Ulirat ko'y nausig ng aklat

81 0 0
                                    

Hindi ko hilig ang sumulat

Hindi hilig ang magbuklat

Nang makakapal na aklat

Na sa'ming tahanan noo'y pakalat-kalat

Sa pambihirang pagkakataon

Ako'y biglang naka-ahon

Sa'king pagkaka-kulong sa blankong kahon

At tanong sa sarili'y saan ako paroroon

Isang aklat ang siyang nagmulat

Sa matagal ko nang natutulog na ulirat

Na siyang nagpaalala sa hapdi't sugat

Sa'king puso na sa pagmamahal ay salat

Pinamukha sa'kin nitong aklat

Na sa kabila ng kabiguan'y 'di pa huli ang lahat

Pagkadapa'y may pag-asa sa lahat ng hamon

ng buhay ay 'di nauubos ang pagkakataong ika'y bumangon

'Di nauubos ang bukang liwayway

Sa araw-araw ng hamon ng buhay

Datapuwat sa kalauna'y darating ang takipsilim

Na hindi nangangahulugay katakot-takot ang karimlam ng dilim

Tula, Maikling Kuwento at DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon