SETAC

86 0 0
                                    

Kabigha-bighaning kataw

Sa kabilang dako'y aking natatanaw

Angking ganda'y naaninag sa aking balintataw

Mayuming tinig na aking naririnig

Tamis ng punto sa bawat pantig

Sa isipan ko'y pumipintig

Bulong ng puso'y ika'y iniibig

Kagalakan sa aki'y makilala ka

Ako'y nagnanais ika'y makita

Binibining natatangi ang ganda

Marilag na kaanyua'y 'di mapagkakaila

Ating pagkakaibiga'y sana'y tumagal

Dumating man ang panahong maging matumal

Asahan na ika'y 'di makakalimutan

Pagkat ako'y masayang naging parte ka ng aking nakaraan

Tula, Maikling Kuwento at DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon