Chapter 17

34 3 0
                                    

Pagkapasok ni Sir Daniel sa bahay ay agad siyang pinaupo ni Mama nakangisi naman ang mga kaibigan ko dahil ang inaakala nilang dadating ay si Jade pero si Sir Daniel ang nandito. Hindi ko din naman inaasahan na bibisita siya. At hindi ko din alam kung bakit magkakilala si Mama at si Sir Daniel eh wala pa namang parent orientation.

"Feel at home Mr. Montecarlos" alok ni mama habang ginagabayan si Sir Daniel sa living room. Nakatunganga lang ako sa sulok dahil hindi ko alam kung anong gagawin. Para akong poste, hindi ko magalaw ang paa at kamay ko.

"Oh Nadia, Ipaghanda mo si Mr. Montecarlos dali."utos ni mama, Nakatingin silang lahat sakin na naghihintay kung anong gagawin ko. Nakatingin parin sakin si Sir Daniel, nakangisi siya at nagmumula ang tenga.

"Hoy Nadia! Ano bang ginagawa mo ang halata mo gumalaw ka" bulong sakin ni Migs na tumatawa ng padakilid. Natauhan ako sa sinabi niya. Kaya pumunta agad ako sa kusina pero meron nag doorbell.

"Nadia buksan mo!" sigaw ni mama. Binuksan ko ang pintuan at dumating si Brian at Yuri na nagdala ng lasagna. "Congrats Nadia!" bati nila. Hindi ko talaga alam kung sino ang nagimbenta sa kanila.

"Pasok kayo" bati ko sa kanila. Pagkapasok agad nila ay nagkatitigan si Sir Daniel at Yuri tumango lang si Yuri kay Sir Daniel at sinamangutan naman siya ni Brian.

"Ah Nadia, Tignan mo yung mga pictures mo kanina" Sabi ni Brian sabay pakita samin ng Litrato lumaki naman ang ngiti ni mama dahil daw ang ganda ko daw dun ilalagay niya daw sa picture frame. Pagkatapos kumain nila Brian ay nagsesermon naman si Marie sa loob nag kwarto ko sino daw ang nagimbenta kay Yuri kaya ayon pumasok siya sa kwarto ko lumabas lang noon nagpaalam na sila Brian na uuwi.

"Thank you Mrs. Lopez for the food" sabi ni Sir Daniel. Tumango naman si Mama at pinaghanda siya nang maiuwi niya sa bahay niya.

"Nako Mr. Montecarlos, walang ano man. Ito po oh" sabay bigay sa spaghetti at Leche plan. Ngumiti naman si Sir Daniel at tinanggap ang ibinigay ni mama

"Nadia ihatid mo si Sir Montecarlos sa gate"
Utos ni mama tumango naman ako at inihatid si Sir Daniel sa gate at sila Anastasia ay nagkakantahan lang sa sala.

"Inggat po kayo Sir Daniel" sabi ko sa kanya habang binubuksan ang gate.

"Thanks for this day, Nadia alam ko hindi mo alam napupunta ako rito" sabi niya sabay kamot ng ulo namumula pa ang tenga niya habang sinasabi iyon "Mama mo kasi" tumawa nalang ako sa reaksyon niya.

"Okay lang po Sir, masaya din po ako kasi pumunta kayo rito" sabi ko sa kanya, pumasok na siya kotse niya pagkatapos noon. Pumasok na din ako sa bahay para makisabay sa kantahan nila nakisabay na din si Ate Chanel nakakauwi lang.

Mga ilang minuto ay nagpasyahan naming mag inoman sa terrace sumabay na din si Ate Chanel habang naliligo naman si Mama at nakauwi na din si papa binigyan niya ako ng mga stickers dahil aanhin ko daw ang bulaklak eh mahilig daw ako mag tago ng mga Stickers.

"Sge maglaro tayo ng" Truth or Dare" panimuno ni Migs. Sumangayon naman ang lahat. Nagsimula na ang laro at ang bote naman ay saktong tumapat kay Marie at ang magtatanong ay si Coleen.

"Truth or Dare? Tanong ni Coleen,

"Truth" sabi ni Marie. "Okay sge, Truth" sabi ni Coleen" May gusto ka pa kay Y-uuri?" dagdag na tanong ni Coleen. Tumaas naman ang kilay ni Marie at namumula tiningnan siya ni Anastasia. "Alam niyo nagrarant pa nga yan kanina dahil nandito si Yuri sino daw ang nagimbenta kay Yuri para nag mamaiyak yan kanina, Hindi mapakali" sabi ni Anastasia samin.

Umiyak naman si Marie bigla dahil sa sinabi ni Anastasia. Lumaki naman ang mata ni Anastasia dahil hindi niya inaakala na iiyak si Marie. "Hoy joke lang ano ka ba! Ilang shot palang yun lasing kana?" dagdag pa ni Anastasia

"Kahit anong gawin ko hindi ko pa din siya makalimutan, Ilang tingin, Ilang salita babalik at babalik pa din ako sa kanya" iyak na sabi ni Marie.

Tumawa namang tiningnan ni Aki si Marie umiling itong nakatingin kay Coleen. Pinainom namin si Marie ng tubig para kumalma at di kalaunan ay natulog na din Dala din siguro nag kalasingan. First time kasi naming uminom San Mig. Light pa dahil bawal daw yung mga Hard liquor.

Pinagpatuloy namin ang paglalaro at napunta naman sa akin ang bote at ang magtatanong ay si Migs. Tumawa ito ng malaki dahil siya ang magtatanong sa akin.

"Truth or Dare" tanong ni Migs.

"Truth" sabi ko sa kanya. Mas lalong lumaki ang tawa ni Migs dahil sa sinabi ko. "Okay, dahil Truth ito ang tanong ko" sabay inom ng San Mig.

"Sino pipiliin mo? Si Sir Montecarlos o si Jade" sabi niya, lumakas naman ang hiyawan nag mga kaibigan ko dahil sa tanong ni Migs "Ang haba ng Hair" biglang singit ni Anastasia. Umiling nalang ako at uminom ng tubig. Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil sa totoo lang gusto ng puso ko si Sir Daniel pero ang sinasabi ng utak ko ay si Jade dahil kahit kailan alam kung malabong maging kami ni Sir Daniel.

"Aray" biglang sabi ko sa kanila dahil may biglang bumato sa akin ng bato. Napatungin naman silang lahat sa labas ng nakita si Jade na may dalang gitara at pagkain.

"Nadia! Sorry ngayon lang ako" sigaw ni Jade, lumabas ako at agad naman siyang kumanta.

"Uso pa ba ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka, Sino ba 'tong mukhang gago?
Nagkandarapa sa pagkanta, At nasisintunado sa kaba. Puno ang langit ng bituin. At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'why maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sayo" panimula niya nakatunganga lang akong nakikinig sa kanya. Ang pupugay ng mga mata niya at ang pula ng labi niya habang kumakanta.

Hindi ko maiwasan ang hindi siya titigan habang kumakanta mahinhin pero tagos sa puso at ramdam ko ang bawat litra ng kinakanta niya. Binigay niya sa akin ang paboritong pagkain ko sa isang fast food chain.

"Sorry Nadia, Ngayon lang ako, May problema kasi sa bahay ngayon lang ako pwede" kinuha ko ang pagkain tinignan ang pagkain pero may nakalagay na letter at binasa ko ang nandun.

Dear:Nadia
The first time I look at you, I can't take my eyes off you. Your so beautiful, That's all that came out of my mouth. Sabi ko Puta ang ganda Pre. Yung mga tawa mo habang nakikipag kwentohan ka sa mga kaibigan mo, yung mga buhok mo pag na hahawakan ng mukha mo. To be honest I don't what to do. Naging torpe ako dinaan ko sa pa surprise hindi ko alam eh. Because I'm actually afraid that you might not talk to me because you don't know me at the first place. Hindi naman ako lumalabas ng Campus baka akalain mung stalker ako. Pero noong lumabas ako ng Campus at una kitang nakita. Yun yung unang beses na Tumibok ang puso ko. Alam mo Nadia nagpapasalamat ako dahil nakilala kita. Thank you, pero hindi ko pa din alam kung pano sasabihin to kaya ginawa ko to dahil ito lang para sa akin ang pinakamadaling paraan para sabihing Mahal Kita.
- Nagmamahal (Jade)

Lumakas naman ang hiyawan nag mga kaibigan ko napakamot nalang ng ulo si Jade habang tumatawa. Lumabas na din si Mama at ate Chanel na kinikilig. "Ang gwapo anak jusko" bulong ni Mama. Kinuha ulit ni Jade ang gitara niya at kumanta ulit.

Look at the stars
Look how they shine for you
And everything you do
Yeah, they were all yellow
I came along
I wrote a song for you
And all the things you do
And it was called Yellow

Napamura ako nag narinig kung kinanta niya ang paboritong kanta ko. Hindi ko Alam pero kinikilig akong naririnig siyang kumakanta.

So, then I took my turn
What a thing to've done
And it was all yellow
Your skin
Oh yeah, your skin and bones
Turn in to something beautiful
Do you know.....

You know I love you so.... Sabay tingin niya sa akin.




"You know I love you so, Nadia pwedeng manligaw?"


..........

😊

Love Me Not (Teacher Student Relationships) DESTINY SERIES #1Where stories live. Discover now