Ep 2 Obsession

3 0 0
                                    

"nay babae po ako" atungal ko kaya labis siyang nagulat.

"walang hiya ka! Lalake kang ipinanganak kaya tigilan mo ang pagsasabi ng ganiyan!" na high blood siya.
"eh ano pong tawag sakin? Gusto ko po ng manika tapos nararamdaman kong babae ako"
"Bakla ang tawag don tanga!!"
"bakla?? Edi bakla ako nay?!"

"baliw! Kung gusto mong bitayin ka ng ama mo edi magpakabakla ka!!"
Nalungkot naman ako.
"kung ganun po--aalis nalang ako sa bahay natin. Titira na lang ako kila Princess. Total kapit-bahay lang naman natin sila" sagot ko.

"Aba'y baliw ka talagang bata ka ahh! Sino ang nagsabing titira ka don?!!"
"hindi niyo naman po kasi ako mabilhan ng manika. Tapos bibitayin ako ni Tatay kapag nalaman niyang ganito ako"
"Ay talaga!! Tapos ano?!! Kaya ka aales?!! Oh di sigeh!! Umalis ka sa puder namin!! Tumira ka sa bahay ng Princess na yon kung yan ang ikakaligaya mo!! Tignan lang natin kung hanggang saan aabot yang kasiyahan mo!!"

Labis akong nalungkot sa sinabi ni nanay. Pero kahit na ganon, nagdisisyon parin akong tumira kila Princess. Nagtampo na si Modu sakin noon kaya hindi na ako pinapansin.

Mababait ang mga magulang ni Pricess saka medyo may kaya sa buhay. Kaya tinanggap ako at pinatira sa kanilang bahay. Nakakapanibago pero doon ko lang naramdaman ang tunay na kaligayahan.

Hindi tulad sa pamilya namin, saka lang liligaya kapag may bago kaming mga laruan ni Modu.

Dito oras-oras masaya. Lalo na't pareho kaming naglalaro ni Princess ng mani-manika. Gumagawa kami ng sariling eksena tapos maghapong masaya kasama ang aming mga manika.

May sarili na pala akong manika. Pinangalanan kong 'Banti'. Binilhan ako ng mga magulang ni Princess. Isinama nila ako sa bayan at ako na din ang pinagpili. Itinuring nila akong parang tunay na anak. At higit sa lahat, tinanggap nila ang aking pagkatao kesa sa tunay kong pamilya.

"Modi, hubaran mo si Banti bibihisan natin siya ng bago!" ani Princess. Naglalaro kasi kami.
"hubaran?? Bakit puwede??" gulat na tanong ko.
"Oo. Ayusan natin kung gusto mo!"
"talaga?!!" natuwa ako bigla.
"Oo naman. Barbie yan kaya puwede ring ayusan gaya ng tao"

"Hihihi ganun ba?! Sige bihisan natin si Banti!"

Ano raw ang tawag dito?? Barbie?? Ang ganda ng pangalan!! 

Maghapon lang kaming ganito ni Princess. Kung ano-anong mga ginagawang gimik sa kaniya-kaniya naming mga manika. At pakiramdam ko, ito na ang pinakamagandang alaala sa aking pagkabata.

Habang tumatagal nasasanay na akong barbie lang ang hinahawakan ko sa buong maghapon. Mas lalong nadaragdagan ang aking kaalaman patungkol sa iba't-ibang  paraan kung paano ayusan ang isang manika. At ito na lang ang gusto kong gawin.

Pagkagaling sa iskuwela, manika agad ang aking kinukuha. Minsan nga dinala ko pa yung manika ko sa paaralan pero kinukutya lang ako ng mga kaklase ko kaya sa bahay na lang ako naglalaro.

Minsan niyayaya ako ni Princess na maglaro ng lutulutuan sa kapit-bahay pero hindi ako sumasama. Bibihisan ko na lang si Banti rito sa bahay.

Isinapamuhay ko na talaga ang pagiging bakla hanggang sa paglaki namin ni Princess. Kaso siya lang talaga ang kaibigan at kakampi ko dahil halos lahat ng mga nasa paligid ko mapaiskul man o kahit saan kinukutya at hinuhusgahan ako.

Minsan nga nilapitan ako ng isang lalake kong kaklase.
"tara tol! ML tayo!"
Hindi ako sumagot kasi hindi ko naman alam yun.

Guwapo siya at isang nakakabighaning nilalang na bibihag sa damdamin ng mga katulad ko.

"hahaha yan pa niyaya mo eh barbie ang nilalaro niyan! Anong alam niya sa mobile legends??"
"hahahahaha"

Ayun. Nagsulputan ang mga bushers at mangkukutya.

BantiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon