Patawad?

71 0 0
                                    

Salitang babanggitin sa oras na nagkasala

Para saan pa't nagawa na ang pinsala

Sayang ang binigay na tiwala

Tamis ng kulita'y kasama nang mawawala

Hindi sa lahat ng oras ay palagi na lang biro

May mga bagay na kailangan ng respeto

Sapagkat ito'y may sentimiyento

Na pinangangalagaan niyang  nakatago

Patawad?

Sana nga'y maging maayos ulit ang lahat

Nagsimula sa pang-iinis na siyang ugat

Kaya't galit at inis ay tuluyan nang isiniwalat

Isipin na lamang na ito'y alamat

Kalimutan at hayaan lumubog sa dagat

Salamat sa oras na ako'y napasaya mo

At sa mga bagay-bagay na naituro mo

Tila'y ako nga'y marupok na tao

Ngunit sana'y maunawaan mo hindi lahat ng bagay ay dinadaan sa BIRO

Tula, Maikling Kuwento at DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon