isang baril. Nilapitan ko naman saka hinawakan. Hindi ba nakakamatay ito?

"Gusto mo??"
"AY TAE!"
Nagulat ako sa pagsulpot ni tito sa gilid ko.

"ahh, p-pasensiya na po--ser? Hehe"
Nailang ako bigla.
"hm! Mas gusto kong tinatawag na tito kesa ser" nakangiting sabi niya. Naks sugar daddy ba si tito? Ma appeal eh. Kung hindi ko lang siya kadugo, aasawahin ko. Chos!

Napangiti na lang ako.

Nagbuntung hininga siya kaya napalunok ako. Matipunong-matipuno eh. Hehe.

"Alam mo ba kung bakit ko ito pinili?" kuha niya ng baril sa mesa.
"b-bakit po?" interesadong tanong ko.

"Dati, ang pananaw ko, kaya ako nagpulis dahil dito ako masaya"
Nakikinig lang ako sa kaniya.

"Bata pa lang ako gusto ko na maging pulis. At natupad naman. Pero habang tumatagal sa serbisyo, napagtatantong, hindi lang pala ako ang nagiging masaya sa ginagawa ko. Sila nanay, proud sakin. Mga kapatid ko, saludo sakin. At ang bayan na pinaglilingkuran ko, mas higit na sumasaya at payapa dahil sa serbisyong inaalay ko sa kanila. Kaya, ang nakita ko sa kasiyahan, ay kung ikaw mismo, at mas higit pa sana sa mga taong nakapaligid sayo ang nasisiyahan sa ginagawa mo" natigilan ako sa sinabi niya.

"kaya hindi ako nagsisisi sa pinili dahil dito ko nakita, ang tunay na kasiyahan" mas lalo akong napanganga. Na touched yata ako ng bongga sa hugot ng mamang pulis na to!

"ikaw, bata ka pa. Isang maganda at mahabang panahon para piliin ang tunay na kasiyahan para sayo"

"hehe, N-napakanda naman po ng hugot niyo p-para sa isang katulad ko" Imik ko.

"hm! Hm! Hm! Narinig ko din minsan ang iyong kalagayan mula pagkabata hanggang paglaki. At malabong, hindi ka nakakaramdam ng pagsisisi sa mga naging desisyon mo sa buhay"
"hehe, nakakaramdam nga po minsan eh"
"haaay, kaya nga kita tinatanong kanina kung gusto mo"
"Ang alin po?"
"itong baril"
"babarilin niyo po ako?!"
"hahaha! Ang ibig kong sabihin, kung gusto mo rin maging pulis gaya ko?"

"hehe, astig po ng baril niyo, pero hindi bagay sa kagandahan ko" pabebeng sabi ko.

"hahaha ikaw talagang bata ka pero alam mo, nag-uumpisa naman ang lahat sa pagkagusto eh. Kapag sinubukan mo na, doon mo lang mararamdaman ang tinatawag na saya"
Wow! Flip topper ba to o ano??

"sige nga po, pahawak ng baril niyo"
Tinesting ko siyang kalabitin noong inabot niya sakin.

*BANG!*

Labis akong nagulat sa sigaw niya dahil tumama ang bala sa binti niya.

"walang hiya'ng bayot ka! Ginawa mo akong experimental!" atungal niya.

"Naku sorry po!"

Dinala nga namin si tito ng dina oras sa ospital.

Buti na lang mabait siya kaya kahit asintado ang binti niya hindi na ako nakulong pa.

BantiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon