Feeling ko mamatay na ako kakapigil ng paghinga. Tumingin ako sa kanya sa ilalim ng bangs ko. Busy siya sa pagdridrive, nakakunot ang noo. Halos magdikit na ang kilay niyang makakapal at ang mata niyang singkit. Chinito. Napangiti naman ako doon. Yan yung dahilan kung bakit nainlove ako kay Red noon eh.
"Stop smiling, You're creeping me out." Sabay irap nito sa akin. Tignan mo to? Ang aga aga bwisit sa mundo. Napailing na lang ako,
pero kahit masungit pogi pa rin.Ay ang landi talaga ng utak ko. Tsk.
Kung nagtataka kayo bakit kami magkasama sa kotse niya ay dahil..
*flashback *
*Bukas. 6am sharp. Office." Yun lang sinabi niya atsaka siya nag walk out sa office namin. Napairap na lang ako sa pagwawalkout niya. Like for real, halik lang grabe magreact. Haha. Joke. Syempre halik yun!!! At nakita pa ng mga officemate namin.
*end of the flashback*
Akala niyo naman siguro nagdadate na kami noh. Asa ka pa! Dream on Charlotte. As if naman gusto kong makipagdate diyan sa kumag na yan. Like for real? Di na ba ako madadala sa kambal niya na niloko, pinaasa at sinaktan ako.
Move on, Charlotte.
I wish ganoon lang kadali. Ang magmove on, ang ngumiti, ang hindi maging bitter sa taong minahal mo ng sobra? At hindi rin ako maiinlove sa taong nagpapaalala sa akin kung gaano kasakit ang lahat ng pinagdaanan ko noon.
Wag magsalita ng tapos, Charlotte.
Tumingin ulit ako sa kanya. Kay Grey. Napabuntong hininga ako. Bakit kaya ang lupit sa akin ng tadhana?
"We're Here." Napatingin ako sa paligid. Isang napakalawak na lupain. Lumabas ako ng kotse niya at tinignan maigi yung area, Napatingin ako sa kabuuan nito at halos maiyak ako sa nakita ko. Eto yun, yung dream place ko kung saan itatayo ang bahay ko. Sa mismong lugar na ito. Sa lugar kung saan kitang kita mo ang Mt. Taal. Pumikit ako ng madiin. Bakit? Bakit masakit pa din.
"Breathtaking." Napatingin ako kay Grey. He is looking at the mountain. Napatango na lang ako kahit alam kong di niya naman ito nakikita. "Alam kong maganda, pero bakit ka umiiyak?." Nagulat ako sa sinabi niya, pinunasan ko ang luhang nakawala galing sa aking mga mata at ngumiti ng pilit.
"Mababaw kasi ang luha ko eh, Pag nakakakita ako ng mga bagay na magaganda naluluha ako." What a lame excuse, Charlotte. Really?
Tinignan niya lang ako. Yung tingin na nanunuot, parang di kumbinsido sa sagot, yung tingin na may gustong malaman. Yung tingin na nakakatunaw..
"Duke!" Isang sweet na boses galing sa isang pamilyar na boses nanigas ako sa kinakatayuan ko.
"Ah. Sister-in-law! Why are you here? Where's Red?" Shit. Kanina iniisip ko lang siya eh, ngayon nandito na siya.
"Ah. Nasa parking lot. Naghahanap kami ng prospect place para sa patatayuan ng bahay namin after the wedding. And you know? This place was perfect kaso sold na daw eh." Para akong tuod na nakatalikod pa rin sa kanila. Di ko kaya lumingon nakakaiyak. "And you, why are you here? Dating?." No. Please. Deadmahin mo na lang ako.
"Ah. Yes, dating, yes." natatawa nitong sagot tsaka ako hinawakan sa pulso at inikot ng dahan dahan pakiramdam ko nag slow mo ang mundo. Nakayuko ako sa harap niya. Ng babaeng nanakit sa akin ng sobra. "By the way, she's Saint Charlotte Grande, my date." Gusto kong sapakin si Grey! Gusto kong tumakbo, Gusto kong magtago pero wala akong magawa kundi ang huminga ng malalim, ngumiti ng pilit at tiningala ko ang ulo ko.
"Hi." tipid kong sabi, at nakita ko sa mukha niya na para siyang nakakita ng multo.
Ano ka ngayon? Bruha ka."Sa-sa-sancha.." Mahina niyang bulong na halos di ko na nadinig.
"Babe! Sino yang kasama mo?" Double shit. Parang di ko kaya to. Okay pa si Michelle eh pero yung lalaking mahal ko. Minahal ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng akbay sa akin ni Grey. Ni hindi ko nga namalayan na nakaakbay na pala siya sa akin. Tumingin ako sa kanya at ganoon pa din ang itsura niya tikom ang dalawang bibig at nakakunot ang noo. "Sancha, Duke?." Parang nalaglag yung puso ko sa gulat ng narinig ko ang boses niya. Napalingon ako sa kanya at nakita ko sa mga mata niya ang pinaka ayaw kong makita sa lahat.
Pagkaawa. Pagkalito. At pagkagalit.
Bakit ba ang sama ng tadhana sa akin? Ano bang ginawa kong masama para parusahan ako ng ganito. Una, napagkamalan kong si Red si Grey. Pangalawa, hinalikan ko si Grey sa harap ng officemates ko at pangatlo nakita ko ang Ex kong g*go na niloko ako na kasama ang babaeng pakakasalan niya na. Na ang ex ko na minahal ko ng sobra ay masaya na kasama ang babaeng kinamumuhian ko sa lahat.
Nagulat na lang ako ng bigla akong hinarap ni Grey at hinawakan ang pisngi ko sabay halik sa labi ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Hinalikan niya ako. "Bakit ka nanaman naluha? Masyado bang maganda ang nakikita mo?" bulong niya sa akin.
"Uh. Red, I guess magkakilala na kayo. My date, My girl, Sancha Grande." At hinawakan nito ang kamay ko.
Nakakawindang!
******
Short update. Sorry guys kung matagal bago magUD. Busy po sa school eh. So here it is. Hope you like it. :)
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet Love
Romance"Best way to not get you heart broken, is to pretend you don't have one."