Lihim

124 0 0
                                    

Saloobing kinukubli

Kay kupido gustong isangguni

Asintahin ang tinatangi

Nang sa gayo'y makamtam ang lipi

Gabi-gabi sa isipa'y namamalagi

Hinahabol-habol na wari'y nagmamadali

Tamis sa mga labing naka ngiti

Lumbay ng puso'y panandaliang nawaksi

Dukhang tulad ko'y sa pag-ibig kadalasa'y sawi

Pagkabigo't kalungkutan namumutawi sa aking mga labi

Sa hangin laging humihiling

Nananalamin sa tubig ay napapailing

May pag-asa bang maabot ang bituin

Pursigidong makamtan ang mithiin

Sa una kong akda ay iyong nakita

Lihim na pagtingin sayo tila ika'y nabigla

Tugon mo'y pagsawalang bahala

Dulot sa'kin ngayo'y madalas tulala

Tula, Maikling Kuwento at DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon