Chapter 10

23 2 0
                                    

"Nadia meron akong ipapakilala sayo" si Yuri na lumapit sa table namin.

Napatingin naman ako sa kanya. Ito yung lalaki na nakangiti sakin kanina.


"Uhm Hi, I'm Brian" sabi nya at inilahad ang kamay niya para mag shake hands. Tinignan ko naman siya at ang kamay niya.



"Hello ako si Nadia ito friends ko, si Anastasia, Migs, Coleen at Aki." Sabay turo ko isa-isa sa kanila. Ngumiti naman sila pabalik at nag shake hands na din. Hindi ko ikakaila na gwapo siya. Matangkad tapos moreno ang mga pilik mata pa ay makapal at pakurba katulad ng kay Sir pero mas makapal ang kay Sir Montecarlos tas yung kilay makapal pero bagay sa kanya. Tapos yung labi niya natural na mapula ang tangos pa ng ilong. Moreno siya pero ang unfair kasi namumula ang mukha niya pag na initan. Yung aura niya na parang cold pero pag na kausap mo naman parang jolly.

"Shit ang gwapo" Bulong ni Migs sa akin.

"Nga pala pinsan ko si Brian. Exchange student siya dito mga 3-4 weeks lang ata siya dito galing to ng Davao, Same year lang kayo 3rd year mukhang ang maghahandle sa kanya is si Ms. Vulgar." Sabi ni Yuri ng nakangiti.

"Ahh ganun ba, Okay na din yun. Magaling magturo si Ms. Vulgar madami kang matutunan."Sabi ko na nakatingin kay Brian.

"Ganun ba? Sayang naman parang gusto ko pa naman kayo maging kaklase mukhang madami akong matutunan sa inyo" Sabi niya ng nakatitig kay Coleen.

Ilang Segundo pa din ay tumahimik siya at nakatitig pa din kay Coleen. Tinignan niya si Coleen na nakataas ang isang kilay.

"Coleen right? may madumi sa mukha mo" sabay bigay sa kanya ng tissue.

Biglang napatalon naman si Coleen sa gulat. Kinuha ni Coleen ang tissue at pinunasan ang mukha niya. Namumula siya kaya tinignan ni Aki si Brian.

"Hindi diyan sa kabilang side" si Brian

Agad naman sumunod si Coleen sa kanya pero nanginginig ang kamay ni Coleen kaya hindi niya alam kung saan ang madumihan.

"Ako na nga" sabi ni Brian.

Iniharang ni Aki ang kamay ni Brian. Nagkatitigan silang dalawa. Galit ang mukha ni Aki na isang galaw ay susuntokin niya na ito. Pero itong si Brian kalmado lang.

"Ahh a-no ba kayo ako nalang ang magpupunas" sabi ni Coleen nahihiya. Namumula pa ang mukha dahil sa nangyari.

Tinignan ko naman si Aki na hindi pa din humuhupa ang galit sa mukha niya. Merong binulong si Coleen sa kanya at kumunot ang noo at bumugtong hininga nalang.

Mahiyaing tao si Coleen siya agad ang tipo na tao kapag napapansin ay namumula agad. Sa aning magkakaibigan ang mukha ni Coleen ang pinaka maamo. Yung parang angel na bumaba sa lupa. Maputi ang balat na makinis ang mukha. Makinis pa nga binti nito sa mukha ko. Tapos may tangos na ilong. Kwento niya dati mala espanyol daw ang kalahi nila kaya nakuha niya yon at mapupulang labi hindi niya na kailangan ng lipstick kasi kusa ng pumupula ang labi niya.

"Sge alis na kami, A-hhh Nadia sorry about noong nagyari kay Marie, see you around." Sabi ni Yuri at umalis na sila kasama ni Brian.

Hindi ko nalang pinansin ang tungkol kay Marie at kumain nalang ako ulit.

"Parang Gago lang. Pwede naman sabihin kung saan yung dumi sa mukha, di yung maypa punas-punas pa ng mukha. Yung galawan niya bulok."Sabi ni Aki na ngumonguso ang mukha.


Sa totoo lang na cucute-tan ako sa dalawang to.

"Mukhang may magseselos"banat ko naman.

Love Me Not (Teacher Student Relationships) DESTINY SERIES #1Where stories live. Discover now