Chapter 8

19 3 0
                                    


"Bakit mo alam Migs yung tungkol kay Marie?" tanong ni Coleen habang nilalagyan ang baso ni Migs ng juice.

"Kaylangan pa ba narin pagusapan si Marie dito?" Tanong ni Anastasia ng naka taas ang isang kilay.

"Guys chill wag natin dagdagan ang problema." Bago natin yun pag-usapan anong pinagusapan niyo ni Yuri, Nadia? Tanong ni Aki

Kung sa totoo lang hindi naman talaga big deal na umamin si Yuri sa akin sadyang meron lang talaga ibang tao ginagamit ang kahinaan ko. Hindi ako galit kay Marie pero bakit kaylangan niya yung gawin? Wala naman akong masama na ginawa sa kanya pero bakit?

"HOY NADIA!!" Biglang sigaw ni Migs saakin

Napakurap ako, hindi ko namalayan na meron na palang tinatanong sila saakin.

"Ah, Ano nga ulit yung ano, yung tanong?" Ayaw ko sana silang kausapin kasi naiiyak ako pag tungkol na kay Marie.

"Okay ka lang Nadia? Buti pa wag na muna nating pag-usapan ang tungkol sa nagyari kanina. Si Coleen

Niyakap nalang ako ni Anastasia at sumandal sa balikat ko.

"Nadia sorry sa ginawa ni Marie sayo. Ako na ang naghihingi ng sorry. Alam ko Nadia subrang importante sayo yung pagkakaibigan natin 3 taon palang tayong magkaibigan pero feeling ko subrang tagal na"

Sa tatlong taong pagkakaibigan namin ni isa sa kanila hindi ko sila pinag-isipan ng masama. Kasi sa totoo yung iba sa amin walang kapatid. Si Migs, Coleen, Anastasia lahat sila only child kaya tingin namin sa isat- isa magkakapatid na.

"Okay lang Sia alam ko may rason din si Marie". Nakayap nadin ako kay Anastasia

"Tagal na din Nadia yung huling tinawag mo ako sa palayaw ko" sabi ni Anastasia ng lalong mas humigpit ang yakap.

Magsasalita pa sana siya kaso biglang tumunog ang phone ko.

" Daniel Elijah Montecarlos has sent you a message"

Luh, Bakit biglang nag message si Sir sa akin.



Mr. Montecarlos:


Are you cutting classes Miss Lopez? I saw you earlier you were with Mr. Pacejo.




Shuta! Bigla akong nakawala sa yakap ni Anastasia. Kasi naman nakita kami ni Mr. Montecarlos ang masaklap pa nag cut talaga ako ng class.

"Okay ka lang Nadia?" Tanong ni Anastasia na mukhang nag alala. Napatingin na din silang lahat sa akin.

"Oo okay lang nag chat lang si Sir sa akin if nag cutting class ba ako."

Biglang lumaki ang mata ni Migs dahil alam niya na nakita ako ni Mr. Montecarlos

"At anong nagyayari Nadia! Bakit kayo magka chat ni Sir,? Ni hindi mo lang sinabi sa akin na meron na palang conversation nagaganap."


Napatakip ako sa mukha pano ba naman parang tanga si Migs , Alam niyang crush ko si Sir tapos ganyan pa maka asta.


"Alam niyo crush ni Nadia si Mr. Montecarlos" biglang amin ni Migs



Lumaki ang mata ko at hinampas ko si Migs ng unan. Pano ba kasi parang tanga.


"Awhh kaya pala binasted si Yuri kasi merong Mr. Montecarlos. Si Coleen naman habang tumatango-tango.





Namumula akong nag type sa phone ko para replyahan si Sir sasabihin ko nalang sa kanya na biglang masama ang pakiramdam ko. At nakita ako ni Yuri kaya ganon. Tika si Yuri nakalimotan ko bigla lang akong umalis dahil sa nagyari kanina.

"Okay lang Nadia, satin-satin lang to walang makakaalam, supportado kami sayo". Sabi ni Aki. At nakatango naman si Coleen at halatang tumatawa si Anastasia at kinikilig si Migs.


Hay, Mga kaibigan ko talaga.

Mr. Montecarlos:



Miss Lopez answer immediately what happened to you?




biglang tunog ulit ng phone ko.

Bigla ulit akong kinabahan, teka lang sir nag- aalala kaba saakin? Naka tingin si Migs sa akin na parang alam kung anong I rereply ko.

"Sino ng chat sayo? Si Sir ulit? Sabihin mo may sakit ka" dugtong niya.


Ako

Sorry Sir kasi yung nakita mo kanina masakit na po talaga yung ulo ko, Buti nalang po at nakita ako ni Yuri kung hindi mahihimatay po ako.



Sorry Sir kaylangan lang magsinungaling. At agad naman siyang nag reply.

Mr. Montecarlos:

"Bakit parating sumasakit ang ulo mo? Is there something wrong? You should get an appointment. Do your parents know about this?




"Char andaming tanong" biglang singit ni Migs at inagaw ang phone ko.

"Hoy akin na yan! Ano ba," agaw ko sa kanya


"Aysus sana all may ka chat". Sige na nga mag reply kana para kahit kunti meron tayong bonding ngayong araw kahit epic. Sabay abot ng Cell phone ko.


Kinuha ko agad at nag reply na kay Sir mag te-text pa ako kay Yuri kung anong nagyari kanina.

Ako


Okay lang ho Sir, Alam po nila baka bukas okay na din mo ako. Isi-send ko na sa kanya.



Ayaw ko man aminin pero may magandang nagyari ngayong araw na to. Sana magkatotoo ang hula ko na si Sir ay nag-alala sa akin kahit na alam ko na normal lang yun sa mga teachers na i check yung mga students nila.





Ako:

"Yuri sorry kanina meron lang emergency okay lang kami si Nadia to" text ko sa kanya gamit ang phone ni Migs kasi ayaw ko mag online baka kasi makita ko si Marie pag ganun, kahit isang araw lang ayaw ko mo na siyang kausapin.









Sa totoo lang takot ako na baka masira yung pagkakaibigan namin wag naman sana. Andami kong tanong pero bahala na.













..........



Happy 2021 ☺

Love Me Not (Teacher Student Relationships) DESTINY SERIES #1Where stories live. Discover now