Chapter 12

12 2 0
                                    

Sorry for a wrong chapter. This one is a final revision for chapter 12. I got problem with signal and too late when i realised that the chapter 12 that I've updated is wrong. Hope for your consideration. Happy reading ☺
--------------------------------------------------------------------------------------

Pagkatapos namin sa karaokehan ay uuwi na sana ako kaso. Biglang tumunog ang phone ko. Pagkabukas ko nag text si papa sa akin.

Papa:

Nadia saan ka? Pupunta tayo ng public market. Anniversary namin ng mama mo. Bibili tayo ng bulaklak.


Agad kung tinignan ang calendaryo ng cell phone ko at napatakip ako ng mukha ng makalimutan iyon. Feb 2 ito yung araw nung ikinasal si mama at papa.

Ako:

Nasa Tambayan pa. Hintayin nalang kita dito.


"Ano Nadia sabay na tayo? Meron kapang sasabihin sa akin". Si Migs habang nagliligpit ng gamit.

"Una kana, Pupunta pa ako ng Public Market. Anniversary ni mama at papa kaya magsusurpise siya kay mama. May susundo sa akin."

"SANA ALL ,sama nalang ako Nadia. Please" sabi ni Migs ng nakanguso.

"Sge na nga! Pero uuwi ka ha, Maaga pa tayo bukas." Sabi ko kay Migs.

Lumaki naman ang ngiti niya at hinawakan ako sa braso para sabay na kami lumabas. Nagpaalam na din kami nila Anastasia na mauuna na. Pagkalabas namin ay agad namin nakita si papa.

5 pm pa naman kaya meron pa kaming 3hrs para mag handa 8 pm kasi uuwi si mama galing trabaho. Nakasakay ako sa front seat at sa likod naman si Migs. Nag text na din ako kay ate Chanel na umuwi ng maga dahil anniversary nila papa.

Tuwing Anniversary ni mama at papa si Ate Chanel ang nagde-design, subrang galing niya dun kahit hindi halata sa mukha niya.


"Sweet niyo naman Tito" Biglang sabi Migs.

Tumawa si papa at hinawi ang buhok niya. Mga 50's na si papa pero hindi pa halata sa mukha niya. Naka polo siya at tinupi niya haggang siko. At naka jeans pa at suot niya pa ang kanyang uniporme.

"Dapat lang. Mahal ko eh" sabi ni papa ng nakangiti.

Pagkarating namin sa Public Market ay agad namin hinanap ang flower shop. Pumili si papa ng tulips. Yun kasi ang paboritong bulaklak ni mama.

"24 dozen para sa 24th Anniversary" sabi papa ng nakatingiti.

"Sobrang inlove ha, hindi halata"sabi ko sa kanya pabalik.

Tinignan niya ako at ngumiti.

"Sana anak makatagpo ka ng lalaki mamahalin ka ng sobrang-sobra. Nang higit sa pagmamahal ko sa mama mo." Sabi niya at agad ginuha ang bulaklak.

"Sana nga pa". Sabi ko sa kanya habang aakmang bubuksan ang pinuan ng Flower Shop.

Pagkapatos namin don ay naghanap na din kami ng ihahandang pagkain. Napagdesisyonan ni Papa na magluto ng adobo. Dahil iyon ang gustong pagkain ni mama. Bumili na din kami ng mga ingredients para sa cake dahil gagawa si Chanel ng cake tuwing anniversary nila mama.


"Bumili kayo ng design?" Tanong ni Ate Chanel habang tinitignan ang pinamili namin.

"Oo. Pangit kaya pag hindi." Sabi ko sa kanya.

"Tumulong ka sa pag dedesign Migs ha, Para maaga tayong matapos." Dagdag ni Ate Chanel.

Nagkanya-kanya na kami sa mga gawain namin. Si Migs sa designs, Si Ate sa Cake at ako sa adobo.

Love Me Not (Teacher Student Relationships) DESTINY SERIES #1Where stories live. Discover now