Chapter 14

12 3 0
                                    

Pagkalabas ko ng tricycle ay nakita ko si Migs sa waiting shield dala ang mga tools nya sa carpentry.

"Kanina ka pa?". Tanong ko sa kanya

Tinignan niya ako ng mapupugay niyang mata. Mula ulo hanggang paa,

"Hindi naman. Tara na". Sabi niya ng nakanguso.

Pagkapasok namin sa gate ay meron babaeng tumitig sa akin. Tinignan niya ako ng matutulin na titig na para bang merong akong kasalanan. Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Pag kaliko ko pagtungo sa building ay merong namang isang groupo ng mga babae na pinagtitignan ako. Ako lang ba. O guni-guni ko lang to. Bakit ang weird.

Lumiko ako at pumunta sa locker ko. Pagkabukas ko ay meron na hulog na letter. Tinignan ko at ang nakalagay ay.

"bonjour pour la belle beauté."

"Ano yan?." Tanong ni Migs na nakataas ang isang kilay.

"Merong naglagay ng letter sa locker ko tapos ito yung nakalagay. bonjour pour chuchu hindi ko maintindihan at mas lalong. Hindi ko alam kung anong meaning."sabi ko sa kanya ng nakakunot ang noo.

Sino naman yung maglalagay ng letter sa locker ko. Tapos hindi ko pa maintindihan kung anong nakalagay.

"Baka si Brian sis". Sabay kuha ng letter at binasa.

"Remember? Meron siyang pinost about sayo. Nakalimutan mo na ba?" Dagdag niya

Napakunot ang noo ko. Hindi ko matandaan.

"Si Brian? Pinsan ni Yuri?" Tanong ko

"Pashnea! Kung si Gorna kaharap mo sasampalin kanun girl. Nakalimutan mo na agad?. Ito oh meron akong screenshot " sabi ni Migs at pinakita ang picture.

Pagkatingin ko ay doon ko lang natandaan ang litrato at ang letter. Pinag compare ko silang dalawa.

"French yung language nyan. Try mo i search mamaya kung anong meaning" Sabi ni Brian sa likod ko.

Agad naman akong napatalon sa gulat. Tinignan ko si Migs at nakatingin naman siya sa akin.

"Hindi ako ang nagbigay niyan."sabi niya ng di ako tinitignan habang meron siyang kinukuha sa locker niya.

"Yung about sa picture at caption na pinost ko wala lang yun. Pero kung i tratranslate mo yun totoo ang meaning noon." Sabi niya at umalis.

Napanganga naman kami sa sinabi niya. Akala ko siya ang nagbigay pero mukhang nagkakamali ako. Tska sino kaya ang magbabalak na bigyan ako ng letter.


Pagkapasok ko ng classroom ay agad naman akong pinagtitignan ng mga classmate ko. Bakit ba nila ako tinitignan. Ano to trip-trip lang. Pagpunta ko sa desk ko ay meron bulaklak at chocolate na nakalagay.


"Nadia! May boyfriend kana pala?" Tanong ng isa kong kaklase.

"Baka si Brian yung pinsan ni Yuri yung exchange student remember? diba pinost siya ni Brian tapos yung caption a beautiful lady for a beautiful soul?"Dagdag ng isa ko pang kaklase.

"Nadia. Bagay kayo, Sana all"

Hindi na ako nakapagsalita dahil hindi pa nga ako tumutugon ay nagsasalita na sila.

"Love is just a distractions to your studies" sabi ni Mr. Montecarlos

"If i were you. Hindi muna ako papasok sa isang relasyon. You're too young to be broken."dagdag niya

Love Me Not (Teacher Student Relationships) DESTINY SERIES #1Where stories live. Discover now