4. Mixed Colors 2

77 3 2
                                    

Ouch.

Napakasakit ng ulo ko parang binibiyak! Napakasakit!

Ayan, inom kasi ng inom. Lasingera!

Maka lasingera! Ang lasingera di nalalasing. Tange! Hays.

Minulat ko ang mata ko at nasaan ako? Kaninong kwarto to?

Joke. Syempre kwarto ko ito. Ano akala niyo? Nasa kwarto ako ng isang unknown guy at nakipag one night ako and siya na pala ang lalaki para sa akin. Hays. So clìche. Hahaha. Joke.

Yabang mo din noh!

Haha. Joke nga diba? Kaya eto bumangon na ako kasi napakasakit ng ulo ko pakiramdam ko binibiyak. Kaya humiga ulit ako at tinignan ang cellphone ko.

50 missed calls ....
37 new messages....

Shit!

Inopen ko isa isa yung mga messages at lahat galing kay Channel at isa lang ang ibig sabihin noon.

HINDI SIYA ANG NAGHATID SA AKIN SA BAHAY!

And sino? Sino? Wala ako maalala. Grabe, Sobrang dami ba nainom ko kagabi? At wala akong maalala? Tsk. At super sakit ng ulo ko. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at shit! Late na late na ako!

Kahit masakit ang ulo  ko ay nagmamadali na akong nagayos ng sarili ko. At umalis ng bahay, wala na sila mama baka nasa work na sila. Kaya di na rin ako nakapagalmusal. Sige magtakeout na lang ako ng kape sa MCDO para tipid. 

Pagdating ko sa office ay pakiramdam ko eh kakainin nila ako ng buhay. Kakaiba ang tingin sa akin ng mga babae kong kaofficemate kahit na lima lang sila at nakakaloko ang ngiti ng mga ugok kong mukhang manyak na kaofficemate na lalaki. Di ko na lang sila pinansin.

Wala pang limang minuto eh tinawagan na ako ni Sir Mark if you remember siya yung parang team leader namin and sabi niya magmeeting daw kami kasama si partner. Nilingon ko ang kaharap kong table pero wala na siya doon kaya dumiretso na ako sa Office ni sir.

"Sir?" Kumatok pa ulit.
"Sige pasok ka na, umupo ka dito."

Pag kapasok ko ay nakaupo na doon si Mr. Duke Grey Monteverde. Naisip ko lang? Mahilig kaya sa kulay yung parents nila ni Red? At Colors ang name nila? Grey at Red. Siguro fave color yun ng parents nila. Siguro fave color din ni Grey ang Grey? Haha. Parang Si Red.

Red. Red. Red. Tumigil ka nga!

Umiling ako ng mahina at umupo na sa upuan na katabi ng lamesa ni sir at

sa harap ni Grey.

"So, Miss Sancha." at natawa pa ito ng konti. Sinamaan siya ng tingin ni Grey at sabay pa nito ang pamumula ng tenga niya. Ang cute. Huh? Anong cute. Umayos ka nga Sancha. Teka ?

"Po? Ano po?" Baka mali lang ako ng dinig. Baka mali lang. Bakit niya alam? Teka.

"I mean, Ms. Grande. Tumawag sila Mr. and Mrs. Santillan sa amin and they say eh kung pwede daw ba na sumama kayo sa lugar na pagtatayuan ng bahay nila bukas. Para daw kung may idadagdag ka sa designs eh alam mo daw." Mahaba nitong paliwanag. Pero di pa rin ako mapakali sa ngiti na binibigay niya sa akin at sa tingin na nakakalusaw ni Grey. Yung totoo. Ang lagkit sobra ah. Baka type ako nito.

Spell ASA. S-A-N-C-H-A.

At dahil di ko na matiis..
"Bakit ka ba ngiti ng ngiti sa akin? Sir?"

At tuluyan na ito natawa as in tawa. As in pumailalanglang ang boses nito sa office. At tinignan ko naman si Grey para humanap ng kasagutan kaso nakasimamgot lang ito pero namumula pa din ang tenga niya. Weird.

Bitter Sweet LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon