illegna

75 0 0
                                    

Mapanuksong mata sayo'y nakita

Maiyag na pangangatawa'y kahali-halina

Kariktan mong taglay kahanga-hanga

Mayuming pagkadonselya'y 'di mapagkakaila

Walang titik na pantangi

Sa isip kong 'di mapakali

Na dugtungan ang mga tugma

Na naglalarawan sa kaibig-ibig mong mukha

'Di ko na ikukubli ang lubos kong paghanga

Sa mala enkantadang dalagita

Na sa isip ko'y gumugunita

At nagnanais ika'y makita

Hanggang sa muli aking giliw

Tula ko sana sayo'y nakapagbigay aliw

'Wag sanang isipin na ako'y baliw

Tula, Maikling Kuwento at DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon